Lumipas ang mga araw at linggo ngunit hindi na ulit nakita ni Maine ang lalakeng muntik ng maka disgrasya sa kanya. Para sa kanya ay mabuti na din ang ganun kasi mas lalo pa siyang maiinis kapag nagkita pa sila ulit. Sa ngayon ay wala naman siyang magagawa kundi ang makisama sa lahat ng taong makakasalamuha niya. Nandito siya sa Joseon. Mabuti nalang at nakikinig naman siya sa kanyang guro sa kasaysayan kapag nagtuturo ito sa kanila sa unidersidad. Madali siyang natuto kung paano mamuhay sa Joseon. Sa katunayan ay humahanga sa kanya ang pamilya ng Reyna. Mabait daw siya at masayahin kahit minsan ay kakaiba daw ang kanyang mga kilos at pananalita.
Isang gabi ay naglakad lakad muna si Maine sa labas ng bahay ng mga Min. Busog na busog kasi siya. Tama nga ang sinabi ng kanyang guro sa kasaysayan; masarap magluto ang mga kababaihan sa panahon ng Joseon. Medyo tahimik na ang gabi. Wala na masyadong taong naglalakad. Maagang natutulog ang mga tao. Kakaiba sa pinanggalingan niyang panahon. Hindi pa siya nakakalayo ng bahay ay may napansin siyang mga lalake na paparating sa kinaroroonan niya. Medyo kahina hinala ang mga kilos nito. Nakaramdam siya ng takot. Dahan dahan siyang nilapitan ng mga ito. Umatras si Maine. Aaakma na sana siyang tatakbo pero nahawakan siya ng isa sa mga ito. Nagpumiglas siya. Bigla namang may dumating na isang grupo ng mga kalalakihan at napigilan ang mga masama nilang balak sa kanya.
"Itigil niyo yan. Pakawalan niyo ang babaeng 'yan, ngayon din.", sigaw ng isa sa mga ito.
Hindi maaninag ni Maine ang hitsura ng mga ito. Medyo madilim kasi ang lugar kung saan ito nakatayo. Agad naman siyang pinakawalan ng mga lalakeng may hawak sa kanya. Tumakbo na ang mga ito palayo. Nilapitan siya ng mga kalalakihan na nagligtas sa kanya. Nagpakawala si Maine ng isang malalim na buntong hininga. Mabuti na lamang at may nakakita sa kanya. Akala niya talaga ay katapusan na niya. Unti unting naging malinaw sa kanya ang hitsura ng mga tagapagligtas niya. Ngunit laking gulat ni Maine sapagkat natuklasan niya na ang lalaking nagligtas sa kanya ngayon at ang lalaking muntik ng maka disgrasya kanya na nakasakay sa kabayo ay iisa.
"Ikaw???", sabay nilang sabi sa isa't isa. Nagulat si Maine at ganun din naman si Haring Sukjong.
"Teka lang... Ikaw 'yung Tribunal Officer, di ba? 'Yung totoo? Stalker ba kita?", tanong niya dito na may halong inis.
"S-s-stalker? Ano 'yun?"
"You don't know what that means nga pala. Ang ibig kong sabihin...magsabi ka nga ng totoo. Sinusundan mo ba ako? Bakit ka nandito? Kulang pa ba yung pambabastos na ginawa mo sa 'kin noon?"
Halos hindi makapagsalita si Haring Sukjong sa kanyang mga narinig. Kung alam lang ng babaeng ito na siya ang kasalukuyang Hari ng Joseon ay paniguradong luluhod ito sa harap niya para humingi ng tawad.
"Ano ba ang iyong sinasabi, Binibini?"
"Hindi pa ba sapat sa'yo ang ginawa mo sa 'kin dati, huh? Gusto mo pang rumesbak?"
"Hindi namin maunawaan ang iyong sinasabi Binibini. Ngunit maaari bang ayusin mo ang iyong pananalita. Hindi mo ba kilala ang iyong kausap? Siya ang Kamahalang Haring Sukjong. Isa kang lapastangan.", sigaw sa kanya ng isa sa mga kasama nito sabay labas ng kanyang sandata.
Kinabahan si Maine ngunit hindi siya nagpahalata. Alam niya totoong sandata ang hawak ng lalaki. Pero sa kabilang banda ay nais niyang matawa. Sinabi ba naman nito na ang kaharap niya ay ang Hari ng Joseon. Hindi niya ito paniniwalaan.
"Hahahaha. At sa tingin niyo ba ay maniniwala ako sa inyo? Excuse me. Wag niyo nga akong lokohin, pwede?"
"Hindi ba dapat ay magpasalamat ka pa sa akin dahil iniligtas kita mula sa isang tiyak na kapahamakan? Siguro naman ay sapat na iyong kabayaran sa aking nagawang kasalanan sa'yo?", sabi nito sa kanya habang nilalapit nito ang kanyang mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/106214021-288-k336750.jpg)
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.