Season 1 Webisode 31: Final Episode

448 33 18
                                    



Help beat energy, energy gap
Beat energy gap

Drink MILO—

Skip Ad.

ALDEN: She loves me, she loves me not. She loves me, she loves me not.

GOON 1: Boss, ubos na po ang buhok niyo kagaganyan niyo.

ALDEN: *tututukan ng baril ang goon* hindi porque goon ka na at hindi na extra, may karapatan ka nang kausapin ako at pansinin ang mga ginagawa ko!

May maririrnig siyang sasakyan napaparating. Magtatago sya sa likod ng drum.

ALDEN: ammimimimimiiii.

○○○

Hawak-hawak parin ang baril, hahabulin ng BMW ni Maine ang kotse ng magsyota.

DIREK: Cut!! Bakit baril na yang hawak mo? Saan galing yan??

MAINE: Katulad ng mga nauna mong palabas, bigla nalang may baril ang karakter na hindi alam kung saan nanggaling.

Matagal syang titingin sa likod habang nagmamaneho pero hindi sya mababangga. Mapupunta sya sa pier kahahabol sa kotse ni Kobi.

○○○

Lilipat ng pwesto si Alden para mas makita ang dumating na kotse.

○○○

Ipaparallel park ni Maine ang kotse kasunod ng kotse ni Kobi. Bababa sya at papasok ng warehouse.

○○○

Susundaan ni Alden ang magsyota na naghaharutan papasok ng warehouse. Lilingon si Pat O. Five at makikita niya si Alden.

ALDEN: Kayo pa talaga ang pumunta sa akin. Pagsinuswerte nga naman.

KOBI: Lumayo ka sa amin!

ALDEN: IKAW PUMUNTA DITO TAPOS AKO PALALAYUIN MO?!

PAT O. FIVE: May point sya.

KOBI: Wampoint! *haharap kay Alden* Alden! Tatalian mo ba ako??

○○○

Susundan ni Maine ang mga boses na nasisigawan at lalapit sya sa scene. Maaabutan niyang nakaupo sa sahig at humahagulgol si Kobi.

DIREK: Anong ginawa mo??

KOBI: BINABOY MO KO!! BINABOY MO KO!!!

ALDEN: If you can't stand the heat, get out of the kitchen! Tinanong kita pare. Tinanong kita kung pwede kitang ihian.

KOBI: Binaboy mo—

PAT O. FIVE: KANINA KA PA HA.

ALDEN: ANOOOOOOO?! TARAAAAAAA!!!!!

GOON 1: Boss may mga pulis!!

ALDEN: Isa ka pa. Goon 1, mahal kita pero bibigwasan kita!

Mababangga ng mga pulis ang mga drum na may lamang tubig at papasok sila sa eksena. Maaabutan nilang hawak ni Maine sa leeg si Pat O. Five habang tinututukan nya ng kutsilyo ito.

MAINE: Bakit hindi kayo late?!

PULIS 1: Ibaba mo yang kutsilyong hawak mo!

MAINE: Baril tong hawak ko! Ibaba mo yang fleshlight na hawak mo!

PULIS 1: Bitawan mo yang baril na hawak mo!

MAINE: Kutsilyo to!

Babarilin ni Alden ang Pulis 1 at magkakabarilan sa loob. Babarilin ni Maine ng kutsilyo ang ibang mga pulis dahil nalito na sya sa hawak nya. Patalikod syang tatakbo habang naka fuck you both hands sa mga pulis.

MAINE: Bang! Bang! Bang!

Mababaril ni Alden si FPJ sa leeg pero hindi manlang matitinag si FPJ dahil parang kiniliti lang sya ng bala. Tatalon si Cardo mula sa taas ng isang shipping container at habang nasa ere, mababaril nya sina Alden at Maine.

Hihimlay na magkaharap si Maine at Alden sa sahig ng warehouse. Lilipat ang eksena sa duguang si Kobi na nakahimlay sa mga braso ni Pat O. Five.

PAT O. FIVE: Kobiiiiiii... anong nangyari sa mukha mo?

KOBI: Gumagalaw ba? Failed CGI yan dahil mahina pa ang Pinas dyan. Ako na to, ang ka-double ni Kobi. Nag back out na siya sa show.

PAT O. FIVE: Ahem. Uh, wag mo kong iwan, Kobi. Huhuhuhu

KOBI: Wag kang tumawag ng ambulansya para maasar ang viewers na imbes na mabuhay pa ako, mamamatay nalang ako sa kwento.

PAT O. FIVE: Kobi, mahal na mahal kita.

KOBI: Alam ko, alagaan mo ang magiging anak natin. Palakihin mo syang straight ang likod. *uubo ng dugo* uuuuhhhhhhh....

PAT O. FIVE: KOOOOOOOOOBBIIIIIIIIII!!!!!!!!

[END]

AMACon 4: Serendipitous - Likhang TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon