Chapter 18

662 11 0
                                    

Third Person's POV

1 linggo na ang makalipas simula nung nalaman ni Anne ang nararamdaman ni Vhong para sakanya.Naguguilty naman si Vhong na hindi niya kinikibo ang kaibigan pero di mo naman siya masisi dahil tuwing nakikita niya si Anne ay naalala niya lahat ang sakit na mareject ng taong mahal mo.Nasasaktan din si Anne sa pag-iwas sakanya ni Vhong,nanghihinayang siya sa matagal nilang magandang samahan na nalamatan na simula ng magkaalaman sa tunay na estado nilang dalawa na akala na isa ay matalik na magkaibigan lang sila at ang isa naman ay lihim na may pag-ibig para sa babae.Kung siguro sa una ay nilinaw na nila kung ano ang real score sa kanilang dalawa ng walang nasasaktan ngayon,pero di na panahon para magsisihan pa dahil nandyan na yun di mo na pwedeng pagsisihan.May mga tao talagang di para sa isa't isa.Regular mang pumapasok na si Vhong sa Showtime ngunit lingid sa mga manonood ay may dalawang matuloy na nag-iiwasan sa di nila alam na dahilan,ang ibang host naman ay nalaman na rin ang nangyari sa tulong ni Billy.Nandyan naman ang lahat para damayan ang dalawa sa matinding pinadadaanan nila.Nasanay na lang sila na di na talaga nag-uusap ni nagtitinginan ang dalawa,inintindi na lang nila ang dalawang kaibigan.

Araw-araw umiiyak si Anne pagkatapos ng show dahil sa pagiwas sakanya ni Vhong.Namimiss niya na yung dating Vhong na makulit,masiyahin,mapang-asar,at higit sa lahat ang pagiging caring at sweet ni Vhong sakanya,kung pwede lang talagang turuan ang puso ay ginawa niya na sana.

Pagkatapos umiyak ni Anne ay napagpasyahan na niyang umuwi,parang pagod na pagod ang kalooban niya kakaiyak at kaiisip kay Vhong..
Pagdating sa condo niya ay walang gana siyang pumunta sa kwarto niya at pabagsak na humiga sa kama niya.Nais niyang makita at makausap si Vhong ngunit alam niyang masasaktan lang si Vhong pag ginawa niya yun,kaya naisipan niya na lang itulog na lang ang sakit at lungkot na nararamdaman niya..

Vhong's POV
     Nakokonsensya na ko sa ginagawa kong pag-iwas kay Anne,pero anong magagawa ko eh sobra lang talaga akong nasasaktan sa tuwing nakikita siya.Pag nakikita ko siya naaalala ko yung mga pinagsamahan namin na para perfect couple talaga.Kaso imagination ko lang pala ang lahat dahil sinampal nanaman ako ng realidad na hindi ako mahal ni Anne na kaibigan lang ang tingin niya sakin!Na kahit kailan walang kame.Ako at siya ay Magkaibigan lang at hindi pwedeng mag-ibigan.Ang sakit isipin na hindi ka mahal ng taong mahal mo.Bumabalik nanaman ang sakit.Di ko pa talaga kayang matagalan na makita at makasama si Anne,kaya di na muna ulit ako papasok bukas sa studio alam naman na ni Direk kung ano ang nangyari sa pagitan namin ni Anne kaya maiintindihan niya ko.

Nang mapagod ako sa pag-iyak ay napagpasyahan kong matulog na lang at magpahinga,stress na stress na ko!I feel exausted and wasted.Nakakapagod magmahal....

.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continued....

"Pinagtagpo pero di Itinadhana."

-532Words-(Draft)
-08/08/17-

pls. follow me on;

IG: @angge_24.vhonganne
      @angela_cruz28

TWITTER: @24Angge

FACEBOOK: Angela Grace Domingo Cruz

FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees

WATTPAD: @24Angge

Thanks for Reading😊

Vote---Comment---Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬

Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon