"SINO YUNG KASAMA MONG LALAKI NUNG NAKITA KITA SA MALL??"
Hinampas siya bigla ni Anne sa braso ng buong lakas.
"Bwisit ka!akala ko kung ano yung sasasabihin mo,pinakaba mo ko."inis na sabi ni Anne ngunit di manlang natinag si Vhong sa pagkakahampas sa kanya ni Anne.
"Anne ano nga.Sino ba yun.."seryosong tanong ni Vhong na naluluha pa rin.
"Si Erwan yun,remember Solenn?magkapatid sila."sambit ni Anne na nacoconfuse parin sa itsura ni Vhong.
"Bakit kayo magkasama nung araw na yun?"tiim bagang tanong ni Vhong."Inaya lang niya akong kumain sa labas,mag mall."sabi ni Anne.
"Mas pinili mo siya?Bakit?"umiiyak na saad ni Vhong.
"Vhongskie naman,di ba napag-usapan na natin yun,nagkataon lang talagang mas nauna siya."paliwanag ni Anne.
"Mas nauna ko sa buhay mo kesa sa sakanya."seryosong saad ni Vhong habang umiiyak.
"Vhong.may problema ka ba?ang weird mo talaga."seryosong tanong ni Anne.
"Sino ba talaga sya sa buhay mo?"tanong nanaman ni Vhong.
"Siguro nga panahon na para malaman mo...
NILILIGAWAN AKO NI ERWAN....
tila ba parang binagsakan ng langit at lupa si Vhong sa mga narinig.Nangyari na ang kinatatakutan ni Vhong,may nagmamay-ari na ng puso ng babaeng pinakaminamahal niya,ang babaeng gusto niyang makasama pang habangbuhay ay makakasama na ng iba.Tila ba wala na siyang madama,makita,o maski marinig matapos mamutawi sa bibig ng kanyang minamahal na may nagmamahal ng iba sakanya,may iba ng nag-aalay ng pag-ibig.May iba ng mag-aalaga sa taong mahal niya,may iba ng magpapasaya sa taong pinakaminamahal niya.Di niya na mapigilan ang bugso ng damdamin nya buong puso siyang nagsusumamo umiiyak sa harap ni Anne,di na niya mapigilan ang nararamdaman niya....
"Vhong,bakit ka umiiyak?di ka ba masaya para sakin?"malungkot na saad ni Anne.
Sa isip ni Vhong paano ako magiging masaya e may mahal ka na,ang masaklap pa ay hindi ako yun,paano ako magiging masaya sabihin niyo nga.Mahal na mahal ko siya higit sa lahat,maging kanino man tapos malalaman kong iba ang mahal mo!Paano ko magiging masaya?!!Ayoko na sobrang sakit na.
"I have to go."pinilit ni Vhong na makapagsalita sabay takbo gusto na niyang takasan ang sakit na nadarama niya,hindi niya alam kung paano.Sinibukan siyang habulin ni Anne hanggang parking ngunit pinaharurot agad ni Vhong yung sasakyan niya,nang makalayo-layo ay itinabi niya ang sasakyan at binuhos ang nararamdaman sa apat na sulok ng sasakyan niya.binuhos niya ang lahat ng luhang maiiluluha niya,di niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya,yung tipong gusto na lang niyang mawala sa mundo para tapos na yung sakit na nararamdaman niya.Nakakaawa ang itsura niya habang iyak ng iyak,pinupukpok ang steering wheel ng sasakyan niya habang dumudugo ang kamao at braso niya.Wasted na wasted ang itsura ng binata,pale na pale ang mukha na basang-basa din ng luha habang buong lakas na nagsisisigaw...
"Bakit?Bakit di na lang ako.may mali ba sakin,ginaawa ko naman lahat para sayo,para lang sayo bakit di na lang ako.Mahal naman kita...Mahal na mahal higit pa sa iniisip mo pero bakit di pa rin ako,gagawin ko naman lahat ng gusto mo kulang pa ba?Ayoko na!Ang sakit sakit na.kunin niyo na lang ako.Sana pinatay mo na lang ako!!!!!"ulit-ulit na sigaw ni Vhong sa loob ng kotse.
Nagtagal-tagal din ang pag-iyak ni Vhong sa sasakyan,hanggang sa wala na siyang mailuha,napagdesisyunan na niyang umuwi at agad pinaharurot ang sasakyan,wala siyang pake kung mabangga man siya,wala nanaman daw silbi ang buhay niya.
Maya maya sa awa ng Diyos ay nakauwi naman siya ng ligtas.Diretso siya papasok ng bahay na parang siga pinagbuksan siya ng isang maid.
"Ser anong nangyari sainyo?"nag-aalalang tanong ng kasambahay.
"Wala kang pake!!kuha mo ko ng beer dalin mo sa kwarto ko,damihan mo ha!bilisan mo ayoko ng babagal-bagal!"bulyaw ni Vhong sa kasambahay na kinagulat ng kasambahay dahil mabait talaga sakanila ang amo,inintindi na lang niya dahil mukha ngang may problema.
"Sige po Ser."tanging nasabi na lang ng maid at sinunod na ang utos ng amo si Vhong naman ay dumeretso na sa kwarto niya.....
.
.
.
.
.
To be Continued.....Ang saklap talaga ng pag-ibig😞
"I always fall for people who can't love me back."
-06-23-17-
-740Words-pls. follow me on;
IG: @angge_24.vhonganne
TWITTER: @24Angge
FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees
WATTPAD: @24Angge
Thanks for Reading😊
Vote---Comment---Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)
Hayran KurguMinahal mo siya ng higit pa sa buhay mo.Dahil ang buong akala mo,ganun din siya sayo.Pero akala mo lang pala yun.Akala ko sayo natagpuan pag-ibig na walang hanggan.Ang ating pagsasama pinaglaruan ng tadhana.Kahit na ako'y bahagi na lamang ng nakaraa...