July 20, 2018
Dear Richard,
Ang gago mo talaga kahit kailan. Ang gago mo na hindi ka man nagpaalam sa akin nang maayos noong graduation kahit alam mong aalis ako papuntang Maynila. Ang gago mo na hindi ka pumunta nung padespidida ko. Tinext kita noon, gago ka. Kaya nga ako nanghingi ng despedida kasi baka sakaling pumunta ka magkausap tayo. Magtatapat na ako sa'yo noon eh! Kaya lang hindi ka pumunta. Naisip ko na baka hindi naman talaga ako mahalaga sa'yo. Umakyat ka na pala agad sa kung saang bukid para magturo. Gets ko naman eh. Mas mahalaga yung bayan kesa sa akin. Pero ang gago mo pa rin. Kahit man lang text wala?!
Ang gago mo na tuwing birthday ko lang at pasko ka nagpaparamdam sa akin mula nang umalis ako ng Davao. Minemessage kita palagi sa facebook nung unang taon ko sa Maynila para i-update ka pero wala, seenzone. Hanggang sa napagod ako. Napagod akong umasa na sasagot ka pa sa mga message ko, gago ka! Tapos mahal mo pala ako. At mula college pa! Putangina lang, Supremo! Ba't hindi mo sa akin pinaramdam yan nung pwede pa?
Ang gago mo rin na nakita mo pala ako sa Maynila tapos hindi mo man lang ako nilapitan. At alam mo kung kelan ka pinakagago? Nung sumulat ka sa akin para sabihing mahal mo ako. Akala ko pa naman may papalit na sa'yo sa puso ko. Pucha, ikaw din pala yun! Ang gago gago mo! Gusto kong magalit sa'yo, oo hindi pa ako galit sa lagay na 'to, pero ano bang magagawa ng galit ko? Babangon ka ba sa hukay para balikan ako?
---
August 4, 2018
Dear Richard,
Alam kong imposible pero balik ka na please.
---
October 20, 2018
Dear Richard,
Nakita kita noon sa simbahan. Sigurado ako noon na ikaw yun. Pero nung nakita kong umalis ka agad nung humarap ako sa direksyon mo, naisip ko na baka ayaw mo talagang magpakita sa akin. Kung alam ko lang na mawawala ka na pala sa susunod na araw, eh di sana hinabol kita. Hahabulin kita kahit gaano ka pa kabilis tumakbo. Baka sakaling madapa ka at maabutan kita. Dapain ka pa naman. At pag naabutan kita, alam mo kung anong gagawin ko? Yayakapin kita nang mahigpit. Tapos hahalikan kita nang mariin. Hahalikan kita na para bang wala nang bukas. Kasi diba, wala na talagang bukas eh. Tapos sasabihin ko sa'yo na kahit medyo kinikilig ako sa secret admirer ko, ikaw pa rin ang mahal ko. Ikaw lang. Hanggang ngayon ikaw pa rin, Richard.
---
January 2, 2019
Dear Richard,
Maligayang kaarawan, Richard! Ang saya naman ng kaarawan mo. Nanalo na ang masa! Napatalsik na ang opresibong pangulo. Ayun, ipinatapon sa Poland. Gusto nga sanang umuwi dito sa Davao pero ayaw ng mga tao. Hindi raw nila mapapatawad ang pangulo sa ginawa sa inyo. Sabi pa ng iba, kahit raw siguro si Nanay Soling hindi gugustuhing pauwiin ang sarili niyang anak dito. Sayang hindi mo naabutan. Alam mo, nung pormal nang dineklara ang pagtatapos ng martial law at ng kasalukuyang administrasyon, nagyakapan at nag-iyakan ang mga tao dito. Kung andito ka sana, ikaw yung yayakapin ko. Pero wala ka na eh. Kaya nagtiyaga na lang ako kay Lyka. Hehehehe.
---
July 19, 2019
Dear Richard,
Maligayang anibersaryo ng kabayanihan niyo! Nag-organize ng event sa school para sa 1st anniversary niyo. Nasa hallway na ng school yung mga pangalan niyo! Ang taray, parang walk of fame. Alam mo ba, maraming mga residente mula sa mga lugar na pinuntahan niyo ang pumunta sa event. Ilan daw sila sa mga natulungan ng grupo niyo. Ako yung inatasan na mag-entertain sa kanila. O diba misis na misis lang? Speaking of misis, may ilan akong nakausap sa kanila. Ikaw ha, sinasabi mo raw dati na asawa mo ako tapos pinapakita mo pa sa kanila yung litrato ko. Napaisip tuloy ako, paano nga kaya kung naging tayo?
Ay may kwento nga pala ako. Alam mo kasi, sobrang baliw ako sa AlDub. Naaalala mo ba sila? Sina Yaya Dub at Alden Richards? Magkaka-anak na sila! Nakakaloka talaga. Tapos kasal na pala sila pero sinikreto lang nila. Grabe, sila na ang ninja sa galing sa pagtatago. Ay sandali, nawawala ako sa talagang kwento ko. Eto na nga. Dati, nahilig akong magbasa ng mga fanfic nila sa wattpad. Alam mo ba yung fanfic? Basta, ano, gawa-gawang kwento tapos yung mga karakter ng kwento, artista o kaya yung mga karakter sa mga nobela, ganoin. Eh kaya lang, nagkatrabaho at naging abala sa realidad kaya hindi na ako masyadong nakapagbasa, mga dalawang taon na halos. Tapos nung mga nakaraang araw kasi, medyo mas matindi sa normal yung pagka-miss ko sa'yo. Siguro na rin dahil papalapit na nga yung anibersaryo ng pagkawala mo. Kaya naisip kong ibaling sa ibang bagay yung atensyon ko para hindi kita masyadong maisip. Nagbasa ako ng mga fanfic sa wattpad. Tapos binalikan ko yung isa sa mga paborito kong AlDub fanfic, yung For Yor Eyes Only.
Sobrang nakakainis yung kwentong yun eh. Itinaas ako eh, ang taas-taas tapos bigla akong binagsak, hindi naman ako sinalo. Kaya ayun wasak. Parang ikaw, itinaas mo ako. Kinikilig na ako sa mga sulat ng secret admirer ko tapos malalaman kong ikaw lang pala yun. Ayos lang sana kung ganun lang eh. Pero nalaman ko lang nung wala ka na. Pero ayos na yun. Hindi ako galit sa'yo ha? Siguro galit sa tadhana pero hindi sa'yo. Kahit kailan hindi sa'yo.
Mabalik tayo sa FYEO, sobrang kilig lang nung mga chapters; may konting drama pero mas lamang pa rin yung kilig. Tapos nung ikakasal na sila, namatay yung babae. Leche lang diba? Kahit nakailang ulit ko nang binasa 'tong kwento, naiyak pa rin ako. Tapos yung ending niya, parang in-imply na nagkita ulit sila sa Eat Bulaga! Bongga diba? Parang in-incorporate yung totoong mundo dun sa gawa-gawang mundo ng nagsulat. Ang galing diba?
Mahal, naisip ko lang, ganun din kaya tayo? Pag mapunta kaya tayo sa ibang buhay o mundo, magiging tayo na kaya? Diba sabi mo bibigyan mo na ako ng choice sa susunod na buhay? Gawin mo yun ha? Hoy, baka mamaya makakita ka lang nang mas maganda at seksi sa susunod na buhay, hindi mo na ako pansinin. Naku kapag ganun, makokonyatan talaga kita.
Alam mo, kung binigyan mo lang ako ng choice, malamang naging tayo. Hindi ako sigurado kung hanggang dulo tayo pa rin kasi syempre mahirap dahil magkalayo tayo. Pero susubukan ko. Kaya lang hindi mo naman ako binigyan ng choice... Gagawin ko nalang 'to sa susunod na buhay. Tapos hindi na ako bastang tutunganga lang at maghihintay na dumating ka. Ginawa ko na yan dati. Tingnan mo ang nangyari... Kaya susunod nating pagkikita, pupunta ako sa direksyon mo habang papunta ka sa direksyon ko para makatipid tayo sa oras. Wag na tayo ulit magsasayang ng oras tulad ng ginawa natin sa unibersong ito ha?
Mahal kita. Sayang hindi natin narinig ang mga salitang ito mula sa isa't-isa nung pwede pa. Pero ayos lang yun. Ang mahalaga lang naman ay alam nating dalawa na mahal natin ang isa't isa diba?
Ang Lakambini sa iyong Supremo,
Nicomaine
![](https://img.wattpad.com/cover/106214021-288-k336750.jpg)