Nagising na ulit si Maine. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. Nang idinilat niya ang kanyang mga mata ay napagtanto niyang nasa Joseon pa rin siya. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Paano ba siya napunta sa panahong ito? Naalala niya na naglalakad siya sa labas ng unibersidad. Hawak hawak niya ang kuwintas na ibinigay sa kanya ni Sheena. Tama. Ang kuwintas! May kakaiba siyang naramdaman at nakita dito. Posible kaya na may kinalaman ito sa nangyari sa kanya? Ito ba ang nagdala sa kanya sa Joseon? Kinapa niya ang kuwintas mula sa kanyang leeg ngunit hindi niya ito mahagilap. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na isang babae. Marahil ito ang asawa ng lalakeng nag ngangalang Min Yu Jung.
"Maayos na ba ang pakiramdam mo? Kumain ka muna.", alok sa kanya ng babae.
"Paano ba 'to? Maine, ano na? I need to survive here. Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano ako makakabalik sa future."
"Siyanga pala. Maaari ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?"
"OMG! She's asking for my name. Anong sasabihin ko? Hindi ko pwedeng sabihin na Maine Mendoza ang pangalan ko. Baka ma weirduhan sila. Pangalan? Anong sasabihin ko sa kanya?"
"Binibini, bakit tila hindi mo ako sinasagot?"
"Mag isip ka, Maine. Ah, alam ko na."
"Hong Na Ri...'yun ang pangalan ko. Hong Na Ri."
"Hong Na Ri pala ang iyong pangalan?"
"Sorry, teacher. I have to do this. Wala na akong ibang maisip na pangalan. Sorry medyo emergency lang. I need to use your name here. Wag mo kong ibabagsak sa history please."
Ikinuwento sa kanya ng babae kung paano siya napunta sa bahay na ito. Limang araw na ang nakakaraan nang matagpuan siya ni Ginoong Yu Jung na nakahiga sa buhangin malapit sa dalampasigan. Akala nila ay patay na siya ngunit nalaman nilang humihinga pa siya kaya siya dinala nito sa bahay upang alagaan. Saglit na nagkagulo ang mga tao sa paligid. Lahat nagtatanong kung sino siya. Pinalabas nilang isa siyang kaibigan ng pamilya Min.
Kakaiba daw ang suot niya nang matagpuan siya ng mga ito. Naisip niya na 'yun siguro ang suot niya nang araw na naaksidente siya sa hinaharap. Ibinalik din sa kanya ang kuwintas na suot niya na regalo sa kanya ni Sheena. Naisip niya kung namatay na ba siya sa hinaharap kaya siya nandito sa Joseon. Marahil ay nag aalala na sa kanya ang mga kaibigan at pamilya niya o di kaya ay nasa loob na ng kabaong ang katawan niya at pinaglalamayan na siya. Nakiusap siya na kung pwede siyang lumabas ng bahay. Kailangan niyang mag isip upang payapain ang sarili. Pinayagan naman siya ng mga ito ngunit pinaalalahanan na huwag siyang masyadong lalayo.
//
Samantala sa loob ng palasyo ng Gyeonghui...
Kasalukuyang nakikipag pulong si Haring Sukjong sa mga ministro at opisyal ng kaharian. Samo't sari ang mga pinag usapan nilang problema. Minsan ay dumadating na sa puntong nagbabangayan na ang mga ito. Madalas kasi na magkaiba ang kanilang mga opinyon. Pinalaki siya at sinanay upang maging hari ng Joseon. Sa edad na anim na taong gulang ay kinoronahan na siya bilang Prinsipe. Nang lumaon ay naging hari sa edad na labing tatlo. Sa kabila ng lahat ng pagsasanay niya ay maraming beses na siyang nabigo lalo na sa pag ibig. Bilang hari ay kailangan niyang isipin ang kapakanan ng nakararami at isantabi ang kanyang pansariling emosyon.
Minsan na siyang nagkamali nang parusahan niya ang kanyang Reyna na si Reyna Inhyeon mula sa angkan ng mga Min. Tinanggalan niya ito ng korona sapagkat napaniwala siya ng mga kaanib ni Jang Ok Jung na isa sa kanyang mga consort na nagkasala ang reyna sa kanya. Pinatalsik niya ito upang tumira sa labas ng palasyo. Kinoronahan naman si Jang Ok Jung bilang bagong reyna. Ngunit sa tulong ni Choe Dong Yi na isang tagasilbi ay napatunayan na inosente si Reyna Inyeon. Nagbigay siya ng kautusan upang makabalik siya sa palasyo at ibinalik niya si Jang Ok Jung sa dati niyang posisyon bilang Hui Bin. Nabigyan niya din ng pabor si Choe Dong Yi at ginawa niya din itong isang consort at ginawaran ng posisyon bilang Suk-bin.
BINABASA MO ANG
AMACon 4: Serendipitous - Likhang Tagalog
FanfictionLibro ng mga kuwentong Tagalog.