Affectus Vel Desideriis Pravis - Ikalawang Kabanata

600 42 0
                                    

pagpatuloy ng flashback

Isang rason lamang ang naiisip ni Pedro kung bakit ito nagawa ng mga Faulkerson. Dahil sa isang alitan. Hindi lamang laban sa mga lupain ng mga Mendoza. Dahil din sinisisi kay Cristina, ang kapatid ni Pedro ang pagkamatay ng asawa ni Denise Faulkerson. Ngunit wala paring pruweba ang mga Faulkerson pero pinagpapatuloy nila ang pagsisisi.

Kinabukasan, agad na tinipon ni Pedro ang lahat ng kababayan nito at nagplano para sa isang malaking sugod sa pamamahay ng mga Faulkerson. Hindi pwedeng hindi sila mabigyan ng hustisya. Lalong lalo na at bata pa lamang ang anak nila Cristina.

Sinira nila ang pintuan ng Pamilya. At sinalakay ang mag ina. Puro iyak at sigawan ang maririnig sa kanilang pamamahay. Inutusan ni Pedro ang kanyang asawa na ipa-patay ang sampung taong gulang na anak ng mga Faulkerson at itapon ang bangkay nito sa pinaka-malalim na balon sa barrio.

Ngunit hindi ito ang ginawa ni Beatrice.

"Ano?! Hindi mo pinatay ang bata?!" Sigaw nito sa kanyang asawa na ngayon ay tahimik.

"Naawa ako sa bata, Pedro! Pinatay nyo ang kanyang ina! Sa harap ng kanyang mga mata!"

"Beatrice, baka naalala mo, pinatay ng mga magulang niya ang kapatid ko. At ang magulang ni Maine! Dapat lamang sa kanila ang parusang kamatayan!" tumigil ito ng sandali. "Ngayon, saan mo itinago ang bote? Paano kapag may nakakita nito at nakatakas ang lalaking iyon? At maghiganti satin? Paano na ang bayan?"
"Itinago ko siya sa pinaka-liblib na lugar ng bayan, Pedro. At sinisigurado ko na walang makakakita doon."

[end of flashback]

Pinuntahan ni Pedro ang lugar kung saan niya tinago ang bote na binigay ng mga guro noong sumapi ang espiritu ng bote sa bata. At nagulat ito na wala na sa kinalalagyan nito. At totoo nga ang hinala nito. Ang lalaking kasama ng kanyang pamangkin ay ang Anak ng mga Faulkerson.

****

Sinamahan ni Rj si Maine sa paglaba nito sa may batis. Tinitigan niya lang ang dalaga habang nagsasampay ito habang kinakanta ang isang tono.

O ang kanyang boses, ay sobrang sarap pakinggan. At ang kanyang mga ngiti, ay nagbibigay buhay sa aking isip. Ang kanyang mga mata ay kumikislap. Parang mga bituwin sa langit. Isip ng binata habang nakaupo sa isang bato. Hindi nito alam kung nahuhulog na ba ang kanyang damdamin para sa dalaga o di kaya totoong pagibig ang kanyang nararamdaman. Ang isip niya ay sobrang gulo.

Hindi ka pwedeng mahulog sa kanya, RJ! Sigaw ng kanyang konsensya. Pinatay ng kanyang tito ang iyong ina at ang kanyang mga magulang ay pinatay ang iyong ama! Kailangan mong maghiganti! Ginagawa mo lamang ito para siya ay mahulog sa iyo at mabilis mong magawa ang iyong misyon. Ang saktan ang kanyang puso.

Tama ba ang ginagawa ko? Tama bang saktan ang puso niya?

****

Nagbabasa ng magisa si Maine sa isang tabing bangin sa kanilang bahay. Malamig ang simoy ng hangin at napaka-ganda ng tanawin na nasa harapan niya. Napa-tigil siya sa pagbabasa nang tumabi sa kanyang gilid si Rj.

"Maine?"

"Oh?"

"May ginagawa ka ba?"
" Wala naman... Ay Rj oh, tignan mo." Ipinakita niya ang libro na hawak niya. "Eto ang pinaka paborito kong parte ng storya. Nung sasabihin na ng lalaki ang pagmamahal niya sa babae."

"Talaga ba?" Binasa niya ang talata na ipinakita ng dalaga sa kanya. "Ay. Kaya ko rin gayahin yan."

"Sige nga." Sambit nito habang humahalakhak ng mahinhin.

"O, eto na ah. Wag kang magulat kung masyado akong magaling umarte."
"Wag ka nga. Sige na, gayahin mo na."
"Aking prinsesa," Simula nito. "Noong una kitang nakita, ako ay nabighanin sa iyong ganda. Ikaw ay laging nasa aking isipan. Alam kong galit ka sakin ngunit sana ako ay iyong pagbigyan na sabihin ko sayo na mahal—"

"Maine! Halika nga muna dito sandal!" Naputol ang mga sasabihin ni Rj nang tumawag ang tiyo nito galing sa malayo.

"Pasensya na, Rj. Teka lang ah? Babalikan kita. Ipagpapatuloy natin ito."
"Sige lang, Maine." Ngumiti ang binata. "Sige na at puntahan mo na ang iyong tiyo. Baka magalit pa sa iyo."

"Salamat muli." Niyakap nito ang binata at agad na umalis.

"Sana ako ay iyong pagbigyan na sabihin ko sa iyo na mahal kita, Maine." Bulong nito ngunit hindi na narinig ni Maine.

****

"Bakit nyo po ako tinawag, Tito?"

"Diba sabi mo sa akin na isang byahero lamang yan si Rj at nawala sa ating bayan?"

"opo..." Kinakabahan na sagot ni Maine. Hindi niya alam kung tama ba ang pinaggagawa nito.

"Eh bakit nandito pa siya sa ating barrio? Halos dalawang linggo na siya dito." Galit na sabi ng kanyang tiyo.

"Ano po... Yung mga kasamahan niya po kasi... Ano, hindi pa tapos sa parang outreach program ba yun.." di tiyak na sagot nito.

"Tapatin mo nga ako, pamangkin. Ginalaw mo ba yung bote?"

"Hindi p—"

"Ginalaw mo ba yung bote Maine?!"
"O-opo." Nagsimula nang lumabas ang mga luha mula sa mga mata.

"Bakit mo ginawa yun?!"

"Dumaloy ang kuryosidad sa aking isipan noong gabing iyon. Ka-ya ko po nagawa iyon."

Punong puno ng galit ang katawan ng kanyang tiyo. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?! Pinahamak mo ang ating bayan at ang ating pamilya!" Tumigil ito sa pagsasalita. "Alam mo ba kung ano ang pinaka-dahilan ng pagkamatay ng iyong mga magulang?! Dahil diyan! Dahil sa mga magulang ng lalaking yan! Pinatay nila ang iyong mga magulang noong isang sanggol ka pa lamang, Maine!"

"At siya, 'yang lalaki na din yan, ang nakasunod sa trono ng pamilyang Faulkerson. At alam kong may balak yan na muling ipasakamay sa kanyang mga kamay ang ating bayan!"

Ang isip nang dalaga ay gulong-gulo. Hindi na niya alam kung ano na ang gagawin niya. Oo. Aaminin niya, nahulog na rin siya kay Rj. Ngunit parang nagiba na ito. Hindi na niya alam kung ano na ang gagawin.

"Maine, alam kong nasaktan ka sa mga sinabi ko. Ngunit iyon ang totoo at wala na tayong magagawa pa." tumigil muli ito sa pananalita. "Maine, kung gusto mong isalba ang ating bayan at ang ating pamilya sa kanyang mga kamay, kailangan siyang mawala. Kailangan mo siyang patayin."

AMACon 4: Serendipitous - Likhang TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon