Kinaumagahan ay nagising si Maine sa silid ng Mahal na Haring Sukjong. Nakahiga siya sa higaan nito ngunit napansin niyang mag isa lang siya. Wala siyang katabi nang siya ay magising. Bumangon siya ngunit bigla siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo. Tila ba ay nahihilo siya. Pilit niyang inalala kung may nangyari ba sa kanila kagabi. Aaminin niya na matindi ang naramdaman niyang kaba. Pero wala naman siyang ibang magagawa kundi ang sumunod dahil siya ang Hari at wala siya sa Seoul kundi nasa Joseon. Napansin niyang hindi naman nagalaw ang kanyang suot na damit. Ito pa rin ang sinuot niya kagabi nang pumasok siya. Malalaman naman niya kung may nangyari talaga sa kanila.
"Nasan kaya siya? Bakit mag isa lang ako dito? Teka...may nangyari ba sa amin last night? Hmmm....parang wala naman yata. Wala ba talaga siyang ginawa sa akin kagabi? Wala naman siguro."
Agad niyang inayos ang kanyang sarili at tumayo na. Kailangan na niyang bumalik sa kanyang silid. Sigurado siyang magtatanong ang kasamahang si So Ah kung saan siya nagpunta. Alam ni Maine na mabilis na kakalat ang balita tungkol dito kaya kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili. Binuksan na niya ang pinto at napansing may naghihintay na mga tagasilbi sa kanya.
"Binibini, nakatulog po ba kayo ng maayos?", bati nito sa kanya ng may paggalang.
"Teka, bakit kayo ganyan sa akin? Bakit masyado kayong magalang?"
"Binibini, sumunod ka sa amin."
"Teka, nasan ang Mahal na Hari?"
"Maaga po siyang nagising kanina. Nagpatawag ng isang pagpupulong sa mga Ministro sa bulwagan."
"Isang pagpupulong? Ang aga naman..."
Sumunod na lamang si Maine sa kanila. Ngunit nagulat siya sapagkat dinala siya ng mga ito sa isang bahagi ng palasyo. Isa 'yung pribadong tirahan na nakalaan lamang para sa mga nagiging asawa ng Kamahalan.
"Binibini, simula ngayon ay dito na kayo maninirahan at ang mga tagasilbi ito ay pagsisilbihan na kayo simula ngayon."
"Ano? Ba-bakit? Anong ibig niyong sabihin, Binibini?"
"Ito po ay kautusan ng Mahal na Hari at pakiusap huwag niyo na po akong tawaging Binibini, Mama Nim."
"Ma-mama Nim? Ako?"
Litong lito si Maine habang papasok siya sa kanyang bagong tirahan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Tinawag siyang 'Mama Nim'; isang Binibini na may mataas na posisyon sa palasyo. May mga tagasilbi siya na sumusunod sa kanya. Tinulungan pa siya ng mga ito upang mag ayos ng sarili. Pinasuot din sa kanya ang isang "Sorae Dang'ui"; ang damit na sinusuot lamang ng isang babae matapos niyang pagsilbihan sa kama ang Mahal na Hari. Tiningnan niya ang kanyang bagong silid. Napakalaki nito para sa kanya. Bigla niyang naalala ang mga nangyari sa kanila ng Kamahalan kagabi pati na din ang mga sinabi nito sa kanya. Unti unti niyang naintindihan ang lahat. Wala naman talagang nangyari sa pagitan nilang dalawa ng Kamahalan. Nag aya lang ito na mag inuman silang dalawa. Masaya lang silang nag kuwentuhan buong magdamag. Madalas natatawa ang Kamahalan sa mga biro niya. Sigurado kapag ang kaibigang si Sheena ang nakarinig sasabihin na waley ang mga biro niya at iinisin lang siya 'nun. Naalala niya din ang naging usapan nila ng Mahal na Hari kagabi.
"Na Ri, nais kong malaman mo na maaaring bukas ay malalaman ng buong palasyo na pinapunta kita dito upang pagsilbihan ako sa kama. Mabilis na kakalat ang balita kinabukasan. Magsisimula ng magbago ang buhay mo paglabas mo ng aking silid bukas ng umaga."
"Ano po ang ibig niyong sabihin, Kamahalan?"
"Simula ngayon ikaw ay isa na sa aking mga babae. Ikaw ay pag aari ko na. Gagawin kita na isang royal consort."
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.