Chapter 35

799 20 2
                                    

Dedicated to somepigs24  thank you sa suporta.❤️😘Godbless..

Masayang nagkwekwentuhan habang kumakain ang buong barkada sa bahay nila Anne.

"So Ano Anning naniwala ka na sakin na mahal mo na nga talaga si Vhong?"mayabang ng tanong ni Vice.

"Oo na,ikaw na wakla,halatang well experience pagdating sa pag-ibig."sabi naman ni Anne,si Vhong naman ay katabi niya at nakasandal sa balikat ni Anne.😍

"Syempre yan pa ba?sa daming jowa niyan.Iba talaga nagagawa pag maraming pera."biro ni Jhong,agad namang binatukan siya ni Vice nagtawanan naman ang lahat.

"Aba bastos kang bata ka ha!Bakit isa ka rin naman sa mga yun ha!makapagsalita ka dyan."biro naman ni Vice st napuno nanaman ng tawanan ang buong kusina.

"Pero seryoso salamat Vice kasi totoo pala yung mga sinasabi mo sakin."sabi ni Anne.

"Matagal ko na kasing sinasabi sayo kala mo binibiro lang kita,nagseseryoso naman ako minsan,kasi dapat nakinig ka sakin agad di ka sana naghabol sa Airport nang nakapantulog.😂"seryoso ngunit may biro sa huling sabi ni Vice.

"Oo na!Tama na!Lagi niyo na lang inaano yung pantulog ko."inis na sabi ni Anne nagtawanan muli ang lahat.

"Uy!Tama na yan!Iniinis niyo nanaman si Anne."pagtatanggol ni Vhong.

"Uy nandyan ka pala!"sabi ni Jugs kanina pa kasi di nagsasalita si Vhong at nakasiksik lang kay Anne.

"Uy!si Anne may tagapagtanggol na uli."buyo naman ni Teddy.

"Kumain na nga lang kayo dyan."suway ni Vhong.

"Huwaw naman kuys,ang bait naman,dati bangkang-bangka anyare ngayon?"biro ni Billy.

"Minahal lang ni Crush bumait na!"buyo din Vice,tawanan naman lahat maging si Vhong at binatukan di Vice.

"Ikaw talaga!wag ka ngang nang-aano dyan,di pa rin kasi ako makapaniwala eh."sabi ni Vhong.

"Pero ano kuys?kayo na ba ni Anning,kailangan natin nyan."tanong ni Teddy.

"Syempre liligawan ko pa tong babyloves ko,para di naman magtaka yung mga tao kung masyadong mabilis,tsaka pagdating dito ayokong madaliin ang lahat gusto kong paghirapan para mas maparamdam ko na mahal na mahal ko to."sabi ni Vhong.

"Eh bat kung makadikit ka kay Anning para namang may aagaw dyan."sabi ni Billy.

"Ganito naman talaga kami kahit dati pa,walang magbabago dun."sabi ni Vhong.

"Naninibago lang yung mga yan dahil tagal tayong nag-iwasan."sabi naman ni Anne.

Nagpatuloy na sila sa pagkain at pagtapos nilang kumain ay nagkayayaang mag-movie marathon.
Nasa sala sila.Si Vhong ay nakahiga sa mahabang sofa habang nakaunan sa lap ni Anne.Nakaupo naman si Vice sa isang single sofa at nasa paanan naman niya si Ryan habang nakasalsmpak sa sahig.Ang iba naman ay naka-upo rin sa sahig si Billy naman nahiga at naka-unan sa lap ni Coleen.(Yung dating Showtime host kasama din,wala nakakamiss lang.😊)

Nagsimula na ang palabas ang pinapanood nila ay "What Happened to Monday" isang netflix movie series.(panoorin niyo yun super ganda.)

Kanya-kanyang business ang lahat yung iba seryoso sa panonood,Si Vhong at Anne naman naglalandian este naglalambingan.😂

"Kiss mo ko!"sabi ni Vhong kay Anne at ngumuso,tinampal naman ni Anne ang nguso ni Vhong.(mahina lang naman.)

"Kiss ka dyan!di pa nga tayo eh kiss agad dati naman di kita kinikiss ha."sabi ni Anne.

"Dun din punta nun ikikiss mo rin ako pagdating nung araw na yun,sige na praktis lang."biro ni Vhong at ngumuso ulet.

Hinalikan naman ni Anne ang index at middle finger niya atsaka nilapat naman sa nguso ni Vhong.

"Oh,okay na yan praktis lang naman eh."natatawang sabi ni Anne.Nag-pout naman si Vhong.

"Di mo ata ako love eh kasi ayaw mo ko kiss."parang batang sabi ni Vhong.

"Kiss ko lang ata gusto mo di naman ako."tampu-tampuhang sabi ni Anne.

"Joke lang babyloves love na love kaya kita,binibiro lang kita."sabi ni Vhong at bumangon at niyakap si Anne.

"Hmm..wag ka ngang magulo di tayo bati."biro ni Anne.

"Hoy ang ingay nanonood eh!"reklamo ni Vice tawanan naman sila.

"Bitter!"sabi ni Jhong.

"Inggit!bleehh!sabi ni Vhong at bumelat pa kay Vice.

"Manood na lang kayo ang ganda nung movie."sabi ni Vice at nagpatuloy na sila sa panonood.Nahiga na ulet si Vhong sa lap ni Anne at nanahimik na ang lahat.

Maya-maya at natapos na nila yung "What Happened to Monday."sunod nilang pinanood yung Anabelle Creation.Intense ang eksena kaya tahimik ang lahat nagpalit naman ng pwesto si Anne at Vhong dahil namamanhid na ang binti ni Anne.😂Kaya si Anne naman ang nakahiga sa lap ni Vhong.Dahil nakakatakot ang palabas ay maya-maya ay nakatulog na si Anne sa lap ni Vhong.

Naka-ilang movie rin sila ng napagpasyahan na nilang umuwi.Tulog pa rin si Anne sa lap ni Vhong.

"Uy gisingin mo na yan uwi na tayo."pag-aaya ni Vice.

Nag-ayos na ang lahat samantalang si Vhong naman ay hinalikan si Anne sa Noo dahilan para magising ang dalaga.

"Annie ko,uuwi na kami bangon na."bumangon na naman si Anne at naupo sa tabi ni Vhong at sumandal sa balikat ni Vhong inakbayan naman siya ni Vhong dahil nga kakagising lang ni Anne tulala lang siya.😂

"Kuys tara na!"sabi Billy nagtayuan na lahat maging si Vhong at Anne.Hinatid na ni Anne ang mga kasama sa may gate.

"Babye na Anne."sabi ni Karylle.

nagpaalam na lahat kay Anne at bumeso na dilang lahat.

"Annie ingat ka dito,yung pinto mo wag mong kalimutang i-lock ha,yung mga gas dyan,tsaka wag lang basta bastang magpapasok kung may nag-doorbell tignan mo muna kung sino."mahabang bilin ni Vhong.

"Opo itay,daming bilin."biro ni Anne.

"Uy ano Vhong tatay lang ang peg tara na wala ka bang balak umuwi."singit naman ni Vice.

"Eto na po!Sige na Uwi na kami ha,yung mga bilin ko sayo wag mong kakalimutan,Babye na Love you.😍"sabi ni Vhong at hinalikan sa nio si Anne at niyakap.

"Love you too.Ingat sa byahe ah,text mo ko kapag nasa bahay ka na."sabi ni Anne.

.
.
.
.
.
.
.
Nakakangawit pala magtype ng derederetcho.😂sakit sa maskels.😂

To be Continued.....

"Love will keep us Alive."

-09/24/17-(Happy VhongAnne Day.😂)
(1070Words)-Draft-

pls. follow me on;

IG: @angge_24.vhonganne
@angela_cruz28

TWITTER: @24Angge

FACEBOOK: Angela Grace Domingo Cruz

FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees

WATTPAD: @24Angge

Thanks for Reading😊

Vote----------Comment---------Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬

Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon