Chapter 1

15.2K 432 22
                                    

#OMMEJCHAPTER1


Ellie's P.O.V.


"Babe, are you hungry?" tanong ko kay Blade habang siya ay nakatutok lang sa cellphone nito. Hindi niya ako pinapansin.

"No." tipid na sagot nito.

Well, sanay na ako sa pakikitungo niya sa akin. He's been always like that when he's mad at me--- no. Kahit nga minsan na wala akong ginagawang masama, he's acting cold too.

I hugged him, kaya napatingin siya sa akin na busangot ang mukha. Agad kong hinalikan ang pisngi niya at nginitian siya.

"Are you mad at me? Sorry na kasi." Nag-puppy face ako at hinalikan ulit siya sa pisngi.

"As if naman na matitiis kita, 'no? Come here!" sabi nito at niyakap ako pabalik.

"Aw, that's why I love you so much, babe." hinalikan niya ang labi ko.

Nasa condo niya ako ngayon, habang nanonood ng movie na Papertowns na ako lang naman ang may gusto, kaya naiinis siya at ganun na nga ang nangyari.

Mabilis niya akong napapatawad, hindi niya ako natitiis, lagi siyang nagti-text, napaka sweet niya, kaya niya ang hintayin nang matagal at may respeto siya saakin...

NOON.

All of those were just part of my happy memories with him. I'm just daydreaming. I am daydreaming being happy with my boyfriend... hoping we'd always smile and laugh at everything...

Kaso wala na. He's cold. He changed and I can't think of anything for me to bring back the old Blade.

My Blade...

Ano ba kasing wala ako na meron ang ibang babae?

I question myself everyday kung saan ako kulang. Sa pag-aalaga ba? Sa pag-intindi ba? Hindi ko alam. Am I being less or am I being full that he's starting to get tired of me?

I guess... people change. Pero choice naman nila 'yun kung babaguhin nila ang sarili nila, eh. One of their options is to change for the better or for the worse. Sadly, most people choose to change for the worse without even realizing it, kaya gagawin ko ang lahat para maibalik ang lahat sa dati.

Para maibalik kami sa dati.

"Miss Ellie, ano nga ba ang masasagot mo sa tanong ko, ngayong nakatunganga ka lamang diyan, aber?!" it was my terror teacher na si Ma'am Mashu Ngit.

"Sorry, Ma'am.." napayuko na lamang ako. Alam ko naman kasi na wala akong panalo sa isang katulad niyang sa Principal's Office kumakapit.

Tss!

Natapos ang klase. Nakinig naman ako sa boring na subject na History. Halos amagin na ako, dahil parang ang dalawang oras na klase namin ay parang isang daang taon na ang lumipas.

"Ellie! My loves!" sigaw ng bestfriend kong si Elisse, habang tumatakbo palapit saakin.

"Lower your voice! My gosh." at inirapan ko siya.

"I saw your boyfriend with her classmate..." natawa naman ako.

"Lisse? Are you nuts? Gusto mo bang sugurin ko ngayon din si Blade, dahil lang kasama niya ang kaklase niya?" humalakhak naman ako sa tinuran niya.

Although he's cold, I will never get jealous of him being with his classmates. They know me. Alam nila na boyfriend ko si Blade and they will not even try to smile sweetly at Blade.

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon