Chapter 21

681 12 2
                                    

(Play niyo yung "Dating tayo" by TJ Monterde habang binabasa niyo 'to super ganda nun.Anyway.😂Segway lang natin fave ko kasi yun kaiyak.😆✌🏻️.)

Third person's POV

Awkwardness ang namayani sa silid.nagkakahiyaan kung sino ang unang magsasalita tila ba napipe ang dalawa.Ilang saglit ay binasag na rin ni Anne ang katahimikan.

"Vhong I'm really sorry sa lahat."tanging nasabi ni Anne upang basagin ang katahimikan. Hinawakan naman ni Vhong ang mga kamay ni Anne at tinignan ng diretso sa mga mata.

"No!You don't have to say sorry,ako dapat ang mag-sorry sa pag-iwas ko sayo kasi di mo deserve na masaktan,kahit hindi mo man sabihin ay alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari satin,pasensya talaga na napakagago ko para saktan ka dahil wala ka naman kasalanan sakin eh!Ako lang 'tong tatanga-tanga na binigyan ko ng malisya yung pagkakaibigan natin sorry talaga sinubukan ko namang kalimutan yung nararamdaman ko pero eto kasing pesteng puso ko!(Sabay suntok sa dibdib niya.)napaka-tanga sayo pa tumibok!"humahagulgol na sabi ni Vhong.Niyakap naman siya ni Anne.

"Wag mong sabihin yan Vhong wala ka rin namang kasalanan,Nagmahal ka lang,itong puso ko nga yung tanga hindi tumibok sa isang katulad mong napakabuting tao,pero kahit ganon gusto ko pa rin na kasama ka,nagtatawan tayo,nag-aasaran gusto ko kung paano tayo noon ganoon parin tayo hanggang ngayon.Please Vhong bumalik ka na sa dati kahit hindi na para sakin para na lang sa Madlang People na nasanay sa masayahin at palabirong Si Vhong Navarro."sabi ni Anne na umiiyak din at kumalas na sa pagkakayakap kay Vhong at tinignan ito sa mata na nagmamakaawa.

"Sorry Anne ha.di ko alam kung maibabalik pa rin yung "Dating Tayo" pero susubukan ko baka maisalba pa yung friendship nating iningatan sa mahigit pitong taon,di lang para sa madla kung hindi para sayo at saakin na rin syempre.😊"nakangiting sabi ni Vhong,napangiti rin si Anne na abot langit dahil doon.

"Wag kang mag-alala andito naman ako para tulungan kang bumalik sa dati,yung tipong pagtinignan mo ako wala ka ng mararamdamang pagmamahal na higit sa pagkakaibigan natin,yung magiging komportable ka na ulit sa tuwing makikita mo ko,at yung hindi ka na masasaktan pag tinitignan mo ko."emosyonal na saad ni Anne at niyakap muli si Vhong.

"Salamat Anne ha!kasi di ka umiwas kahit nalaman mo na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo bagkus nandito ka ngayon dinadamayan mo ko na para bang wala kang nalaman.Iba ka talaga sa ibang mga babae dyan.Salamat talaga na hindi ka nagdamdam o nagalit sakin sa pag-iwas ko sayo."sabi naman ni Vhong at niyakap din si Anne ng mahigpit.

"Ano ka ba Vhong,walang dahilan para magalit ako sayo nagmahal ka lang naman kaya wala ka dapat ipag-alala sakin di ko kaya limutin na lang kita dahil lang nalaman ko.Di ako bibitaw sa pagkakaibigan natin.Namiss kita!😍"sabi ni Anne at hinigpitan rin ang yakap kay Vhong.

"Hahaha.Nakakamiss talaga ko 'no."biro ni Vhong.natuwa naman si Anne dahil nag-aadjust na si Vhong.

"Ewan ko sayo!Tara na nga dun sa backstage."sabi ni Anne at hinila si Vhong Palabas.

.
.
.
.
.
.
.
To be Continued...

"Sometimes, you just can't have what you want, but it doesn't mean that you can never have it. Everything takes place at the right time."

-08/09/17-(Draft)
-593Words-

pls. follow me on;

IG: @angge_24.vhonganne
      @angela_cruz28

TWITTER: @24Angge

FACEBOOK: Angela Grace Domingo Cruz

FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees

WATTPAD: @24Angge

Thanks for Reading😊

Vote---Comment---Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬

Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon