Chapter 21

2K 65 1
                                    

Habang ginagawa ni Ruzle ang essay ni Ellie, narinig niyang bahagyang humilik ang dalaga. Yes, she's sound asleep and she's cute. Napangiti siya nang makita niya itong natutulog ng mahimbing.

Malapit ng matapos ang isinusulat niya. Essay and other forms of writing is his hobby and maybe his passion, so walang kahirap-hirap niyang tinulungan si Ellie.

Hinawi ni Ruzle ang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha ni Ellie at inilagay iyon sa likod ng kaniyang tenga.

Bahagyang gumalaw ang dalaga, kaya nabigla si Ruzle. Nang hindi naman ito nagising, kinurot ng bahagya ni Ruzle ang pisngi niya atsaka humiga rin sa kamay niya upang maka-harap ang mukha ni Ellie.

Lumipas lang ang mga ilang minuto ay nakarinig siya ng mga yabag papalapit sa kwarto kung nasaan sila. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babae na may kasamang lalaki.

Nanlaki ang mga mata niya at dahan-dahang tumayo, para hindi magising si Ellie.

Pilit niyang inaalala kung saan niya nakita ang lalaki, pero hindi niya maisip. Pamilyar ang mukha nito sa kaniya.

"S-sino ka? Bakit ka nandito sa kwarto kasama si Ellie?" It was Elisse who asked him politely and calm. Akmang sasagot pa lamang si Ruzle nang nilapitan siya ni Grey at nagtagis ng bagang sa harapan niya.

"You do think that a boy and a girl in one room alone is not a good image, right?" Tumingin si Grey sa ibang direksyon na para bang pinipigilan ang galit nito.

"We're not doing anything wrong. I was just helping her with her essays and she fell asleep—"

"Just answer my question." matigas ang pagkakasabi ni Grey no'n.

"I do, but I don't care. She's a friend and only people with dirty minds ang mag-iisip ng masama." tumawa si Grey sa sagot ni Ruzle, pero peke iyon. Malamang.

"But the girl you're calling your friend is my girlfriend. Mine." madiin ang pagkasabi ni Grey sa huling salita.

Napatango naman si Ruzle. Now he understands kung bakit ganito maka-asta si Grey sa kaniya.

"Well, sorry. Hindi niya kasi na-kuwento na may boyfriend siya.." nagkibit-balikat lamang si Ruzle.

"At ngayong alam mo na, makaka-alis ka na." itinuro ni Grey ang pinto gamit ang pag-ismid, pero nanatiling nakatayo si Ruzle sa tabi ng tulog na si Ellie.

"I'm not yet done helping her work, so kung pwede, ikaw ang umalis." umupo ulit sa upuan si Ruzle na hindi man lang natinag sa sinabi ni Grey sa kaniya.

"What did you say?" nagpipigil ng galit si Grey.

"From what I can see, you're a useless boyfriend so far." napasakmal si Grey sa kamao niya at kinwelyuhan si Ruzle sanhi para mapatayo ito.

"Walang hiya ka pala, eh—" akmang susuntukin na ni Grey si Ruzle, pero napigilan iyon ni Elisse.

"Ano ba kayo?! Kung mag-aaway kayo, doon kayo sa labas ng bahay! Don't make a scene here sa loob ng bahay, dito pa sa kwarto ko! Para kayong mga bata!" malakas ang pagkakasabi ni Elisse.

Sa buong buhay naman ni Grey, hindi siya nakialam sa mga bagay na wala naman siyang kinalaman. Hindi pa siya nagsinungaling kung hindi kailangan.

"Elisse naman! Ang ingay... fuck." hindi natuloy ang sasabihin ni Ellie at napamura na lamang nang makita niyang kinukwelyuhan ni Grey si Ruzle.

"Ano ba, Grey! Bitawan mo nga siya!" nabigla naman si Grey sa posisyon nila kaya agad niyang naitulak si Ruzle.

"Hey, Ellie. I'm sorry it's my fault. Uuwi nadin naman ako. Tapos na 'yung essay. If you have any questions, you can call or text me. Isinulat ko 'yung number ko sa paper mo." nag-alala naman siyang tinignan ni Ellie.

"Are you sure?" tumango naman ito.

"Okay, hatid na kita sa labas." nilagpasan niya si Grey na para bang hangin lamang siya at nagtuluy-tuloy sa labas.

Paglabas ni Ellie, sumama sa kaniya si Elisse kaya naiwang mag-isa sa kwarto si Grey. Hindi niya alam kung bakit napadako siya sa study table, pero pagdating niya roon ay nanggigil siya nang makita ang numero ng Ruzle na 'yon.

Kinuha niya ang cellphone niya at agad na isi-nave ang number. Swerte naman na lapis ang ipinagsulat nito, kaya pulido niya itong binura. Natawa siya sa ginawa niya. Nagmukha talaga siyang selosong boyfriend.

Agad siyang umalis sa pwestong iyon at umupo sa couch na kaharap ng kama ni Elisse kasabay ng pagpasok ng dalawa sa kwarto. Naka-pamewang si Ellie sa kaniya, kaya umiwas siya ng tingin.

"Why are you here? And you even did that to him?" napakamot sa likod ng ulo si Grey which Ellie find it cute. Itinago ni Ellie ang mga ngiti niya, dahil she supposed to be mad at him right now.

"I'm gonna get some snacks for him, gonna be back." lumabas ng kwarto si Elisse. He's saved.

Maski si Grey, hindi niya alam kung bakit nandito siya ngayon. Ang alam niya lang, he was just on his bed, thinking about Ellie if she's alright. Ilang beses na nitong itinanggi sa sarili niya na wala siyang pakialam sa nararamdaman ng babae, but he failed. Meron siyang pake.

She's a friend that's why I'm worried. kumbinsi siya sa sarili niya at huminga ng malalim.

"Hello? I'm asking you! Grey, why are you here? Do you need anything?" umiling siya atsaka napasandal sa couch.

"I just need to see you." parang bombang sumabog ang puso ni Ellie. Hindi siya makapaniwala.

"A-ano?"

"I already said it. Should I repeat it?" tumango si Ellie habang pigil parin ang hininga.

"Well, I saw Elisse on my way home and gave her a ride here." napa-iling si Ellie at dahan dahang napatango.

She may admit it or not, but she's disappointed that she misheard him for saying he need to see her. Sayang. Kinilig na pa naman siya. Ang sakit maging asyumera.

"Oh.." it's not her intention to sound disappointed, but with his answer, she was.

"Correct me if I'm wrong, but.. are you disappointed with my answer? You're expecting me to say something bomb, aren't you?" tinawanan siya ni Grey and surely his laugh is extraordinarily hot and cute at the same time.

"Huh? Me? Disappointed? Nek-nek mo, Grey! I would never expect something from you. Ne...ver." inismiran niya ito at itinabi ang mga gamit niya para sa school at nilagay sa isang shelf.

Bumukas ang pinto at pumasok si Elisse na may dalang fastfoods na mukhang galing ng drive thru.

"Dala ni dad. Kain muna tayo. I'm hungry." kumain naman sila para maka-iwas sa awkwardness.

"So... Grey, right? Why did you come from all over from Pampanga to here in Manila? I never expect na maaabutan kita sa gate, ah? You were so cute walking back and forth thinking if mag-do-doorbell ka ba or not." nanigas sa upuan si Grey at muntikan ng mabilaukan sa sinabi ni Elisse.

Inabutan siya ng sprite ni Ellie na may ngiti sa labi.

"Assuming pala, ah..."

___

Sorry and thank you for everything! Happy almost 40k followers! I'm planning to make a youtube video answering questions from you. Personal man or about my writings. So you can ask me some questions here now! 🤗🌻

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon