Prologue

25.7K 568 60
                                    

Third Person's POV:

Flashback... (2007)

"Cal? We need to go back to Manila." Sabi ng Mommy nito habang nag-iimpake ng mga gamit nila.

"But...why? I want to be here, mom. This province is already my happiness." sabi ng batang siyam na taong gulang lamang.

"But our life is there. In Manila." sabi ng nanay niya at isinara na ang maletang dadalhin nila sa biglaang pagluwas.

"But mom, all my life.. My nine years of life started here. Therefore this is my life." mang-iyak iyak na sabi nito.

Pero hindi niya nakumbinsi ang kanyang ina, talagang desidiso siyang umalis sila dito sa probinsya at lumuwas sa Maynila.

"No, mom. I'll be mad forever at you." sabi nito na ikinagalit ng ina.

"Cal... How could you say that to mommy?" agad namang umiyak ang batang lalaki.

"Mom? You are not my real mom!" nanlaki ang mga mata ng kanyang tinuturing na ina.

"W-what? Did you s-say? How did you--" Nauutal na tanong nang tinuring niyang Ina.

"Since I was only five years old, I already know that I am not your real son." sabi ng batang lalaki.

Niyakap naman nang kanyang ina ang batang lalaki upang maibsan kahit kaunti ang sakit na dinaramdam nito.

"Do you know the reason kung bakit tayo pupunta sa Manila?" Umiling naman ang batang lalaki.

"After nine years, your real mom contacted me. She wants to finally meet you." ngumiti ng mapait ang ina nito.

"Mommy, don't give me to her. I don't want her! You are my mom." Apilit na kumakalas ang bata sa bisig ng kaniyang tinuturing na ina.

"Cal, as long as I don't want to let you go.. Hindi natin maitatanggi na nasa kaniya parin ang karapatan para alagaan ka. Like what I've said, she's your real mom." napaluha na rin ang ina nito.

"Come on, Cal. She's waiting for us. You need to meet her, she's nice. Mabait ang kapatid ko." sabi ng ina.

"She's your sibling?" tanong ng bata sa ina.

"Yes. And she faced many problems just to be with you... so please. Come on." agad na umiling ang bata.

"No! Phia will get mad at me." ngumiti ang ina niya.

"Come on. Magpa-paalam ka kay Phia." sabi ng ina at tumango ang bata.

Siyam na taon na siyang nandito sa probinsya, ngunit walang kaibigan ang batang lalaki sa kadahilanang hindi siya lumalabas ng bahay.

Ngunit nang isang araw na isinama siya nito nang ina para pumunta sa isang kapit-bahay at doon nakilala niya ang isang batang babae na nakapag pabago sa tahimik niyang kabataan.

At ito ang ang kaibigan niyang si Phia. Mahinhin ito at kinakain lahat nang klase ng pasta, hindi lang ang pancit canton. Kung tumawa ay napaka dalagang Filipina. Makakita na siya ng lumilipad na dragon, 'wag lang ang lumilipad na ipis. Takot siya sa ipis.

Mabait si Phia. Mapagmahal--- pero hindi sa magulang, dahil puro sila trabaho. Kung tutuusin ay mas malambing pa ito sa mga katulong kaysa sa mga magulang nito. Down to earth rin ito. Kahit na mas bata ito nang tatlong taon sa batang lalaki pero hindi yon hadlang para rito na hindi niya ito magustuhan.

Pero lahat ng katangiang minahal ni Cal ay iiwan na niya dito sa probinsya. Tatlong buwan palang silang magkakilala at tanging si Phia lang ang alam nitong pagkakakilanlan sa batang babae.

Nakarating na sila sa bahay nila Phia at agad na nag doorbell at pinapasok nang kanilang katulong.

Pagkakita niya sa batang babae na nasa sala habang nanonood nang telebisyon ay agad itong tumakbo palapit rito.

"Bye, Phia. You'll always be my number one, my only one, and my forever one." he said while crying. Umiiyak ito na parang binatang mawawalay sa kaniyang nobya.

Umiiyak ang batang lalaki, dahil kailangan na niyang iwan ang kanyang matalik na kaibigan para umalis sa probinsyang minahal na niya.

"Why are you crying, Cal?" Tanong ng batang anim na taong gulang lang. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari.

"I will leave this province, Phia." sagot naman ng batang lalaki.

"Why are you leaving, Cal?" tanong ng batang babae habang umiiyak rin. Ngayon, mukhang alam na niya na ito na ang huling pagkikita nila ng matalik niyang kaibigan.

"Sorry, but I promise. I'll go back here and I'll find you." sabi nito at merong kinuha sa kaniyang bulsa na ibinigay sa batang babae.

"What is this and why are you giving me this?" tanong ng dalaga.

Isa itong pekeng ipis na ginagawang panakot nang batang lalaki sa batang babae.

"This is a remembrance. Keep that forever, okay?" tumango naman ang babae at agad na tumakbo sa kwarto niya at agad ding nagbalik.

May inabot naman siya sa lalaki at agad namang may pagkalito sa tingin ng lalaki. Pekeng butiki naman ito na pinangtatakot ng babae sa lalaki.

"That's my remembrance." ngumiti naman ang lalaki. Eksakto naman na dumating ang mga magulang ni Phia na galing sa trabaho.

"Mommy? Can I go with Cal?" agad namang nanlaki ang mata ng ina, dahil sa sinabi ng batang babae.

"No way, Phia. You two are too young. You are just six years old and don't know what you're saying." agad na umiyak si Phia.

"But I love him!" sigaw ng batang si Phia.

"You can't and will never, Phia. You are way too young so shut the crap. Go to your room. Now." agad namang na tumakbo ang batang babae sa kanyang kwarto na luhaan. Takot ito sa mga magulang niya.

"You!" dinuro ng ama ng batang babae si Cal na may nanlilisik na mga mata.

"You turned my daughter into that! Tandaan mo, hindi ako papayag na magkita muli kayo. Alis!" agad naman tumakbo palabas ang siyam
na taong na gulang na bata at sinalubong ng yakap ng kaniyang ina.

Hanggang sa makaluwas sila ng Maynila ay di magawang mapakawalan ng batang lalaki sa kamay niya ang pekeng butiki na bigay sakaniya ni Phia. Umaasa nalang siya sa panahon kung kailan nito balak silang pagtagpuin.

-------

Ano kaya ang susunod na mangyayari kay Cal? Ang mapagmahal na si Cal.

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon