Vhong's POV
Andito kami ngayon sa backstage kasama ang mga host.Napapansin ko nung mga Nakaraang araw laging busy si Anne sa phone niya,tapos ngingiti-ngiti pa lagi!Nakakainis!Alam ko naman na wala akong karapatan magreklamo pero di lang talaga ako sanay na ganyan siya.Usually kasi pag nasa backstage kami ay ako ang kakwentuhan niya!Nakakaselos lang talaga!Nasanay lang ako na ako yung lagi niyang kasama at kausap!Nabuo nanaman ang isang tanong sa isip ko!"Ano nga ba kami?" ang laging tanong ng lahat samin na kahit kailan ay hindi naman nasasagot hanggang ngayon.Pero bakit ganon?Parang ayaw ko nang malaman kung ano yung sagot dun!Hayst!Ano ba itong mga naiisip ko!Tinignan kong muli si Anne,ayun nakangiti nanaman habang hawak ang cp niya!Kaya nilapitan ko siya para malaman kung ano yung nginingiti-ngiti niya!
"Annie ko!"malambing na sabi ko kay Anne at sumandal ako sa balikat niya.
"Vhong!ano ba wag kang magulo!kita mong may ginagawa ako eh!"inis na sabi niya sakin.
"Grabe ka naman Annie ko!kanina nakangiti ka,nilapitan lang kita nagsunggit ka na!"pacute kong sabi.
"Wag ka kasing maharot!Kainis ka kasi!"inis pa rin niyang sabi.
"Annie ko,sino ba kasi yang katext mo!gusto ko ako lang yung dahilan nang pagngiti mo!"malambing kong sabi kay Anne habang nakasandal pa rin ako sa balikat niya.
"Pake mo ba kung sino yung katext ko!Umalis ka nga dito!wag mo muna akong guluhin pwede!"mataray nanaman niyang sabi.Nasaktan naman ako sa mga sinabi niya.Sino ba kasi yun na parang napakaimportante para makitunguhan ako ni Anne ng ganto!Sa sobrang importante di mo manlang makausap si Anne!Hayst!I hate this feeling.Umalis nko sa tabi niya at nanahimik sa isang tabi.Maya-maya ay may tumapik sa balikat ko at umupo sa tabi ko.
"Kuys!Ang lalim nyan ah!"si Billy pala.
"Hay!Si Anne kasi eh!"sabi ko habang nakatingin kay Anne pagkabuntong hininga ko.
"Bakit kuys?Ano problema kay Anning?"tanong ni Billy.
"Kasi tinatanong ko lang kung sino yung katext niya,sabi niya wala daw akong pake!Nakakainis lang!"sabi ko kay Billy.
"Naiinis ka ba talaga o nagseselos sa katext niya?"muling tanong ni Billy.
"Pareho!Kasi ganon na ba kaimportante yung katext niya at binabalewala niya lang ako."malungkot ko pahayag at yumuko.
"Kuys!bakit di mo siya tanungin ng maayos?para di mo na maramdaman yan!"payo ni Billy.
"Alam mo naman kuys na walang maliwanag na sagot kung ano ba talaga kami!Na ano ba talaga ako sakanya!Ako lang naman yung sigurado sa nararamdaman ko.Wala naman ata akong karapatan na maramdamam ko 'to."mahabang pahayag ko habang nakatitig kay Anne na busy pa rin sa cp niya.
"Kaya nga diba sabi namin sayo dati pa,liwanagin mo na sakanya kung ano ba talaga kayo."sabi ni Billy.
"Pero kuys!natatakot ako,natatakot ako sa magiging sagot niya,natatakot akong
ma-reject!"emosyonal na sabi ko kay Billy at naguunahan ng tumulo ang luha ko."Okay lang yan kuys!basta tandaan mo nandito lang kami para sayo,kung ano man ang magiging desisyon mo susuportahan ka na lang namin."sabi ni Billy habang hinihimas ang likod ko.
"Salamat ng marami kuys!pag-iisipan ko yung mga sinabi mo!Salamat talaga!"sabi ko kay Billy at pinunasan ang luha ko napatingin naman ulit ako kay Anne nakatingin din siya sakin na parang nag-aalala siguro ay nakita niya akong umiiyak,lalapitan niya na dapat ako kaya inaya ko na si Billy sa studio,nagtatampo lang ako sakanya kaya iniwan ko siya dun at pumunta na kami sa studio dahil magsisimula narin ang Showtime.
.
.
.
.
.Mga ilang minuto ay nagsimula na ang Showtime ngunit di pa rin pinapansin ni Vhong si Anne.Napansin naman ito ng dalaga kaya nagplano siya na kausapin ito pagkatapos ng Show...
To be Continued...
"Hirap na hirap kang sabihin yung feelings mo, natatakot ka kasing mareject."
-686Words-(Draft)
-04-05-17-(20:41)pls. follow me on;
IG: @angge_24.vhonganne
TWITTER: @24Angge
FACEBOOK PAGE: VhongAnne Honeybees
WATTPAD: @24Angge
Thanks for Reading😊
Vote-Comment-Share
⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬⏬
![](https://img.wattpad.com/cover/96975772-288-k724448.jpg)
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan?(Vhong-Anne)
FanficMinahal mo siya ng higit pa sa buhay mo.Dahil ang buong akala mo,ganun din siya sayo.Pero akala mo lang pala yun.Akala ko sayo natagpuan pag-ibig na walang hanggan.Ang ating pagsasama pinaglaruan ng tadhana.Kahit na ako'y bahagi na lamang ng nakaraa...