My Love in Joseon - Ikaanim na Kabanata

155 14 5
                                    

Halos isang Linggo rin na nag agaw buhay si Maine. Malalim kasi ang kanyang naging sugat. Inaalagaan naman siya ni So Ah na kaagad bumalik sa palasyo nang mabalitaan nito ang nangyari sa kanya. Lahat halos ng mga tagasilbi ay nagsasalitan upang maalagaan siya. Labis silang nag alala para sa kanyang kalagayan. Dinalaw din siya nila Reyna Inhyeon at Suk-bin Choe. Hindi maipagkakaila na mahal na mahal siya ng mga ito. Minsan na din siyang dinalaw ni Haring Sukjong. Nagulantang silang lahat nang minsan itong dumating sa silid ng mga tagasilbi. Hindi sila makapaniwala na ang Kamahalan ay pupunta sa isang lugar na kagaya nito.

"Na Ri, pakiusap bumalik ka sa akin. Dapat kang mabuhay. Nakikiusap ako sa'yo. Pangako, pangangalagaan kita sa abot ng aking makakaya. Gagawin ko ang lahat gamit ang aking kapangyarihan upang wala ng sinuman ang mangangahas na saktan ka. Kaya pakiusap, idilat mo na ang iyong mga mata.", sabi ni Haring Sukjong sa nakahigang si Maine habang hawak niya ang kanang kamay nito.

Lumipas pa ang ilang araw ay nagising na din si Maine. Unti unti na ding bumalik ang lakas niya. Nagagawa na din niyang magbiro sa mga kasamahan niya. Labis ang pagkagalak nila Reyna Inyheon at Suk-bin Choe na ligtas na siya. Nagpapasalamat si Maine dahil nakaligtas siya. Akala niya ay 'yun na talaga ang katapusan niya. Nakakataba din ng puso na inalagaan siya ng kanyang mga kasama at dinalaw siya nila Reyna Inyheon at Suk-bin Choe. Inisip niya kung nag alala din ba ang Mahal na Hari sa kanya. Pero alam niyang wala siyang karapatan na isipin at maramdaman ang lahat ng 'yun.

"Ano ka ba, Maine. Wag ka ngang assuming. Sino ka ba para mag alala ang Hari sa'yo? Heller! Nakakaloka ka na ha. Stop mo na 'yan. Not good, Maine. Tsk, tsk, tsk. Pero ba't ganun? Nangangarap ako na sana ay worried din siya for me. Luh, ano to? Feeling close lang, Maine? No, no, no. This must be stopped. Maine, umayos ka nga. For sure kung alam lang 'to ni Sheena siguradong maiinggit 'yun."

Nabalitaan ni Haring Sukjong ang tuluyang pag galing ni Na Ri. Labis siyang natutuwa. Gustuhin man niyang puntahan ito ay pinigilan niya ang kanyang sarili dahil na rin sa payo ni Eunuch Han. Ilang araw din niyang inisip ang pwede niyang gawin upang mapangalagaan ang dalaga na hindi gumagamit ng sandata. Alam niya kasi na mas magiging mapanganib ang buhay nito dahil siya ang nag iisang saksi sa pagpatay sa Ministro ng Pakikidigma. Kahit manirahan ito sa labas ng palasyo ay maaari pa din siyang masaktan at kapag nanatili siyang isa lamang tagasilbi sa loob ng palasyo ay may posibilidad pa rin na siya ay mapahamak.

"Eunuch Han, nandiyan ka ba?"

"Opo, Kamahalan."

"Ipatawag mo ang pinunong sekretarya ngayon din at may utos din ako sa'yo. Bukas ng umaga ay ipatawag mo ang lahat ng Ministro para sa isang pagpupulong sa bulwagan."

"Masusunod po, Kamahalan."

May inaayos na mga gamit si Maine sa loob ng kanyang silid nang may dumating na mga pinuno ng mga tagasilbi. Hinahanap siya ng mga ito kaya mabilis siyang lumabas ng kanyang silid.

"Ikaw ba si Hong Na Ri?"

"Ako nga po, Binibini."

"Sumunod ka sa amin."

"Saan po tayo pupunta?"

"Oho! Hindi mo na kailangang magtanong. Sumunod ka na lamang."

"Opo, Binibini."

"Saan ba nila ako dadalhin? Nakakaloka naman. Kaka survive ko pa nga lang tapos may kasunod na agad agad? Naku, paano kung si Hui-bin Jang na naman may kagagawan nito? Lord, please..."

Pumasok sila sa isang silid at napansin ni Maine na isa 'yung paliguan. May laman itong tubig na punong puno ng nakalutang na talulot ng mga rosas. Nalilito si Maine kung bakit siya dinala ng mga babae sa lugar na ito.

AMACon 4: Serendipitous - Likhang TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon