Gusto kong sabihin na matapos ang araw na iyon, iyong araw na nanood kami ng cartoons, iyong araw na hindi na namin mapigilan ang init ng katawan kahit pa malamig sa loob ng sinehan at lumipat kami sa isang motel ay isang beses lang nangyari. Gusto kong sabihin na matapos ang araw na iyon ay hindi na kami muling nagkita. Pero hindi ganoon ang nangyari.
Gusto naming pareho ang mga nangyari matapos ang araw na iyon. Dahil nang sumunod na Sabado ay nagkita kaming muli. At nadagdagan pa ng isa pang Sabado, at ng isa pang Sabado, at ng isa pang Sabado ulit. Hanggang sa paulit-ulit na nga ang pagkikita namin tuwing Sabado.
Dahil tuwing Sabado lamang ako maaaring mapag-isa, dahil wala si Trixie at nasa kanyang ama. Pero hindi ko ito sinasabi kay RJ. Wala akong sinasabi kay RJ, at gayundin siya sa akin.
Ito ang batas na pinagkasunduan namin. Na wala kaming aalamin sa buhay ng isa't isa, na mananatiling sikreto ang lahat sa amin. Wala akong alam sa kanya, wala siyang alam tungkol sa akin. Ganoon ka-simple, kahit na, oo, komplikado pa din. Alam kong maraming tanong si RJ. Mahabang magpaliwanag ang isang 'to, at marami siyang gustong sabihin. Noong umpisa ay muntik na niyang ilahad sa akin ang kuwento ng buhay niya.
"Meng, huwag mong isipin na pinagsasamantalahan lang kita, na isa lang akong manyakis at katawan mo lang ang habol ko. Hindi ko din alam kung bakit matindi ang dating mo sa akin, pero noong unang beses na makita kita at ibinigay ko ang susi mo, alam kong hindi ka basta-bastang babae."
Nakahiga kami sa kama noon, kakatapos lang naming mag-sex at pareho kaming pawisan, hinihingal. Naglalakbay pa din ang kamay ko sa hubad niyang katawan.
"Ang totoo, pangalawang babae ka pa lang na naikama ko..."
Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinawakan ko siya doon, sa bahagi niya na ni hindi ata lumambot mula nang matapos kami, mga sampung minuto na ang nakalilipas. Hinimas ko siya, napatigil ang mokong sa pagsasalita.
"Alam mo RJ...masyado kang madaldal."
Pumaibabaw ako sa kanya, at ipinosisyon ang kanyang katigasan sa aking gitna. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ito sa dibdib ko na kanina lang ay pinapaulanan niya ng katas niya. Napaungol siya habang iginigiling ko ang katawan ko sa kanya.
"Meng, teka lang, mag-usap naman muna tayo..."
"Ayaw mo ba nito?"
"Gusto..."
"Eh di tumahimik ka na lang diyan."
Nagtitigan kami habang patuloy akong gumigiling sa ibabaw niya. Nagdilim ang paningin niya at sa isang iglap ay pinagpalit niya kami ng posisyon. Napangiti ako. Gusto ko ang mga ganitong pagkakataon na nagiging marahas si RJ. Gusto ko ang pagiging dominante niya, ang pagka-baliw at pagsamba niya sa katawan ko, na sa pagsasanib ng aming mga katawan, nararamdam ko ang pagiging maingat niya na hindi ako masaktan.
Hindi tulad ng naranasan ko sa kamay ng ama ni Trixie. Na tuwing matatapos ang sex noong nagsasama pa kami ay gusto kong sumuka at maligo ng ilang ulit dahil sa kababuyan na pinaggagagawa niya sa akin. Na sa ilang ulit niya akong gamitin ay may naiiwang marka ng latay at dugo. Mga markang akala ko ay hindi ko na mabubura pa.
//
Hindi ko na kaya. Ayoko na. Putangina mo, ang baboy mo.
"Aaaahhhh!!!"
Sana inilabas na lang niya. Punyeta sa loob ko pa, idinilig pa ng sagad sa loob ko. Hindi ko masisikmurang mabuntis na naman ako ng hayup na ito.
PAK!
"Putangina Maine, kumilos ka naman! Tatamaan ka na naman sa akin!"
Hindi ko na alam kung ilang ulit nang sumayad ang kamay niya sa mukha ko. Sa puwitan ko, sa hita ko, sa dibdib ko. Maging doon sa pinakamaselang bahagi ng katawan ko ay nalatayan na ata niya ng mabigat niyang kamay. At iyon ay sa loob lamang ng ilang minuto, habang binabayo niya ako. Hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko din siya.
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.