Chapter 16

2.8K 79 24
                                    

Dinala nga ni Grey si Ellie sa paborito niyang lugar. Ito ay ang bundok. Yes. Nag-hike sila, kahit naka uniform lang.

Gustung-gusto ni Grey ang ambiance ng probinsya. Nakakarelax kasi ang mga puno. Mga huni ng ibon. Tahimik. Nakakapag-isip ng maayos. Parang nare-refresh ang utak niya kapag nakikita ang luntiang tanawin.

"Pagod na 'ko..." agad na pinunasan ni Ellie ang pawis niya na namuo na sa noo niya.

Bente minutos na kasi silang umaakyat ng bundok. Malapit na sila, pero pagod na pagod na si Ellie. Matagal tagal na rin kasi mula nang makapag-hike siya.

"Ibig sabihin, hindi ka active ang body mo. Mag-excercise ka kasi. Huwag puro kain." napanganga si Ellie.

"Excuse me! Kapag ba napapagod, mataba agad? Puro kain agad? Buset ka." tumigil ito sa paglalakad, kaya binalikan siya ni Grey na malayo na ang pagitan sa kaniya.

"Hold this bag." agad namang kinuha 'yon ni Ellie atsaka tinitigan ang binata.

"Para saan naman 'to?" hindi siya nito sinagot.

"Sampa na. Baka mahimatay ka pa rito. Mas lalo akong mahihirapan 'pag nagkataon." inalok ni Grey ang likod niya kay Ellie.

"Huwag na--"

"Dalian mo na..."

"Ayoko. Lakad ka na ulit---"

"Isa.."

"Okay na'ko--"

"Dalawa.."

"Grey---"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang buhatin siya ni Grey na parang isang sako ng bigas.

"Ang kulit mo kasi." sabi ni Grey at humalakhak, dahil parang uod na binuburan ng asin ang dalaga.

"Sige, payag na ako. Ayoko ng ganito 'yung pwesto. Nalulula ako." agad namang ibinaba ni Grey si Ellie at pinasan siya.

Their first piggy back ride.

Ilang minuto pa ang lumipas at biglang huminto sa paglalakad si Grey atsaka masuyong ibinaba si Ellie sa isang malaking bato.

"We're here..." parang nalula si Ellie sa kagandahan ng tanawin.

Nawala lahat ng problema niya nang makita ang tanawin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nawala lahat ng problema niya nang makita ang tanawin.

"This is worth the hike."

"You didn't even actually hike, Ellie." natatawang sabi ni Grey sa dalaga.

"You're mean."

"I'm not. I'm just an honest person right here, who brought you to a very beautiful place on earth..." seryosong nakatingin si Grey sa langit.

He just misses someone.

Someone he loves. Someone he cannot forget.

"I've missed being with the trees, the fresh air..." napabuntong hininga si Ellie.

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon