Chapter 9

796 17 5
                                    

Vhong's POV

Pagkaligo at pagkabihis ko ay sumibat na ako papuntang mall ng mag-isa.Sanay naman akong iniiwan.😌Magsesenti lang ako habangnagdadrive binuksan ko ang radio sa kotse ko.kung ano-anong lovesong ang pinapatugtog sakto sa pagsesenti ko.Nakakamiss si Anne,sino ba kasi yung kasama niya ha?masyadong napakaimportante naman nun at binaliwala ako ng ganto ni Anne,di manlang ako sinuyo kasi dati di naman nakakatiis yung na may tampuhan kami.Mayamaya ay nakarating na akong mall,pagkapark ko ay deretso nako sa loob papuntang KFC medyo gutom na rin ako.

.
.
.
.
.
Pagkakain ko ay umalis na ko at naglibot-libot sa mall.Kung minsan ay may nakakakilala sakin at nagpapapicture.Hay!ang hirap ng lonely walang makausap.Sa paglilibot ko may nahagip bigla ang mata ko na nakapagpasakit ng puso ko....

.
.
.
.
.
.
.
Si Anne na nakatayo may kasama arlt kausap na lalaki,bigla akong natuod at di makagalaw.Ang sakit sakit sobra pa sa sobra.Ang makita ang mahal mong masaya sa piling ng iba.Sa nababanaag ko sa mga mata ni Anne ay sobrang saya niya pero ang masakit ay hindi ako ang dahilan.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko animo gusto ng sumabog.Mayamaya ay napatingin sya sakin tapos ay tumingin sa lalaking kasama niya para siguro magpaalam na pupunta sya sakin,kaya bigla akong napatakbo.

Sa Pagtakbo ko ay di ko namalayang walang humpay sa pagalpas ang luha ko mula sa mata ko.Sobrang sakit di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko,Akala ko mahal niya rin ako,akala ko nagmamahalan kami?Maraming akala na tumatakbo sa isip ko,Pagpasok sa kotse ay padabog kong sinara ang pinto nito at pinagpupukpok ang steering wheel ng kotse ko hanggang sa may dumaloy na dugo.Masakit kung iisipin pero mas masakit pa ang katotohanang nakita ko kani-kanina lamang.Anong Mali sakin?bakit hindi na lang ako ang piliin niya.Bakit di na lang kami.Maraming bakit!Pero kung iisipin ko ang sitwasyon,mas maganda siguro na may pagsabihan ako ng problema ko para mapayuhan ako.

Pinunas ko ang dugo na dumaloy sa kamay at braso ko sa damit ko at kinuha ang cellphone ko.Dinial ko agad ang number ni Billy.

Ring Ring Ring ....

Hello kuys napatawag ka? bungad ni Billy.

May Problema ko kuys,punta ko sainyo. sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.

Ganun ba kuys.sge punta ka lang. sagot ni billy.

Sige salamat kuys. sabi ko at binababa na ang telepono.

.
.
.
.
.
.
Nandito na ko sa bahay ni Billy na nakaupo sa sofa hinahantay syang bumaba nasa kwarto pa daw e.tulala mode lang ako dito.Mugtong-mugto din ang mata ko habang tulala ako ay biglang dumating na si Billy.

Kuys mukhang ang laki ng problema mo ha?. panimula niya

Kuys.yung kinatatakutan ko nangyari na. malungkot kong saad kay billy.

Ha?Anong ibig mong sabihin?. nagtataka niyang tanong.

Si Anne kasi kuys... di ko na natuloy ang sinabi at sumabog nanaman ang bugso ng damdamin ko.

Ha?Bakit ?Anong nangyari kay Anne. sunod-sunod niyang tanong.

Ku kuys...tingin ko ma may.. boyfriend na si Anne..nakita ko siya sa mall may kasamang lalaki..
pa putol-putol kong sabi habang humihikbi.

Kuys.wag ka munang mag-isip ng ganyan di pa naman tayo sigurado,tinanong mo ba siya direkta? saad ni Billy.

Hindi kuys e,pero nung nakita ko sila,sobrang saya ni Anne,ewan ko parang inlove na inlove siya sa lalaking yun,tapos bago kasi yun inaya ko siyang umalis pero di sya pumayag at mas pinili niya yung lalaking yun. mahaba kong pahayag.

Pero kahit na kuys,wag kang magpadalos-dalos sa nararamdaman mo,hindi pa tayo nakakasigurado,mas maganda kung tanungin mo harap harapan kay Anne. sabi ni Billy.

Pero kuys,paano kung totoo nga na may mahal na siya,di ko kaya kuys akala ko mahal niya ako. sabi ko habang umioyak pa rin.

Ayan ang sinasabi ko sayo dati  kuys mas maganda yung may approval kayo kung ano ba talaga kayo para sa una pa lang alam mo na kung saan ka lulugar para hindi ka nasasaktan at nagtataka ng ganto,pero lagi mong tatandaan andito lang ako para damayan ka kung ano man ang isagot sayo ni Anne sa panahon na kaya mo na. mahabang saad at payo ni Billy.

Salamat talaga kuys dahil lagi kang nandyan para damayan ako,salamat lagi mo kong pinapayuhan kahit minsan di ko nasusunod payo mo.Salamat talaga.🙂 sabi ko at nag-manly hug kami.

.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito na ko sa bahay nakahiga sa kwarto ko at nkatingala sa kisame iniisip kung ano ang gagawin ko.Paano ko tatanungin si Anne?Kung kakayanin ko ba kung ano man ang isasagot niya.Handa na nga ba ko??

.
.
.
.
.
.
.
.

To be Continued....

"It's not wrong to give up and cry when you cannot take the pain. Remember even clouds cry when they cannot carry the rain."

-801Words-(Draft)
-05/11/17-

pls. follow me on;

IG: @angge_24.vhonganne

TWITTER: @24Angge

FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees

WATTPAD: @24Angge

Thanks for Reading😊

Vote---Comment---Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬

Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon