Chapter 11

3.8K 118 2
                                    

Ellie's POV:

"Paano ko siya mapapagselos, Elisse? Suggestions please!" Sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko.

"Huwag mo munang isipin yan, isipin mo muna kung paano mo kakalbuhin ang pinsan mong bruha na 'yon." Sabi nito kaya napatango ako.

"Tama ka, kailangan natin siyang kalbuhin. Ang sarap niyang ilublob sa kumukulong tubig, besh!" Sabi ko habang pinanggigilan ang buhok ko.

Kinabukasan, nagising ako sa likot ng babaeng katabi ko. Paano nga ba ako nakatulog sa pag galaw galaw nitong best friend ko na 'to?

Tumayo na ako at kinusot ang mata kong medyo maga nang dahil sa pag-iyak ko kahapon. Bumalik na naman ang alaala nang kahapon.

"Elisse, bumangon ka na. Kahit bahay mo 'to, dapat ka parin na gumising ng maaga." Pangangaral ko rito kaya tumayo siya kahit na nakapikit pa ang mga mata niya.

"Ano na ang plano mo, Ellie? Pababayaan mo na lang ba si Sophia na ganyan-ganyanin ka niya?" Sabi naman nito saka binuksan ang mga mata upang tingnan ako.

"Ewan ko, gulung gulo ako. Bwisit kasi na 'yan, dumating pa sa buhay namin." Sabi ko at napatingala na lamang sa kisame.

"Halika na, male-late na tayo sa school. Bilisan mo na!" Sabi naman ni Elisse nang mapansin niyang nanahimik ako.

"Lisse, pahiram muna ako ng uniform mo ha? Alam mo naman, nabasa kahapon ang gamit ko. Ang gaga ko kasi, hindi pala water proof ang bag ko tapos hindi man lang ako sumilong sa ulan." Sabi ko at natawa sa sarili ko.

"Sige, kuhanin mo nalang d'yan." Utos nito saka nauna nang pumasok sa banyo.

*dining area*

"Okay ka na ba, hija?" Daddy ni Elisse ang bumasag ng katahimikan sa hapag kainan ngayon.

"Opo, tito. I'm okay na po." I said and flashed a fake smile.

"Talaga ba?" Si Mommy naman niya ang nagtanong.

"Uhm, yes tita." Sabi ko naman rito saka sinubo ang natitirang kanin sa plato ko.

"Sabi mo eh..." Sabi nito kahit na mukhang hindi naman siya nakumbinsi ng aking sagot.

Natapos nang kumain si Elisse, tahimik lamang ito at hindi na nakisama sa paguusisa saakin, dahil alam naman niya ang buong storya ng buhay ko.

"Mom, Dad, alis na kami ni Ellie, ha?" Sabi nito habang pasakay kami sa sasakyan nila.

"Sige, ingat kayo ha? Ikaw Elisse, kapag hinanap ka ng Daddy mo saakin, sasabihin ko na nandito ka ha. Ayokong nagkakaganyan kayo ng Dad mo." Sabi nito kaya agad akong napangiwi.

"Tito... No, please. Huwag niyo pong sasabihin kay Dad na nandito ako. Incase lang naman po, incase." Diniinan ko pa ang pagkasabi ko ng incase dahil alam ko na hindi naman niya ako hahanapin.


"Bahala na sa mood ng Tita Ner mo." Sabi nito. Tinutukoy niya ang Mommy ni Elisse.

"Sige, Dad. Alis na kami. Malelate na kami, oh!" Sabi ni Elisse saka naman niya isinara ang pinto ng kotse.


*at school*

"Late na tayo." Sabi ko habang papasok kami ng gate.

Wala na kasing gaanong estudyante na nakalabas sa mga hallways eh. Lahat sila nasa loob na ng mga classrooms at tahimik na nakikinig at minsa'y natutulog.

"True. Naku, terror pa naman ang first subject natin. Tara na!" Sabi nito at nagmadali sa pag akyat sa third floor pa naman na room namin.

Nakarating kami sa labas ng pinto na hihingal hingal. Syempre, takbuhin ba naman namin ang mga hagdan? Sakit sa paa, pagod pa.

Naku naman kasi!

"Ikaw na kumatok, ako magpapaexcuse." Sabi ko rito pero napangiwi siya saka umuling.

"Ayoko, Ellie. Ikaw ang kumatok." Sabi nito saka walang sabi sabing kinuha ang kamay ko saka ginamit na pang katok sa pinto.


Bish, we're dead.

Maya maya'y hindi ang terror teacher ang bumungad saamin. It was the guy I met and the one I asked to help me make my ex jealous.

O M G!

"Why are you here?" Salitang lumabas sa mga bibig ko.

"And why are you late? As far as I can remember, class starts at 8 AM. Anong oras na? It's 8:56 AM." Sabi nito na may blankong ekspresyon.

"And who are you to question me? You're not even our teacher! Move, dadaan kami." Sabi ko kaya naman ngumisi siya.

Sht!

Bakit ba ang hot niyang tignan? Sana huwag siyang tumabi.... Ganda ng view eh.

"I hope you face your consequences for talking to me like that, Miss." Sabi nito kaya tumawa naman ako na puno ng sarkasmo.

"In your dreams, boy." I said popping the 'b' of the word boy.


"Okay. There." Tumabi siya at iminuwestra ang mga kamay para papasukin kami.


Ako namang si ganda, nag chin up pa at pumasok ng walang sabi sabi.


Pagpasok ko, lahat ng mga nasa room ay nagbubulungan sa ginawa ko. Una dahil narinig nila ang pinag-usapan namin dahil sa lakas ng boses ko at ikalawa dahil sa pangmalakasan kong chin up.

Sht, what did I do?

----
Sorry for the long long long time before the update.😰

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon