Chapter 5

419 12 2
                                    

NAGISING ako sa mga katok galing sa labas, narinig ko ang boses ng isa naming kasam-bahay.

"Ma'am Phia, may bisita po kayo." Sa pag-aakalang si Ellise ito ay agad akong tumayo, nagbihis ng maganda dahil siguradong aayain niya akong mag-libot.

Agad akong nakarating sa sala, at nagulat ako nang makitang si Blade 'yon na masayang nakikipagtawanan kay Daddy. Bussiness topics, of course. They're both into it that's why he wants Blade to be with me. I love Blade, yes. Pero minsan, kahit mali na, si Blade lang pinakikinggan niya.

Akmang babalik na ulit ako sa pinaggalingan ko nang maagaw ko ang atensyon nila.

"Where are you going?" It's Dad at hindi ko siya pinansin.

"What are you doing here, Blade?" Tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

"Just wanna see you, Babe." Sabi nito at akmang lalapit ito ng lumayo ako rito.

"Dont babe me..."

"Did you two have a fight?" Tanong ni Daddy at umiling si Blade.

"Yes, Dad. And it's not just a fight, we've broken up. Sorry, but we're done." Sabi ko kay Daddy habang si Blade ay parang nagpipigil ng galit.

Natural, ayaw niyang ma-bad shot kay Daddy.

"No tito, we're still fixing it. That's why I am here now." Sabi nito at tumango-tango naman si Daddy.

"He cheated on me! He had sex with another woman!" Tumaas naman ang kilay ni Daddy.

"Is that true, hijo?" Tanong nito.

"O-ofcourse not, T-tito!!" Mabilis na sabi ni Blade.

Liar!

"See? It's not true---"

"Buti pa na hindi ko nalang sinabi! You've never trusted me. Ni-minsan hindi mo'ko pinaniwalaan. It's either me or my enemy to choose and you'll still choose the other one! Minsan naiisip ko kung anak mo ba talaga ako? Kung tatay ba talaga kita?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya, "Na baka ampon lang ako, napulot lang sa kalye— though I feel like it would be better to live down the road than to be with you!" Sabi ko at humagulgol.

"Ni-minsan you never called me your anak like how you call Sophia! Baka naman pinag-swap niyo kami nuong bata kami? Hell! Bakit ba ganito ka sa akin, Dad? Anong mali ang nagawa ko—" Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo Ellie!" Isang sampal ang ibinigay niya sa akin.

"Mahiya? Hindi na uso sa akin yun." Sabi ko at tinalikuran sila. Pagkasara ko ng pinto, napadausdos ako sa likod nito.

My life is a burning hell.

And I dont know how to handle it correctly, how to live with it!

Agad na kinuha ko ang bag ko na ginagamit ko lang tuwing may hiking kami or camping at ipinasok roon ang mga nakatupi kong damit sa cabinet. Nagdala rin ako ng ilang sandals at sapatos at nagbitbit rin ng handbag laman ang lahat ng kailangan ko.

I'm not a rebellious  child. I'm just tired of all of this that's repeatedly happening. Nakakasawa na. I feel like kapag umalis lang ako rito, doon lang ako makakahinga. 'Yung hindi na ako gaanong mahihirapan...

Nang masiguro kong sapat na ang gamit ko ay  izinipper ko na ito at isinukbit sa balikat ko. Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng silid na parang walang sagutang nangyari. Napatingin sila sa gawi ko, nakuha ko ang atensyon nila.

"At saan mo balak pumunta, aber?" Tanong nito habang nakangisi.

"Somewhere. I'm gonna hike. I don't plan on coming back. Malayo sainyo na walang Sophia, Blade at Tatay na wala naman ata talagang paki-alam sa akin." I straightly said and was about to leave when he answered.

"May pera ka ba? As if you can live without money! Sigurado naman akong babalik at babalik ka pa rin." Sabi nito sa akin na may tono na parang walang paki-alam na aalis ako.

"I'll try my best not to die at least." Sabi ko. Huminto ako sa paglalakad. Waiting. Waiting for a word that would make my anger melt. A word I long to hear from him, pero wala. He didn't even talked back. He just let me go like I was nothing to him.

I expected Blade to at least say something, but he didn't. Not even a word, he didn't even talk to my Dad about everything Ive suffered. He saw through me. I told him about every pain of mine, but...


Nasa gate na ako ng village nang nagbadiya ang maliliit na patak ng ulan na kalauna'y naging malalaking patak na ang bumuhos. Sa lahat ng dinala ko, walang payong or jacket man lang.

"Bakit ba ang malas mo Ellie?!" Sigaw ko sa ulan habang sumalampak sa gitna ng daan habang umiiyak. Nakikisabay ang luha ko sa patak ng ulan.

I hate myself. I hate myself for questioning how unfair life is.

"Lord, mabait naman ako, ha? So why?"

"Mabait?" Nabigla ako nang may marinig akong boses, "'Pag tulog." Nang iangat ko ang tingin ko nakita ko na naman siya.

"B-bakit ka nandito---" Naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"Daan 'to. Anyone can be in the middle of the road, with a car, of course and you are here crying? How pathetic ." Sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin.

"Whatever, just get loss. I don't want to see your face." Sabi ko at sinuot ang bagpack na nalaglag sa sahig at ang handbag ko na basang basa na sa ulan.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito sa daan?" Sabi nito na 'di man lang gumalaw sa kinatatayuan.

"Huh? Eh hindi ba sabi mo na anyone can be here in the middle of the
road---" Hindi nanaman niya ako pinatapos at nagsalita nanaman siya.

"With a car. Where's your car? Mukhang wala ka naman at bakit nakasalampak ka diyan sa kalsada? Paano kung may truck na dumaan at mawalan ng preno? What will happen to you?" Agad naman akong natigilan.

What would I do when that happens? Siguro go with the flow na lang. Kung mabuhay? Okay. Kung mamatay? Okay din. Tutal wala na rin naman akong pera at parang wala narin akong tatay.

"Wala na akong pakialam at mas lalong wala kang pakialam, okay?" Sabi ko at tumayo.

Napansin ko na medyo nababasa na siya dahil hindi naman kalakihan ang payong na hawak niya at medyo malakas ang ulan, walang gaanong sasakyan kaya kahit nasa gitna nang daan ang sasakyan ni— sino nga 'to ulit? — ay hindi nakakasagabal sa mga dumaraan.

"Mabuti naman at tumayo ka na diyan, mukha ka ng basang sisiw." Sabi nito kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Umalis ka na." Sabi ko pero hindi siya natinag.

"Get in the car, ihahatid na kita sa bahay niyo. Layas layas ka wala ka namang payong." Sabi nito at iniwan ako kasama ang payong at pumasok sa sasakyan.

Ngunit ayokong umuwi kaya hindi ko sinunod ang gusto niya. I didn't enter his car at makalipas lang nang ilang minuto na hindi ko pagsakay, sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan.

Iniwan niya ako.

Kaya I shamlessly run. Hinabol ko siya at humarang sa gitna ng daan. Agad akong tumakbo at akmang papasok sa backseat nang makitang sobrang daming kalat doon. Kaya wala akong choice kung hindi kumatok sa front seat sa tabi niya upang pagbuksan niya ako.

Pumasok ako at huminga nang malalim. Napahiya na ako dahil sa pagsalampak ko sa gitna nang daan, dahil sa pagtataboy ngunit pagbawi sa sinabi ko kaya kakapalan ko na ang mukha ko at magpapahatid.

"Saan ang bahay niyo?" Tanong nito pero sa halip na address ng bahay namin ang sabihin ko, ay iba ang sinabi ko.

-----

;)

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon