Chapter 14

724 15 3
                                    

ANNE

Naluha ako ng nakita ko si Vhong.Nakaupo sa sahig habang may hawak na beer,gaya ng sabi ni inday ay may natuyong dugo ito sa braso at kamay mula sa mumunting sugat sa kamao,mugto ang mga matang nakatingin sakin sa pagpasok ko sa silid niya at mula sa kanyang mata may lumabas nanamang luha.Napatakbo agad ako sakanya at niyakap siya.

"Vhong!Anong nangyari sayo,bakit di mo sinabing may problema ka!"umiiyak kong sambit habang yakap siya,tanging hikbi lang ang isinagot niya,di ako sanay na malungkot at umiiyak siya,kung sino man ang dahilan nito mananagot sakin!

"Vhong naman sabihin mo sakin,bakit ka nagkakaganyan,anong problema Vhong?!"wika ko muli at tinignan siya sa mata.

"Ang shaket!ang shaket shaket!"bulyaw niya habang sinusuntok suntok ang sarili niyang dibdib naiyak ako lalo sinubukan kong pigilin ang pagsuntok niya sa dibdib niya.

"Tama na!tama na Vhong,wag mong saktan ang sarili mo please parang awa mo na sabihin mo na kung anong problema mo!"sabi ko habang iyak parin ako ng iyak,nadadala kasi ako kay Vhong awang-awa nko sakanya.

"Hindi niya ko mahal!hindi niya ko mahal!Sana pinatay niya na lang ako!"sigaw habang umiiyak muli ni Vhong.

"Vhong!ano ba wag ka ngang magsalita ng ganyan,mag-usap nga tayo ng maayos!"medyo maautoridad kong saad.

"May mali ba sakin?!bakit hindi na lang ako?ginawa ko naman lahat!kulang pa rin ba yun!Panget ba ko?Kapalit-palit ba ko?Hindi pa ba ko sapat?"lasing na si Vhong at kung ano-ano ang mga sinasabi kaya inalalayan ko siya at pilit na hiniga sa kama niyang gulong-gulo,nagtagumpay naman ako,kinumutan ko na siya tinignan ko lang siya kung ano-ano ang mga sinasabi tungkol sa pag-ibig niya!

Nang nakita kong medyo kalmado na si Vhong ay niligpit ko ang mga kalat sa kwarto niya,may picture pa talaga kami sa kwarto niya ang dami!meron naman din kasama namin showtime fam namin.Kung ano-anong kalat ang mga napupulot ko!Hay Nabaro ano ba talagang problema mo?Gulong-gulo nako sayo!Pagkaligpit ko ng lahat ng kalat ay nilabas ko ang mga bote ng beer sa kusina nila nadatnan ko naman si inday doon kaya binigay ko sakanya ang mga bote ng beer.

"Ma'am amina na po yan,salamat po ma'am ha.ayos na po ba si ser."tanong muli nito.

"Ayun po nakatulog sa Sobrang kalasingan,may problema nga po sa pag-ibig pero di pa kami nakapag-usap ng maayos tungkol dun bukas ko na lang siguro siya kakausapin.

"Ganun po ba,sge po salamat ma'am."sambit ni inday

"Sge po akyat na po uli ako dun."sagot ko at umakyat na muli sa kwarto ni Vhong.

Pag-akyat ko ay tulog na tulog pa rin si Vhong dahil sa kalasingan.Naupo ako sa gilid niya sa kama at tinignan lang siya habang natutulog hanggang sa Bigla siyang nag-sleeptalk na ikinagulat ko.

"Mahal kita,Mahal na Mahal kita.......

.
.
.
.
.
,
Anne....




To be Continued....

"True love and loyal friends are two of the hardest things to find."

-07-04-17-
-534Words-(Draft)

pls. follow me on;

IG: @angge_24.vhonganne
      @angela_cruz28

TWITTER: @24Angge

FACEBOOK: Angela Grace Domingo Cruz

FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees

WATTPAD: @24Angge

Thanks for Reading😊

Vote---Comment---Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬

Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon