"Anong gusto mong maiinom pala? Sorry wala masyadong maioffer kasi kakaalis lang ni Tatay papunta sa bayan para mamili. Kape lang meron dito, okay lang ba?" alok ni Dei kay Richard.
"Kahit ano lang na meron." tipid na sagot ni Richard, bakas sa mukha nito ang kalungkutan kaya't hindi naiwasan ni Beng na magtanong.
"Ayos ka lang Sir? Parang kanina sobrang excited ka, ngayon ang lungkot mo bigla."
"Ha? Ano ka ba, okay lang ako. Talagang nahilo lang ako kanina dahil sa alon." sagot naman ni Richard.
"Alon ba talaga o may inaasahan kang makita?" bulong ni Beng.
"Ano?" tanong ni Richard at biglang napatingin sa dalaga kaya't napatawa ng malakas si Dei sa may kusina.
"Now I understand why you're here, Richard." sabi ni Dei habang inilapag ang tasa na may kape sa mesa.
"Ha?"
"Anong iniisip mo ba, Beng? Bakit mo sya dinala dito? Malilintikan tayo sa ginagawa mo eh." sabi ni Dei sa kaibigan.
"Eh kasi, parang sya kasi yun eh. Nakita mo naman diba? Kamukha nya yung nasa picture kaya gusto ko rin sya dalhin dito para makasigurado. Baka mamaya isa rin sya sa mga nagpunta dito." sagot naman ni Beng.
Pabaling-baling ang tingin ni Richard sa magkaibigan at halatang-halata ang kanyang pagkalito.
"Pwedeng paki-orient ako? Kasi naguguluhan ako sa sinasabi nyo." sabi ni Richard.
"Richard anong apelyido mo?" tanong ni Dei.
"Faulkerson. Bakit?"
"SIYA NGA! AAHHH!" halos magtatatalon sa tuwa si Beng ng marinig ang sagot ni Richard kaya't lalong naguluhan ang binata.
"Girls? You are starting to freak me out. Anong meron?"
"Halika sama ka sa akin." aya ni Dei sa kanya papunta sa likod bahay. Sumunod naman agad si Richard sa dalaga.
"Sorry ha? Kasi hindi ikaw ang unang nagpunta dito. Kaya kailangan ko makasigurado kung ikaw ba talaga yung tamang tao kasi baka mamaya hindi naman pala ikaw, patay ako kapag nagkataon." paliwanag ni Dei kay Richard.
"Dei, sorry din pero wala akong maintindihan. Ano ba sinasabi mo? Naguguluhan ako –" napatigil si Richard sa pagsasalita ng makarating sila sa tapat ng isang maliit na kubo, hindi kalayuan sa likod bahay nila Dei.
"Lahat ng tanong mo, masasagot dyan. Kaya kumatok ka na, iwan muna kita dito." sabi ni Dei at naglakad pabalik sa kanilang bahay.
Hindi alam ni Richard ang gagawin dahil para syang pinaglalaruan ng tadhana at ng kalawakan sa nangyayari sa kanya ngayon. Nabuhayan na naman ang kanyang loob sa mga pangyayari. Marahan syang kumatok at nagantay ng pagbukas ng pinto. Hindi naglaon ay nakarinig sya ng yabag ng mga paa papalapit sa pintuan.
Kusang tumulo ang kanyang mga luha pagkakita sa babaeng nagbukas ng pintuan.
"Maine..."
"RJ."
Magkahalong gulat at saya ang naramdaman ni Richard ng makita si Maine sa kanyang harapan. Ganun parin ang katawan nito, ngunit mas naging morena ngayon dahil narin siguro sa hangin malapit sa dalampasigan.
"You're alive." bulong nito habang lumalapit kay Maine at niyakap ito ng mahigpit.
"RJ... I'm sorry." bulong ni Maine kay RJ habang nakayakap ito pabalik.
"Two years, Maine. Two years. Bakit? Anong nangyari? Pinagalala mo kami."
"I know I owe you an explanation. Halika, pasok sa loob."
![](https://img.wattpad.com/cover/106214021-288-k336750.jpg)