Hindi maka-hinga si Ellie. Masyadong siyang naguguluhan sa mga pangyayari.
"CAL, HELP ME!" her skilled swimmer cousin shouted again for the nth time.
Ang daming tanong ang pumasok sa isip ni Ellie. Gustong gusto niyang umiyak, pero hindi niya kaya, dahil siya'y nakalubog na sa tubig. Nawawalan na siya ng hininga, dahil halos mag-iisang minuto na siyang palalim nang palalim.Maya maya pa'y naramdaman niyang may kamay na humila sa kaniya pataas. Hindi niya maaninag kung sino ito, dahil
hinang-hina na siya at nanlalabo ang paningin niya.Nang madala siya sa dapampsigan, parang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Hindi siya nawalan ng malay, pero nananatili parin siyang nakapikit, dahil wala siyang lakas para igalaw ang anumang bahagi ng katawan niya.
"Ellie, open your eyes... Ellie..." she forced to open her eyes, kahit na mabigat ang mga talukap nito. Sinalubong siya ng tingin ng lalaking hindi niya inaasahang makita.
"Ruzle..." there is a hint of disappointment in her voice, because she may admit it to herself or not, she was expecting to see her first love, Cal...
"Yeah? Are you okay?" He looks so worried at her.
"I'm o-okay.. Thank you for saving my life." He shook his head.
"Don't thank me for saving you. Anyone would do the same things if they were in that situation." Parang biniyak ang puso niya, dahil kung gagawin iyon ng lahat, bakit hindi siya nagawang sagipin ni Grey— Cal?
Ah, kasi sinagip niya si Phia. Mas pinili niyang unahin ang nakilala niyang Phia.
Tumingin siya sa paligid at nakita niyang binuhat ni Grey si Sophia ng bridal style at naglakad palayo sa dalampasigan. Parang sinasakal ang puso niya.
Gusto niyang ilibing ng buhay ang pinsan niya. Gusto niyang magmura ng malakas, pero wala siyang lakas para gawin 'yon.
Masyado siyang mahina para magawa ang kung anuman ang gusto niyang gawin.•••
"Anong nangyari? Bakit ka ba kasi nahulog dun? Paano na lang kung hindi ka nasagip nitong si pogi?" It was her best friend, Elisse na nanenermon sa kaniya.
Nandito sila ngayon sa isang villa na hindj niya matukoy kung kanino. Alam niyang villa ito nila Elisse, dahil suot niya ang damit nito.
"It's a long complicated story. Nanghihina ako, I don't wanna talk about it, Lisse.." nalungkot naman ang best friend niya. Naiinis siya sa sarili niya na hindi niya kayang mag-open lang basta-basta ng kahit ano sa best friend niya, kahit alam niyang mapagkakatiwalaan ito at makakatulong sa kaniya.
Wala, eh. Sobrang hirap ilabas lahat ng naiisip at gusto mong sabihin, kahit na kaibigan mo 'yung isang tao. You just don't have the energy to talk about your problems.
"Nagpunta si Professor David kanina dito to check you out. Nilalagnat ka tapos nasugatan ka rin sa binti. 'Yung Ruzle naman, umalis saglit to get you some food para daw makakain ka once na nagising ka." Tumango si Ellie at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga.
Napansin naman niya ang mga mapang-husgang tingin ni Elisse.
"No, Lisse. Tigilan mo'ko sa mga tingin mong 'yan. He's just kind and friendly." Her best friend laughed.
"I am not even saying anything. You're being so defensive, girl..." Ellie rolled her eye balls.
"Inuunahan lang kita. Alam ko na kasi na tingin pa lang, jinujudge mo na agad ang pagkatao ko." Napakahalakhak naman silang dalawa.
"Sino ba kasi 'yung Ruzle na 'yun—" bumukas ang pinto at inuluwa non ay walang iba kung hindi si Ruzle na may bitbit na paper bag sa dalawang kamay niya.

BINABASA MO ANG
Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED! #11 in TEEN FICTION⬅ Phia and Cal are childhood friends, kung tutuusin para na silang mag kasintahan sa kasweetan nila. Ngunit sa maikling panahon nang pagsasama at pagiging masaya nila... Mabilis rin nabali at nahadlangan ang...