Hindi alam ni Maine kung ano ang magiging reaksyon nito sa lalaki. Hindi niya rin alam kung paano niya nalaman ang pangalan niya. Magkaibigan ba sila noon? Magkakilala? Hindi niya alam. Dahil ang pagkakaalam niya ay ngayon niya lang nakita ang lalaking iyon.
"P-paano mo nalaman ang aking pangalan?" Wika nito. Kinakabahan at takot na takot pa rin. Ngunit ngisi lamang ang binigay nito.
Sa wakas ay nagsalita na ang binata. "Kilala kita Maine. Ngunit hindi mo ako kilala." Ang kanyang magandang muka ay mas lalong humira sa kanyang isipan. Diyos ko, bakit ko ba ito ginawa? Tanong nito sa kanyang sarili.
"Sino ka ba kasi?"
"Ako si Rj. Nagpapasalamat ako sayo dahil ako ay muli mong binuhay." Sagot nito. "Wag kang magalala, wala akong gagawin na masama."
Humupa na ang takot kay Maine. Nagulat nalang ito nang tumumba sa sahig si Rj.
"Rj?! A-anong nangyari sa iyo?"
"Nanibago lang siguro sa kapaligiran. Masasanay din ako."
"Siguro mas mabuti kung pumasok muna tayo sa loob."
****
Lumipas na ang ilang linggo simula nang dumating si Rj sa buhay ni Maine. Naging mabuting magkaibigan sila. At hindi siya umaalis sa kanyang tabi. Lagi siyang nandyan. Para tulungan ang dalaga sa ano mang bagay. Halos lahat ng tao sa kanilang barrio ay nagtataka kung sino ang lalaking kasama nito. Ngunit may bumabagabag pa rin sa isipan ni Maine. Kung ano nga ba ang tunay nitong sarili. Naputol ang lahat ng iniisip ng babae nang gulatin siya ni Rj sa likod.
"Ay puch-!! Bakit mo naman ginawa yun?! Kainis."
"Hehehehehe. Sorry na. Wag ka nang tampo sakin."
"Che! Lalayas ka o hindi?"
"Shempre hindi.""Kainis ka! Alam mo yun?!"
"Oo. Alam ko." Tumawa ang binata habang inerapan lang siya ni Maine. Pero sa isipan nito, tumatawa ito dahil minsan talaga isip bata itong si Rj.
"Pero Rj," Seryoso niyang tanong sa kanya. Lumingon ito at nakita niya na may bumabagabag sa kanyang isipan.
"Bakit? May problema ba?"
"Wala naman.... Pero may tanong ako."
"Sige ba."
"Rj ba talaga ang pangalan mo?"Napaisip ang lalaki. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya dito. Ayaw niyang malaman ang totoong pagkatao nito. "Oo. Rj ang pangalan ko."
"Rj... Ano?"
"Rj Gonzales." Salita nito ng diretso.
"Eh, paano ka napunta sa bote?" Natulala nalang bigla ito. At agad napuno ng galit ang kanyang katawan. Ayaw man nitong magalit sa dalaga ngunit hindi niya ito napigilan.
"MAINE PWEDE BA?! WAG NA WAG MONG PAPAKELAMAN ANG AKING PERSONAL NA BUHAY?" Agad itong umalis at iniwan si Maine nang may magulong isip.
****
Tumatakbo si Rj nang walang direksyon. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.
"Rj, Rj, lumapit ka sakin, anak." May narinig siyang boses. Malamig ngunit ang kanyang boses ay nagpapakalma ng kanyang dibdib. Lumingon ito sa kanyang likod at nakita niya na siya ay nasa kanilang bahay. Umiiyak ang kanyang ina habang lumapit ang sampung taong siya sa kanyang ina.
"Anak, ipangako mo sakin na ihihiganti mo ang ama mong namatay. Ihiganti mo ang iyong ama sa buong bayan na ito. Lalong-lalo na sa mga Mendoza." Wika nito. May halong galit sa kanyang boses.
"Opo ina. Pang-" Natigil ang kanyang mga salita ng biglang pumasok ang mga tao sa kanilang bahay.
"Kunin niyo ang ina ng batang yan! Beatrice, kunin mo ang bata. Kailangan natin makuha ang dapat na satin!" Puro sigaw ng galit at dalamhati ang maaririnig sa bahay na iyon.
"WAGGGGGG!" Sigaw ng ina ni Rj. Walang nagawa ang bata dahil natakot ito at hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Nakita niya ang mga dugo sa mga sahig ng bahay habang tinangay ng babae ng batang lalaki papunta sa isang liblib na lugar ng bahay.
Wala na si Ina. Paulit-ulit nitong sinambit ng kanyang utak hanggang bumalikwas ito nang bangon. Nagdesisyon ito na pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Nang pabalik na ito sa kanyang tulugan, nadaanan niya ang kwarto ni Maine. At nakabukas pa ang pinto nito. Tahimik itong pumasok sa kwarto at tinitigan ang mala-anghel na muka nito.
"Pangako ina, ihihiganti ko kayo ni ama." Huling sambit nito bago umalis at bumalik sa kanyang pagtulog.
****
May nararamdaman na kaiba si Pedro sa binatang laging kasama ng kanyang pamangkin na babae na si Maine. Simula nang Makita niya ito, Parang mayroong mali sa lalaki. Pakiramdam niya na nakita na niya ito. Ang kanyang kulay ng balat at ang kanyang mga labi ay parang pamilyar sa kanya. Ngunit sabi naman ni Maine ay ang lalaking kasama nito ay isang dayuhan na galing sa Maynila.
Kung tama ang mga hinala niya, baka ang binata ay ang nagiisang anak ng mga Faulkerson na ikinulong sa bote ilang dekada na ang nakakalipas. Kumpleto pa rin sa kanyang memorya ang mga alala na iyon.
[flashback]
"Pedro?! Pedro!" Sigaw ng kanyang asawa na si Beatrice habang patakbo ito galing sa mga kabahayan papunta sa kanilang bukid nang umiiyak.
"Bakit mahal?" Nakakaramdam na ito ng takot. Dahil simula noong isang buwan ay tinatakot na sila ng mga Faulkerson dahil pinipilit ng mga Mendoza na sa kanila ang mga lupain sa maliit na barrio ng San Lorenzo.
"Si-sina Cristina at ang kanyang pamilya."
"Anong nangyari?!"
"Pinatay nila ang mag-asawa. Ngunit hindi nila ginalaw ang bata." Ang mga salita na iyon ay sapat na para tumakbo si Pedro mula sa mga bukid papunta sa bahay ng kanyang kapatid na si Cristina. At tama nga ang sabi ng kanyang asawa. Patay na ang mga magulang ng kanyang babaeng pamangkin na kaka-binyag pa lamang. May nakita itong sulat sa lamesa. At galing ata ito sa mga Faulkerson.
"Ang pamilya mo na ang susunod, Pedro."
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.