Chapter 14

2.8K 80 8
                                        

Ellie's POV:

Today is the day! Ngayon na ang simula ng first activity this week. Maaga akong nagising, dahil mismong ang katawan ko ay excited sa araw na ito. I don't know if excited ako sa fact na makakasama ko si Grey o makikita ko na naman si Blade. Hindi ko alam.

Before seven palang ay nakapag-ayos na ako. Samantalang ang best friend ko, heto, bagal-bagal parin sa pagkilos. Palibhasa'y hindi kasali sa naturang laro, dahil wala siyang ka-couple.

"Una na ako, Lisse!" kinuha ko na ang bag ko, dahil ayokong ma-late ngayong araw na ito. Matagal pa kasi si Elisse at siguradong mali-late siya.

"Sige. Ingat ka! Pakisabi kila dad, hindi pa ako ready so mauuna ka na, okay?" tumango naman ako atsaka bumeso sa kaniya.

Hindi parin ako umuuwi sa amin. Tama rin ang pakiramdam ko na hindi ako hahanapin ni daddy. Bakit nga ba niya ako hahanapin kung nandoon naman si Sophia na parang anak niya? Napatawa ako ng mapait habang papunta sa hapag, para magpaalam kay Tita Ner na ngayon ay kumakain.

"Tita, mauuna na po ako. Kailangan po kasi ako sa school ng mas maaga." pinilit niya pa akong kumain, pero tumaggi ako, dahil makupad akong kumain at baka malate ako.

"Ingat ka, hija!" kumaway na ako atsaka naman ako lumabas ng subdivision upang makapag-para ng taxi.

Hindi pa ako nakakapagpa-para ng taxi ay may humintong pamilyar na sports car sa harapan ko. Paano ko nga ba makakalimutan ang kotse ng ex ko?

"Hop in." umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad, para maiwasan siya.

"No thanks. Umalis ka na." pero hindi naman siya umalis. Lumabas pa siya ng sasakyan at nilapitan ako.

"Bakit ba ang pakipot mo lalo ngayon, ha? Dati hindi ka naman ganiyan." napatawa na lamang ako sa sinabi niya.

"Ikaw lang ba ang may karapatang magbago? Tandaan mo, change is the only permanent in this world." inagaw ko ang braso ko na hinigit niya kanina.

"Sumakay ka na.." pamimilit nito, pero masyadong matigas ang desisyon ko, kaya kahit anong gawin niya, hindi niya ako mapapasakay.

Akmang buhuhatin niya ako nang may bumusinang sasakyan sa aming dalawa.

"Ellie, love, sorry I'm late. I just grab some coffee for us, because I know you skipped your breakfast." oh, sht. I think I know who is this guy calling me love.

I have no other option than to ride his words. I smiled and tried my very best to look in love with him and tried so hard to achieve a genuine smile, which is not really one. Naramdaman ko naman na gumalaw ang panga ni Blade, atsaka ako unti-unting binitawan.

"It's okay, love. Let's go?" iniwan ko doon si Blade na hindi siya tinitignan. Takot ako na yakapin ko siya bigla kapag nakakita ako ng sakit sa mga mata niya.

Kahit gaano ako kagalit kay Blade, hindi ko maitatanggi na minahal, minamahal at mahal ko parin siya ng sobra. Four years relationship is no joke. Marami kaming pinagsamahan at hindi ko nalang 'yong basta-basta makakalimutan.

"Love pala, ha? 'Yan naba ang ipinalit mo sa akin?" ngumisi siya na parang hindi makapaniwala na sumama ako agad kay Grey.

"Oo, bro. Bakit? May problema ba?" hindi pa ako nakakasakay ng kotse ay lumabas si Grey upang umikot sa kabilang pintuan para pagbuksan ako ng pinto. Biglang sumikdo ang puso ko.

"T-thank you.." hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Bumilis ang pintig ng puso ko lalo na nang maka-upo ako sa loob ng kotse.

Napatingin ako sa direksyon ni Blade at nakita kong gumuhit ang sakit sa mga mata niya. Sa mga tingin niya. Alam na alam ko siya. Kilala ko na siya kapag nasasaktan siya. Hindi siya iyakin, pero alam ko kung nasasaktan na siya.

Pumasok naman si Grey sa kotse at hinawakan ang isang kamay ko atsaka ito pinisil. Parang sinasabi niya na maging matatag ako. Yumuko na lamang ako, para hindi ko na makita ang mga mata ni Blade.

"Bro, kung wala ka nang sasabihin, aalis na kami. Male-late na tayong pare-pareho." gumalaw lang ang panga ni Blade atsaka na umandar ang sasakyan ni Grey paalis sa lugar na 'yon.

Tahimik kaming pareho. Hindi kami sanay sa ganito. Oo, hindi kami nag-uusap, pero hindi naman dating ganito na nagkakahiyaan kaming magsalita.

"Totoo bang bumili ka ng coffee?" tumango lamang ito habang nakatitig sa dinadaanan namin. Wala naman akong ibang masabi.

"Nasa backseat." agad ko naman 'yong kinuha atsaka kinuha ang isang paper cup.

"This is not coffee.." sambit ko nang maamoy ko kung ano 'yon.

"You said that's your favorite." napangiti ako. Hindi ko akalain na matatandaan niya ang sinabi ko.

"Uhm... Thank you." nilagyan ko naman ng straw ang isa pang paper cup atsaka itinutok ang straw sa labi niya.

"Oh, drink." hindi ko alam bakit ko nagawa 'yon, pero nabigla ako nang isubo niya ang straw at simulang sipsipin ang milktea habang hawak ko ang lalagyanan.

Kahit kailan, hindi ko pa ito nagawa kay Blade, kaya nakakapanibago. Sa puwesto namin ngayon, para kaming isang totoong couple. Kung may makakakita man sa amin, hindi kami pagdududahan, dahil sa ginagawa namin.

Ilang sandali pa, nakarating na kami sa school. Maraming bulungan ang naririnig ko. Marahil ay una, pinag-uusapan ako, dahil hindi si Blade ang kasama ko o pwede rin namang pinag-uusapan ang kasama ko, dahil ngayon lang siya pumunta sa building namin.

Tama nga ako. Iba ang course niya. He's studying medicine, while me, I'm a flight attendant in the making. Yeah. I'm a tourism student.

Nang makarating kami sa court ay marami-rami na rin ang mga taong narito. At ilang minuto lang ay nag-start na ang program. Lumabas ang SSC vice president, atsaka kami binati.

"For the first activity, napaka easy. Tatawagin natin itong if you love me, then find me. Simple lang. May nakatagong limang susi sa bawat room. May specific room number naman kung saan kayo maghahanap, so don't worry. Boys ang maghahanap ng susi, while ang mga girls will be locked isa-isa sa katapat na room kung saan kayo maghahanap ng susi. In ten minutes, pwede ka lang magdala palabas ng tatlong susi. Kapag sa tatlong 'yon ay walang nakapag-unlock ng pinto, automatically, you're eliminated." huminga muna ako nang malalim at nagdasal na sana mahanap ni Grey ang susi...

----

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon