Haharap si Maine sa malaking salamin sa kanyang office. Suot nya ang mamahalin nyang dress. Presidente sya ng kumpanya ng kanyang mga magulang. Napakayaman nya pero "kaleyj" ang pagpronounce nya ng "college."
MAINE: Hello, Kobi? Alam kong lunch break pero dalhin mo dito sa office ko ang report para makita kita! Anong report? Kahit anong report! Hindi naman kailangan i-specify kung aling report ang kailangan ng boss sa mga palabas. Oo, ngayon na. Mag-aayos lang ako.
Dali-dali nyang aayusin ang buhok na parang dinilaan naman na ng baka.
KOBI: Ma'am ito na po ang report na dapat hindi ako ang magbibigay sayo dahil isa akong rank and file employee dito at dapat ay idaan ko to sa secretary.
MAINE: Ipatong mo sa hita ko.
KOBI: Po?
MAINE: Sa mesa ko. Ipatong mo ako.
KOBI: Ha?
MAINE: Ipatong mo sa mesa ko ang unknown report.
Ilalapag ni Kobi ang unknown report sa mesa. Lalabas sya ng office at dederecho sa pantry para samahan ang mahal nyang si Pat O. Five.
Hindi to babasahin ni Maine dahil hangga't maaari, hindi tayo maglalagay ng mga ma-technical na bagay sa kwento dahil delikado sa expert viewers na marami sa ADN.
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.