ANNE
""Dati yun Anne,"Dati"iba na ngayon.di mo na maibabalik yung nakaraan!"may diin at pasigaw na sabi ni Vhong sakin.Ang sakit sobra hindi lang dahil sinigawan niya ako,kasi kahit kailan di niya ako pinagtaasan ng boses nagugulat lang talaga ako sa pagbabago niya,ganito ba talaga ang epekto nitong lahat ng nangyayari samin kung alam ko lang sana sinabi ko na mahal ko din siya!sana lang talaga madali lang lahat gawin ng mga sinasabi ko ngayon,ayoko ng ganito,ng dahil Sakin umiiyak at nalulungkot ang isang taong mahalaga sakin,kailan ba matatapos itong paghihirap ko!nakakapagod din pala!"yan ang mga tumatakbo sa isip ko kasabay ng pag-iyak ko at pagtakbo ko patungo sa DR nang biglang may nakabangga sakin.
"Sorry"saad ko na nakayuko di ko tinignan kung sino man yun kasi baka may makakita saking umiiyak ako baka maissue pa.
"Anne?"pamilyar na boses ang narinig ko kaya tinignan ko siya.
"Vice ikaw pala."tanging nasabi ko habang pinupunasan ang luha ko.
"Anne?umiiyak ka ba?what happened?"nagaalalang tanong ni Vice sakin di ko na napigilan kaya niyakap ko siya at humagulgol.
"Si Vhong kasi."sabi ko habang nakayakap pa rin sakanya habang umiiyak.
"Tara nga sa DR mo dun natin pagusapan yan"saad ni Vice at agad akong tumalima at naglakad na kami papuntang DR ko.
VHONG
"Dati yun Anne,"Dati"iba na ngayon.di mo na maibabalik yung nakaraan!"may diin at pasigaw kong sabi kay Anne...
Nabigla lang ako sa nasabi ko kaya ko siya nasigawan,nadala lang siguro ako sa bugso ng damdamin ko.Siguro ay nasa healing process pa rin ako,alam ko namang nahihirapan din si Anne sa nangyayari pero di ko lang talaga maiwasang masaktan pa rin kahit nagkausap at nagkaliwanagan na kami ni Anne.Nahihirapan na talaga ko sa sitwasyon namin ni Anne,pero alam kong kailangan kong mag-adjust dahil eto ang realidad na araw araw makikita at makakasama ko siya kahit anong gawin ko dahil ito yung trabaho namin eh!
Pero nahihirapan na talaga ko kasi nasasaktan na din si Anne sa mga pinag-gagagawa ko,kahit di ko intensyon na masaktan siya,nasasaktan pa rin siya!!nahihirapan na talaga akong pigilan yung nararamdaman ko na hindi ako mahal ni Anne,hindi kami pwede!walang namamagitan!eto kasing puso ko patuloy pa rin sa pagtibok sa isang babaeng di ako kayang mahalin pabalik.
Nakokonsensya na ko dahil pati si Anne nadadamay sa kagaguhan kong ito!Nasigawan ko nga siya kanina nabigla lang talaga ako dahil naiinis din ako sa sarili ko kung bakit ayaw kong bumalik sa dating ako katulad ng gusto nila,katulad ng gusto ni Anne!!Kailan ba matatapos 'to?!
VICE
Nandito kami ngayon ni Anne sa DR niya naghaheart to heart talk.😂Iyak siya ng iyak kanina pa dahil nanaman kay Vhong!Kailang kaya titigil itong dalawang ito.
"Akala ko ba nag-usap na kayo?akala ko okay na kayo?bakit umiiyak ka nanaman ngayon."tanong ko kay Anne naguguluhan na rin kasi ako sa sitwasyon nila.
"Akala ko din eh!akala lang pala...."malungkot na sabi ni Anne
"Tumahan ka na dyan,bakit ba iniiyakan mo si Vhong?"pranka kong sabi ganto ko talaga siya kausapin pagdating sa love,hilig niya kasing iyakan yung mga bagay na hindi naman worth it na iyakan.
"Kasi iba na siya!bawal na akong pumasok sa DR niya na hindi kumakatok tapos sinigawan niya ko kanina,di naman siya ganun dati eh."malungkot plus hagulgol pa more na sabi ni Anne.😂
"Hay naku para yun lang umiiyak ka na?Yung problema hindi worth it iyakan dapat sinusulusyunan."words of wisdom ni madam.😂
"Ang sakit kaya!di niya naman ako pinagtataasan ng boses noon eh!"malungkot niyang sabi.
"Alam ko naman yun Annita pero ang babaw mo naman iiyak ka na dyan,para kang bata!"masungit kong sabi kay Anne.
"Salamat sis. ha!nakakatulong ka talaga lagi"sarkastikong sabi ni Anne,tinawanan ko lang siya hinampas niya naman ako at natawa na rin siya.
"Oh!yan ngumiti ka na,wag ka ng umiiyak dyan di naman namatay si Vhong.😂"biro ko kaya nakatikim nanaman ako ng hampas.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan di nakakatawa!"sabi ni Anne at sinamaan ako ng tingin.
"Ito naman ang sensitive,Mahal mo na no!"biro ko sakanya,natahimik naman siya ng ilang segundo.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be Continued..."Love is a Choice not a Feelings."
-08/29/17-
750Words(Draft)pls. follow me on;
IG: @angge_24.vhonganne
@angela_cruz28TWITTER: @24Angge
FACEBOOK: Angela Grace Domingo Cruz
FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees
WATTPAD: @24Angge
Thanks for Reading😊
Vote---Comment---Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)
أدب الهواةMinahal mo siya ng higit pa sa buhay mo.Dahil ang buong akala mo,ganun din siya sayo.Pero akala mo lang pala yun.Akala ko sayo natagpuan pag-ibig na walang hanggan.Ang ating pagsasama pinaglaruan ng tadhana.Kahit na ako'y bahagi na lamang ng nakaraa...