SA PANULAT NI: mnlwrites
PROMPT:
PROMPT NI: burijoonche
Maga-alas kwatro ng hapon ng makarinig si Richard ng isang mahina at malumanay na katok sa pintuan ng kanilang bahay. Sa kanyang pagkakatanda, wala syang inaasahang bisita ngayong araw dahil sinisigurado nya na tuwing ika-24 ng Oktubre ay mag-isa lang sya sa kanyang bahay.
Ika-24 ng Oktubre.
Ang huling araw ng makita at makasama nya si Maine, dalawang taon na ang nakakalipas. Walang nakakaalam kung nasaan sya, kung nasa mabuti ba syang kalagayan o kung buhay pa sya. Bigla nalang syang nawala ng parang isang bula na tila pinupwersa ang lahat na kalimutan sya.
Pilit na pilit na bumangon si Richard sa sofa at inilapag ang tsitsirya sa mesa.
"Sino naman kaya 'to? Istorbo sa pahinga eh." bulong nito habang naglalakad papunta sa pintuan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Richard ng makita ang babaeng nakatayo sa kanyang harapan.
"Hi Richard, kamusta?" bati nito sa kanya habang nakangiti.
"Kat, ano... hello. Okay lang, kamusta ka? Uh, tara pasok – uh pasensya na kasi di ako nakapagayos ng bahay. Kasi ano – alam mo na..." utal-utal na paliwanag ni Richard habang kumakamot ng ulo.
Kasabay ng paglaho ni Maine ay ang paglaho ni Richard sa sirkulasyon ng kanilang barkadahan. Kahit ang pamilya ni Maine ay pilit nyang iniwasan matapos ang pangyayari. Para syang nilalamon ng kanyang konsiyensya sa tuwing may kakausap sa kanya na myembro ng pamilya ni Maine.
"Ano ka ba, okay lang. Parang ang bago ko naman na tao for you at saka hindi rin naman ako magtatagal..." sabi ni Kat at umupo sa sofa kung saan nakatambay si Richard kanina.
"Wow, A Walk to Remember. Pang ilang ulit mo na yan?" biro pa ng dalaga kay Richard.
"Hindi ko narin nga mabilang eh. Anyway, bakit napadalaw ka bigla? I mean, it's been a while since you know..."
"Alam ko. Pero makapagsalita ka naman parang ako lumayo sayo. Ikaw 'tong biglang nawala at hindi umattend sa Tuesday sessions natin. It's been what, two years? Parang sumama ka kay Meng eh."
Natigilan sila parehas sa sinabi ni Kat.
"Sorry, I didn't mean to – "
"O-oo nga eh, ang tagal na..." sabat ni Richard habang naglalakad patungo sa kusina. "Anyway, sorry uh... nako, wala akong pagkain dito sa bahay. Hindi pa ako nakakapaggrocery kasi..."
"Uhm... huwag ka na mag-abala RJ, hindi naman rin ako magtatagal. May gusto lang akong ibigay sayo."
Nakuha nito ang atensyon ni Richard kaya't bumalik ang binata sa sala.
"Ano?"
"Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ang tagal bago nakarating ito sayo pero," sabi ni Kat habang kinukuha ang isang bagay mula sa pitaka na nakalagay sa loob na kanyang bag.
"Here."
"Ano 'to?" pagtatakang tanong ni Richard pagkakuha sa binigay na USB ni Kat.
"Galing yan kay Coleen, binigay sa akin two weeks ago. Kahit ako nagulat nung binigay sakin yan. Just like you, hindi na rin gaano nagpaparamdam si Coleng samin kaya nagulat ako nung pumunta sya sa bahay. Nakakatawa nga, pakiramdam ko nga wala naman talagang balak ipakita sa atin yan eh."
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.