Iterum (Again) - Wakas at Simula

282 23 15
                                    

V.

Puting kwarto, masangsang na amoy ng gamot at hagikhikan sa gilid ang tumambad sa kagigising lang na si Cris, na sinundan naman ni Mia. Sila ay nakabalik na sa kasalukuyan pagkatapos ng mahaba nilang pagtakbo sa dilim, at sa tulong na rin ng lumang bolpen ni Cris na nagsilbing kanilang lagusan upang makaalis sa kahapon.

"Nakabalik na tayo?" masayang tanong ni Mia kay Cris.

Nginitian ito ni Cris na nasa kabilang higaan, "Oo." at mataman siyang tinitigan habang inaabot ang isa nitong kamay at pagkaraan ay pinisil.

Parang may sarili na naman silang mundo habang magkadaupang palad. Ang palitan ng matatamis na ngiti at makahulugang tingin sa isa't-isa ay binulabog ng sunod-sunod na tikhim mula kay Shiela at Ely na nasa tabi lang nila.

"Bakit may pa-holding hands at titigan wars with matching batuhan ng matatamis na ngiti? Ano 'to nagka-syota-an ka'yo habang tulog? Ligawan sa panaginip ganun?! Aba, eh di wow na bongga! Ikaw na betty, ikaw na!" komento ni Shiela, na binasag naman ni Ely.

"Inggit ka? Syota-in din kita gusto mo?"

Pero pakunwari itong tinarayan ni Shiela, "tse! Hindi porke utang na loob ko sa 'yo ang buhay ko, easy to get na ako. Husayan mo pa ang panliligaw baka sakaling magka-chance na tayo."

Para namang inasinan na uod si Ely dahil sa narinig, "eeeehhh...pakipot pa sya! Gusto mo naman ako nahiya ka pa." tukso nito at pinagbangga ang kanilang mga braso.

"Enebe! Esyemero ke!" pabebe naman ng dalaga na may kakambal na pabebe hampas at pisil sa braso ni Ely na umani naman ng ngiti at tawa kina Cris at Mia.

"Teka 'tol, so siya yung nagbenepisyo ng ilang gabi kong hindi pagkatulog dahil sa tula at love letter na pinapagawa mo?" pag-ulirat ni Cris sa kaibigan, para masusugog na din ang kalokohan nito. Pero imbes na mainis si Sheila nagtawanan lang sila ni Ely.

"Hindi noh! Si Mia. Ako 'yung totoong nililigawan ng unggoy na 'to. Pero dahil parehas kaming concern sa pagiging single 'nyo naisip namin na i-set up kayong dalawa." paliwanang ni Shiela na umani sa apat ng katahimikan kapagkuwan. Mas lalong lumagkit ang pagtitinginan nina Mia at Cris sa isa't-isa.

Pero isang taas kilay naman ang nakuha ni Shiela mula sa kaibigan, "So niloko mo ako ng dalawang buwan Shiela Mae Alfonso?"

Mapaklang ngumisi si Shiela dito, "He he..parang ganun na nga betty. Pero worth it naman oh, Diyos ko! Kulang nalang manganak na yang mga kamay niyo kanina pa nakapatong!"

"Lakampake! Holding hands mo din si Ely." biglang singit ni Cris.

Nagpa-pogi naman si Ely sa dalaga, subalit tinignan naman ito ni Shiela na di malaman kung kinikilig o naaasiwa ang mukha, "magtigil ka Eliberto. Hindi mo ikina-gwapo!"

Kokontra pa sana si Ely, nang magtanong ulit si Cris, "Pero 'tol maiba ako. Anong nangyari pagkatapos kami'ng kainin ng liwanag at nung libro?"

Napakamot si Ely at namewang, "Anong kinain ng libro na pinagsasabi mo? High ka ba sa dextrose? Malamang may liwanang kasi buong chandelier ang bumagsak sainyo mula sa kisame. Kaya nga kayo may benda di ba? Buti na lang nagala-James Bond ka kanina kundi, itatakwil ka ni Rizal bilang apo at ibibigay ka kay Mabini dahil isa ka ng lumpo. Pero bilib ako sa'yo dun ah?! Ginalingan 'nyong gumulong." paliwanang nito na nagpakunot sa noo nina Cris at Mia. Anuman ang naging kababalaghan, totoo man o hindi tototoo sa nangyari, nagpapasalamat pa rin silang dalawa dahil natagpuan nila ang isa't-isa.

At nakatuka ako. Ani Cris sa sarili habang kagat ang ibabang labi na nakatingin kay Mia. Kapagkuwan sabay-sabay silang napalingon sa may pinto ng pribadong silid nila nang makarinig sila ng dalawang katok, sabay pasok ng nurse.

"Kayo po ba ang attending guardian nina Mia Clara Mendoza at Crisostomo Faulkerson?" tanong ng nurse kalaunan.

Tumango naman sina Ely at Shiela, "Yes, betty kami nga. Bakit malala na ba ang lagay ng mga 'to?" biro ni Shiela, napangiti naman ang nurse.

"Ay hindi po, may pipirmahan lang po kayo do'n sa nursing station. Sunod na lang po ka'yo sa 'kin."

"Yun naman pala. Lalabas na ka'yo 'tol. Tuloy ang poreber." singit ni Ely, habang nakatingin sa nakangiting kaibigan. Tinanguan lang ito ni Cris, habang hinihimas ang ibabaw ng palad ni Mia gamit ang hinlalaki.

"Tara na betty, mauna ka. Sunod kami." ani ulit ni Shiela, na sinunod naman ng nurse. Papalabas na sana sila ni Ely ng pinto ng muling hinarap nito si Mia, "Bes, paalala lang ah? Nasa hospital pa kayo. Baka pagbalik namin nagse-sex na kayong dalawa. Diyos ko, easyhan lang betty!"

"Betty, aalis ka ba o ikaw naman ang gustong maratay sa hospital bed?"

"Ay wow, may pagbabanta? Hahaha! Oo na. Aalis na! Death glare chenes! Halika na nga Ely, ako na nga lang i-chenes mo." huling salita ni Shiela na narinig ni Mia at Cris bago sumara ang pinto.

Napailing na lang si Mia at napangisi, "Loka-loka talaga kahit kelan." pero natigilan sa muling pagyapos ni Cris sa kamay niya.

"I love you, Mia.." lahad nito ng pagmamahal para sa kanya sa unang pagkakataon. "Alam ko masyadong mabilis ang mga nangyari sa pagitan nating dalawa, pero sa kabila ng lahat ng yo'n isa lang ang sigurado sa akin. Yo'n ay ang nararamdaman ko sa'yo, noon pa. Mahal kita, Mia. Mahal na mahal."

Napangiti si Mia, ginagad ang kamay nito tungo sa kanyang pisngi at buong pagmamahal na nagsabi, "I love you too, Cris. Wala naman yan sa bilis. Para sa 'kin kasi, bakit mo pa patatagalin kung ramdam mo na at sigurado ka na do'n. May mga bagay at nararamdaman akong malabo noon, pero nang makita kita sa museum unti-unting nagliwanag ang lahat. Sigurado na ako, Cris. Sigurado na ako sa atin, sa ako at ikaw."

Matamis at nagniningning ang mga mata nilang mataman na nakatingin sa isa't-isa, habang muling sinasambit ang bawat pangako ng wagas nilang pag-ibig.

"Oo, mahal. Ikaw at ako, tayo, forever."

"Forever."

Pag-ibig na naglakbay pa mula sa kahapon, at patuloy na maglalakbay sa anumang panahon.

**WAKAS**

AMACon 4: Serendipitous - Likhang TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon