Chapter 34

1.2K 26 10
                                    

Hindi maintindihan ni Ellie kung ano ang dapat niyang maramdaman. Masyadong magulo ang mga iniisip niya. Hindi niya na alam kung sino ang paniniwalaan niya.

"Oh, God... Why are you always picking on me?" Wala sa sariling tanong niya sa Diyos habang nakatulala sa ceiling ng kwarto. Hindi niya matantsa ang tingin sa kaniya ng Daddy niya, kaya iniwan niya ito matapos niyang ipa-alam rito kung nasaan si Grey.

"Why would he do that..." at tumulo na ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya. She's too tired to cry, but she did anyway. Siguro hindi pa ubos ang luha niya kaya heto na naman siya, nasasaktan na naman.

Heto ang dahilan kung bakit takot na takot siyang maging masaya. Na natatakot siya sa mga oras na parang umaayon ang lahat sa mga gusto niya, kasi darating at darating sa point na heto. Talo na naman. Na akala niya maaabot niya na ang finish line, pero may pumigil na naman.

Agad na tumayo siya at kinuha ang cellphone niya. Hindi niya kayang ganito. Na mababaliw siya kaiisip kung bakit hindi siya sinabihan ni Grey na kasama niya si Sophia the impostora.

Pero baka sinisira lang ng Daddy mo si Grey sa'yo? — ito ang munting tinig na galing sa kabilang banda ng utak ni Ellie. Na baka niloloko lang siya ng Daddy niya. Na baka nagkataon lang na may ginawa si Grey na importante at sumabay naman ang Daddy niya na walang ibang alam kung hindi gawing malungkot ang buhay niya.

"Tama. I trust my Cal. He would never do anything to hurt me." Pagkausap niya sa sarili niya habang hinahanap ang numero ni Callum Grey sa kaniyang cellphone upang tawagan ito at tanungin kung ayos lang ba siya o kung kumain na ba siya.

Ngunit pagkalipas ng isa, dalawa, tatlo hanggang sampung tawag ay walang nagtangkang sumagot. Nag-isip siya ng paraan para libangin ang sarili niya, dahil sa puntong ito ay baka mabaliw siya kakaisip ng dahilan.

Agad na tumayo siya at lumabas tungo sa kusina. Wala sila Elisse at ang Daddy niya dahil may inasikasong importante at ang Mommy lang ni Elisse ang nasa bahay kasama si Ellie and that explains kung bakit nakapasok na naman ang Daddy niya rito.

Pagdati niya rito agad na tinanong siya ng Ginang kung ayos lang ba siya at hindi na siya nag-abalang magsinungaling at sinabing hindi siya okay. Walang namutawing salita sa mga labi ng Mommy ni Elisse, bagkus at ipinaghanda siya ng pagkain nito at nagpaalam na maliligo muna.

This is what she needs. Peace.

Pinilit niya paring kumain kahit hindi naman siya nagugutom, dahil kailangan niya ng lakas. Mukhang buong gabi na naman siyang hindi matutulog nang dahil sa pesteng anxiety na meron siya.

Pagkatapos niyang kumain, nilinis niya ang mga pinagkainan niya at dumiretso sa sala at nahagip ng mata niya ang telephone ng bahay nila Elisse.

Bigla niyang naisip na tawagan si Grey mula dito. Alam niyang napakatanga kung gagawin iyon dahil may load naman siya, pero gusto niya lang subukan.

Ellie dialed Grey's number on the telephone at nagsimula itong mag ring. Natapos ang isang call na walang sumagot sa telepono so she guess Grey's phone is really unattended. Akmang aalis na siya sa sala nang mag-ring ang telephone.

Agad niya itong sinagot sa pag-aakalang isa itong call mula sa trabaho ng mga parents ni Elisse nang makarinig siya ng isang pamilyar na boses. Parang nabingi siya na hindi niya marinig ng maayos ang sinasabi nito. Parang flatline ng isang ventilator lang ang naririnig niya. She can't focus. She's too distracted with her thoughts.

"Grey..." she finally said and silence was filled the other line.

"Grey... is that you..." ulit nito nang makarinig siya ng boses ng isang babae. Hindi lang ng isang pangkaraniwang babae. Ang babaeng gusto na niyang ilibing na buhay.

"A-Are you with... S-Sophia..." she asked. Napaupo siya sa couch habang hawak ang telephone. Nanghihina siya.

"Phia—"

"Yes?" she answered not knowing she's not the Phia he's talking about.

"Let me take this call, Phia, okay?" Boses iyon ni Grey habang kausap ang Phia na impostorang kilala niya. Narinig naman niya ang halinghing ng babae sa kabilang linya na naging dahilan ng biglang pagkamatay ng tawag.

What the fuck did just happened?

Dahan dahan niyang naibaba ang telepono. Kakakain niya lang, pero pakiramdam niya ay wala siyang lakas. Gusto niyang isuka lahat ng kinain niya nang dahil sa hindi niya masikmura na hindi man lang siya nakarinig ng kahit ano mula kay Grey.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch at dinala siya ng mga paa niya sa labas ng bahay. Lakad lang siya nang lakad. Hindi niya alam kung saan saan na siya napupunta, basta sinusundan niya lang ang mga paa niya.

Doon, hindi niya namalayan na hawak niya na pala ang cellphone niya habang in-call si Ruzle. Ilang minuto lang, natagpuan niya si Ruzle na hingal na hingal habang yakap siya nito. Nasa harapan niya ito at mukhang alalang alala sa dalaga.

"Ellie! Muntikan ka nang mahulog sa butas!" Nang dahan dahan niya itong tignan, muntikan na nga siyang mahulog sa butas kung hindi lang siya nahila ni Ruzle na mukhang hindi nakuhang i-stan ng maayos ang motor nito dahil nakatumba ito ngayon sa kalsada.

"Are you out of your mind... bakit wala ka sa sarili mo..." he softly asked her. He's so calm, kahit na mukhang naiinis ito na wala si Ellie sa sarili niya.

"Ruzle..." tinignan naman ni Ellie ang binata at nakita niya ang mga mata niyang puno ng pag-aalala.

"Yes? You can talk to me..." sabi naman nito kaya ang kaninang tuyo niyang mga mata ay biglang namasa at humagulgol siya. Niyakap siya ni Ruzle at kinulong sa mga bisig niya. Nasa tabi sila ng daan habang humahagulgol habang yakap siya ni Ruzle.

"Cry all you want..." he caressed her back and hugged her even tighter. He said cry all you want and she did. Umiyak siya lalo sa mga hawak ni Ruzle sa kaniya that felt comforting. She felt safe and relaxed na she's too comfortable crying in his arms.

Gabi na at tuyo na ang mga mata niya. Namamaga ito at mapula. Barado rin ang ilong niya. Tapos na siyang umiyak, pero nakakulong parin siya sa mga bisig ni Ruzle. She didn't complain about it. Masyado siyang pagod. Tulala lang siya habang iniisip lahat. Ni wala pa siyang nakukwento kay Ruzle kahit na magda-dalawang oras na silang nakaupo sa tabi ng daan habang magkayakap.

"Do you want milktea?" He asked and Ellie looked up to Ruzle at dahan dahang umalis sa pagkayakap.

"Do you want milktea? My treat." Hindi parin nagsasalita si Ellie, kaya tumayo bigla si Ruzle at hindi niya inaasahang bubuhatin niya ito na parang isang bagong kasal.

"Hey. Ibaba mo'ko!"

"I know you like something to drink right now, huwag ka na magsalita. I'll just take you there." Agad namang napangiti ng kaunti si Ellie.

Dahan dahang ibinaba siya ni Ruzle at itinayo ang motor. Sumakay si Ellie rito matapos siyang pasuotan ng helmet ni Ruzle. Akmang aalis na sila nang may humarang sa dinaraanan nila.

It was a guy almost catching his breath na parang tinakbo ang buong subdivision.

"Ellie..."

"Grey..."

——

Hello! Omg, na-update ko dalawang on going stories natin. I'm so happy! Sana always ano? Hahaha! I love you all! Enjoy ;)

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon