Chapter 17

2.6K 76 18
                                    

Grey and Ellie on your screen.

---

"Dad, what are you doing here?" bungad ni Ellie sa daddy niya nang magkaharap sila nito.

Alam na alam mong walang pag-aalalang bakas sa mga mata ng ama. Ano kaya ang kailangan nito bukod sa pagsasabihan siya ng grabe?

"Ellie, Phia's going to stay here for good.." napa-ikot ang eyeballs ni Ellie.

Why the heck is he telling her? Anong pakialam niya sa babaeng iyon?

"And so? Dad, anong gusto mong gawin ko?" pagak siyang tumawa.

"I want you to guide her---"

"Maraming staffs ang school. She doesn't need to be specially guided by me." diretsong sagot nito.

Ayaw nga niya! Sino ba 'yung babaeng 'yon para tratuhin niya na parang prinsesa? Kung alam lang nila kung gaano niya kagustong saktan ang babaeng 'yon, hinding-hindi nila siya gugustuhing pag-usapan.

"Ellie, she's your cousin!" nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang tinignan ang ama niya.

"That is if she see me as her cousin, dad. You don't know her true color---"

"You're the one who's pretending to be good here." parang sinaksak ang puso niya sa narinig niya.

'"W-what?" nabingi siya sa sinabi ng ama. She can't believe it!

"You're the one who's pretending to be innocent and kind to everyone." napa-iling siya.

Sarili niyang ama..

Nanghihina siya. Masyadong masakit ang mga salitang binibitawan ng ama niya. Grabe. Bakit ganito ang tingin niya sa sarili niyang anak? Ganito ba talaga ito? Sa pagkaka-alam niya, noong bata pa siya, masakit na itong magsalita, pero hindi naman kagaya nito.

Sobra na kasi ang mga sinasabi ito. Kung makapagsalita, parang hindi niya ako sariling semilya!

"Believe what you want to believe. I don't care about your opinions. I know myself. Kilala ko ang sarili ko at wala akong kailangang patunayan sa inyo. In the end, it's your opinion that matters to you." nakita ni Ellie ang liyab sa mata ng ama nito.

"You're unbelievable!"

"You the one who's more unbelievable, dad!" isang malakas na sampal ang iginanti ng ama niya, dahil sa pagtaas ng boses niya.

Durog na nga ang puso niya, lalo pa itong nadurog. Ipahiya siya nito sa bahay sa harap ng ex niya. Sa pinsan niya at sa mga kaibigan niya, pero sa harap ng lahat ng schoolmates niya dito sa school niya?

This is too much. Her dad is too much. Hindi na niya binigyan ng kahihiyan si Ellie sa lahat. Ayos lang sana kung silang dalawa lang. Kaya niya pa, eh. But to slap her infront of everyone? Parang inalisan na rin siya ng hiya.

"I thought you're going to say sorry after you slapped me, dad. 'Cause that is what parents do after they were carried away. But I was wrong. I cannot even see guilt in your eyes." tumulo ang luha niya, habang hinahaplos ang parteng nasampal niya.

If it hurts physically, multiply it to trillion times so you can get her emotional pain. The pain inside her is trillion times harder than what her skin feels.

"Why would I feel sorry for a spoiled brat like you who doesn't know how to respect?" ngumisi ang dalaga.

"I only respect people who deserves to be respected, sir." parang isang malutong na mura ang pagtawag niya ng sir sa sarili niyang ama.

"Shame on you, Ellie! Masyado kang walang modo." ngumiti ito, kahit masakit na masakit na.

"If you really taught me how to respect people, then I would have known. Thank you for taking care of me for almost two decades. I feel grateful for that. But if you are still mad, because you still blame me to what happen to mom, then sorry. I already blame myself too much. Hindi ko na makakaya if pati kayo, dadagdag pa. Sorry." nangangatog ang tuhod niya.

Hindi siya makapaniwala na nasabi niya lahat iyon ng diretsuhan sa daddy niya. Masyado siyang takot noon, pero ngayon wala na siyang takot sa balat. Naalis na nang sabihin ng sarili niyang ama na nagpa-panggap siya? Tangna.

Anak ba talaga ang turing niya kay Ellie?

"Alalahanin mo ang mga pinagsasabi mo, Ellie. Darating ang araw, pagsisisihan mo lahat ng binitawan mong salita sa akin. Magmamakaawa ka din sa akin isang araw na tanggapin kita at tulungan ka sa paraan na hindi mo kayang gawin. Sige lang. Magtapang-tapangan ka." tumango-tango naman ang ama nito.

"Lastly, I'm not pretending to be a person I'm not." tumalikod ito at akmang aalis na nang magsalita ang ama nito.

"Kapag humakbang ka palayo, tandaan mo, you will never have and use any of my money, my properties. Anak nalang kita sa papel, Ellie. I'm warning you." napatigil si Elli nang ilang segundo, pero huminga siya nang malalim at humakbang padin palayo.

She won't suffer anymore.

Bakit siya mananatili sa lugar kung saan impyerno ang nararanasan niya, para lang mabihisan, mapakain at mapa-aral siya. She can be independent! Kaya niyang mabuhay na walang suporta ng ama niya. Isang amang hindi siya itinuturing na anak.

Lumilipad ang isip niya, pero hindi nakatakas sa paningin niya ang mga kamag-aral niya puno ng pagka-disgusto sa mga mata nila. Hindi kasi nila alam ang pakiramdam na kahit hindi pa itinatakwil, parang wala na siyang kwentang tao sa ama niya.

Lahat ginawa na niya. Ang maging outstanding sa klase, magkaroon ng magandang imahe sa eskwelahan---lahat! Pero sa huli, isa parin siyang walang kwentang anak at kapatid. Kahit nagawa niya na ang lahat, hindi parin sapat.

Wala na siyang halos maluha, dahil she feels so empty. Wala ng luhang gustong mamalisbis, dahil masyado ng lumabas ang lahat ng nararamdaman niya.

Napa-upo siya sa damuhan at napakayap siya sa tuhod niya. Nakatingin lang sa malayo at walang luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

Funny na kung gaano kasakit ang nararamdaman niya, hindi naman lumalabas. Ang hirap na gusto nitong umiyak, pero walang emosyon ang gustong lumabas sa kaniya.

Kaya parang kahit ano mang oras, sasabog siya. Wala siyang mapag-labasan ng sama ng loob. Sarili nga niya hindi niya mapag-katiwalaan, ibang tao pa kaya? 'Yung mga tao pa kaya na hindi naman niya alam ang tunay na pakay sa kaniya?

Maaliwalas ang kalangitan. Hindi kagaya ng nararamdaman niya na parang may unos sa puso at isip niya. Masyadong ginimbal siya ng mga salitang lumabas sa bibig ng daddy niya. Kung makapagsalita ito, parang hindi niya ito ama at hindi siya nito anak.

"Lord, do I deserve all these pain?" napatingala siya sa langit.

"Do I deserve to be hurt like this? Kailangan ba laging ako nalang? Ang dami namang iba diyan na masasama ang budhi, ha? Bakit ako lagi? Why me, Lord..." napayuko siya at humagulgol. Finally. May luha naring lumabas sa mga mata niya.

"You don't." nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya expect na sasagot ang Diyos sa kaniya.

"Lord, give me reasons why do I deserve this and I'll stop questioning You." hindi siya makapaniwala na sinagot ang dasal niya.

"I'm not the Lord God, but I'll give you reasons why you don't deserve this. You're too precious, but they cant see your worth. There's nothing wrong about you, love. It's just that... They don't know how to appreciate you. If you feel pain, trust me, I do too, but I always tell myself people I love and loves me won't like it if I'm crying." pagkarinig niya no'n ay napabaling siya sa likuran niya.

She saw a beautiful man standing.

"So take my hand and stand up. You're too beautiful to cry, love.." hindi niya alam kung bakit niya tinanggap ang kamay nitong naghihintay sa kaniya.

Parang na-hipnotized siya.

---
What can u say? Kainis si Dad, 'no? Grrr.

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon