Skip Ad in 3..2..1
Yes, may ad ang show natin.
Kakain ng saging si Maine habang nakaharap sa bintana ng office nya. Itatapon nya ang balat ng saging sa bintana.
Isi-skip natin sa pagpapasok ng nangangatog na matabang secretary dahil sayang sa airtime. Okay lang naman talagang mahaba to dahil online ang palabas. Isama nalang natin yan sa "Everything Wrong With TKLSL." Kakausapin nya si Maine tungkol sa mga meeting nya ngayong araw.
MAINE: Carla, bumaba ka nga at tingnan mo kung ano yung kaguluhan sa baba, sa kalsada. Tawagan mo ang guard.
CARLA: Alin po sa dalawa ang gagawin ko? Bababa o tatawag?
MAINE: Elen pe se deleweeeeee?? Bababa ka sa lobby at pag katabi mo na ang gwardya, tawagan mo sya sa telepono. Gamitin mo ang hagdan.
Padabog na bababa si Carla sa lobby at tatawagan ang guard sa telepono. Malalaman nyang may lalaking nadulas sa kalsada. Babalik sya pataas at susundan ang trail ng pawis nya sa sahig.
CARLA: May nadulas pong lalake sa kalsada. Nabagok.
MAINE: Oo nga eh nakausap ko yung guard.
(Wag basahin ang susunod na sentence kung ayaw mo ng spoiler. Skip sa next webisode)
BTS: Makikita sa picture na tumatakbo palabas ng ospital si Alden na may bandage sa ulo.
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.