Chapter 2

11.5K 350 18
                                    



Pumipintig nang mabilis ang puso ko, hindi ako makahinga ng maayos at parang sasabog ang utak ko dahil hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin..

"B-babe." Sabi nito kaya nabigla ako, dahil tinawag niya ulit ako sa nakasanayang tawag niya saakin.

"Upo ka." Sabi ko at inalok ko siya na ma-upo sa sofa katabi ko.

"I'm sorry for what happened earlier, I didn't mean to shout at you." Umiling ako at ngumiti.

"No, that's nothing. Sorry din I tend to over think. Akal ko, may ginagawa kayong masama nung transferee na kaklase mo. Sorry---" Ngunit 'di niya ako pinatapos.

"Wag kang magsorry sa akin, wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan nang lahat nang ito, kaya wag kang mag sorry." Sabi naman nito kaya tumango na lamang ako na parang mabait na tupa.

"By the way, where's Tito?" Tanong nito sa akin.

"He's not around yet. Mamaya pa silang 8 P.M. darating."


"Okay." Sabi nito at sumandal sa couch. Hindi ako sanay na ganito kami dahil dati hindi kami nauubusan ng pag-uusapan, bakit ngayon ay wala kaming mapag-usapan?

"I love you." I said out of the blue.

"Love you..."

Maya maya'y umilaw ang cellphone niya at nakita ko na babae ang nagflash na picture, agad naman nitong kinuha ang cellphone at sinagot ang cellphone niya.

"Excuse me." Sabi niya at lumayo sa akin, hindi pa ako nakatango ay umalis na siya. Naiwan akong nakanganga. Dati, kahit na sinong balakubak pa ang kinakausap niya ay nasa tabi ko parin siya at walang tinatago.

Nakakapanibago.

Maya maya'y dumating na si Daddy habang naka-akbay pa kay Blade. Agad akong napatayo.

"Excuse me, sa kwarto lang ako." Sabi ko at bago pa ako maka-alis ay sinakmal ni Dad ang kamay ko.


"Hindi kita pinalaking bastos, Phia!" Sabi sa akin ni Daddy habang naka sakmal parin sa braso ko.

"Nasasaktan ako." Sabi ko habang humahalinghing sa sakit na dulot nang pagkahawak nito.

"Tito, nasasaktan na po si Ellie..." Sabi naman ni Blade habang nakatingin kay Daddy.

"Wag kang makialam muna dito Blade, kailangang matuto nitong babaeng ito. Lagi na lamang niyang ginagawang bastusin ako!" Sabi nito kaya napaluha na ako dahil sa higpit nang paghawak niya.

"N-n-nasasaktan na po ako.." Sabi ko rito. Hindi ako sanay mapagbuhatan nang kamay kaya parang nanghihina ako.

"Talagang masasaktan ka sakin Ellie.." At pagkasabi niya non, lahat nang lakas ko ay ibinigay ko upang makawala at agad akong pumunta sa kwarto ko.

Nasasaktan ako dahil hindi man lang ako naipaglaban ni Blade. Ang sakit pala na umasa kang gagawa siya ng paraan para hindi ka masaktan ngunit nabigo ka kasi wala siyang ginawa.

Ang sakit umasa, sobra.

-----------

NADATNAN ko si Elisse na natutulog sa kwarto ko. Nang napalakas ang hikbi ko ay nalingat siya at biglang nagising kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.

Nakita ko ang gulat sa kaniyang mga mata nang makita niya akong humikhikbi.

"Anong nangyari?! Sinaktan ka nanaman ba ni Blade? Asan siya talagang makakatikim na siya ng flying punch." Kahit na humihikbi ako ay natawa ako nang kaunti sa sinabi niya.

"Lisse naman, hindi naman siya eh! Si Daddy nang-aano." Sabi ko kaya tinaasan niya ako nang kilay.

"Wag ka na ngang maki-uso diyan Ellie. Tanga ka na nga umiiyak iyak ka pa diyan edi mukha ka nang sinto-sinto." Sabi nito at bahagyang tumawa.

"Tanga ko nga ata talaga. Kaya siguro disappointed lagi si Daddy sa akin. Kasi nga tanga." Sabi ko at napayuko.

"Kaya wag mong araw arawin, baka maadik ka ha?" Tumango naman ako.

"Ayokong lumabas. Pag tinanong ako ni Daddy sabihin mo umalis ako ha? Pag 'di naniwala sabihin mo naman 'di ko nakayanan ang stress nagpakamatay ako, ah?" Tumawa naman ito.

"Hindi ako nag jo-joke. Sana kasi siya nalang yung namatay. Sana kasi siya nalang yung natrap sa sunog. Sana kasi.." Sabi ko at humagulgol.

"Hoy, Ellie! Wag mo ngang sabihin yan. Kahit ganyan ang Daddy mo, mahal ka niyan. Shy type lang siya." Umiling naman ako.

Mahal? Eh halos ituring na niyang anak ang trabaho at pera kaysa sa akin.

Mahal? Don't try to make me laugh in pain.

"Ganun na ba ang paraan nang pagpapakita ng pagmamahal? Sa pagsasabi nang mga salitang hindi naman tama? Sa pang-iinsulto? Sa pagkawala nang tiwala? Sa panliliit sa anak? Ganun na ba Elisse?" At umiyak ako.

Nakatulog kaming dalawa nang mahimbing kahit na delubyo ang hinarap namin.

-----

KINABUKASAN kahit natulog ako nang umiiyak kagabi ngayon naman ay masaya ako. As usual, bbong marupok na self: activated.

Lahat ng plano ko ay ayos na. Susurpresahin ko si Blade.

"Elisse, wake up! Kailangan na nating i-call ang mga sinabihan natin para sa surprise ko." Sabi ko kaya umahon na rin siya.

NAPAKAbilis ng oras, ngayon ay mag-aayos na lamang ako para sa kaniya. Bumili ako noong isang araw ng pure white fitted dress at nagsuot ng pair of pumps.

Ang balak ko lahat ng cake, letters, explosion box, baloon, greeting, and other na pang surprise ay ilalagay namin sa napakalaking box na ngayon ay gawa na.

Isusurprise ko siya sa condo niya, at excited na ako dahil malapit na akong makarating doon. Hiindi ko sinabi na pupunta ako kaya, tiyak na masu-sorpresa siya sa akin.

Malapit lamang ang condo niya sa bahay namin kaya sa konting panahon ay ligtas kaming nakarating. Wi-nelcome ako ng mga staffs, dahil sina Blade ang may-ari nang condominium na ito.

"Hi, Ma'am!" Bati ng receptionist na si Haidee.

"Hello, nandiyan ba sa taas si Blade?" Tanong ko rito at tumango naman siya.

"Wow ma'am! Anong meron? May pasabog ata? Ang laki ng box na 'yan ah? Baka 'di po magkasya sa pinto." At nakihalakhak naman ako sa kan'ya.

"Osige na, panhik na ako, ah? Kita nalang tayo later. Wish me luck!" Sabi ko sabay sibat.

Nadala na ako ng elevator kasama ang isang malaking box sa 15th floor na kung saan nanduon si Blade. Habang papalapit ako tulak-tulak ang box ay di ko mapigilang hindi ma-excite. Hindi ako nagpasama kay Elisse dahil sabi ko ay ako nalang mag-isa.

Nang nakarating na ako ay kinapa ko ang spare key ko sa bulsa at dahan dahang binuksan ang pinto. Nang makapasok ako, isang hindi pamilyar na amoy ang sumalubong sa akin.

"Nagbago na ba siya ng pabango?" Pabulong na tanong ko sa sarili ko. Naging tahimik at hindi nakagawa ng ingay ang pagpasok ko. Wala siya sa sala kaya agad akong pumunta sa kwarto niya.

Binuksan ko ito dahil hindi ito naka lock.

"Happy Anniversar---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang napanganga ako sa nakita ko. 

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon