Chapter 4

10.1K 347 74
                                    

#OMMEJChapter4

Literal na napa-awang ang mga labi ko nang makita ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali.
Sigurado akong siya ito!

Ang mga mata niya... wala itong katulad. Tanging siya lang ang merong ganoong mata na nakita ko. Malungkot, pero kalauna'y magiging malamig at mahirap basahin, walang iba kung hindi ang lalaking naghatid sa akin sa bahay na hinihiling kong hindi ko na makikitang muli!

Ano ang gagawin ko?!

Nasa bato ang kaniyang tingin na kalauna'y nag-angat din ng tingin sa akin. Nagpanggap akong hindi ko siya nakita at agad akong tumalikod rito para hindi niya ako mamukhaan.

Paimple akong naglakad paalis, ngunit sa direksyon na pupuntahan ko ay kitang kita ng dalawa kong malilinaw na mata si Blade na may kalantari na naman. And surprisingly, kasama niya ngayon ang babaeng kasama niya noong araw ng anniversary namin ay ang babaeng nakalingkis sa kaniya ngayon.

Ayokong magmukhang kawawa. Kung hindi ako titigil sa paglalakad, makikita nila ako. Kung basta basta naman ako liliko'y mahahalatang sobrang affected ako. Tanginang buhay 'to, nakakastress!

Nakita ko ulit kung paano mang-inggit ang babaeng naglalakad na pulbos. Gusto ko siyang ipahiya, sabunutan at tadyakan hanggang sa mamatay kaya lang baka ma-suspend pa ako dahil sa walang hiyang babae na 'to. She's not worth the consequence. Kaya paglabas nalang ng school ko gagawin 'yon.

Para safe :)

Sa ngayon, kailangan kong gumawa nang paraan.

Tama, tama ang naisip ko— joke. Hindi! Hindi pwede, hindi ko siya pwedeng balikan— hindi ako nakinig sa utak ko, namalayan ko nalang na naglalakad ako pabalik, or should I say, patalikod. Wala na rin naman siguro yung lalaking iyon eh---

"Ouch!" I loudly said nang mag-bounce ako pabalik.

"Aray!"

"Tanga." Agad nanlaki ang mga mata ko nang narinig ko ang boses niya. Kung kanina'y sigurado akong siya ito, ngayon namay sobrang sigurado na ako, dahil boses palang niya'y nakakapanghina na.

And I'm not even kidding or over reacting!

"Wow, nagsasalita ang pader." Sabi ko, pretending not to notice him. Bigla akong humarap at sa pagharap ko ay naka kunot-nuong sinalubong ako ng lalaking walang ekspresyon sa mukha.

"Shit..." I cussed at napatakip ako sa bibig ko nang ma-realize kong minura ko siya harap-harapan.

"Sorry, I-I gotta go." I was about to run, when he hold me back.

"Stay." Sa sinabi niyang iyon ay hinila niya ako papalapit sakanya kaya na-out of balance ako at nasalo niya ako. Like in fairytales I've read, romantic movies I've watched. He's holding me like a princess who's nearly falling to the ground. This is heaven---

"ARAY!" Malakas na sigaw ko nang buong katawan ko na ang humilata sa sahig.

He just f ucking dropped me after holding me for a couple of second! Damn.  Ang sakit kaya! Nakaka-hurt!

"Huwag ka ngang pabebe diyan. Life isn't fairy tale. Huwag kang mangarap ng gising." Sabi nito gamit ang malamig na boses.

PABEBE

Nalala ko na naman nang tinawag akong pabebe ni Blade. Maliban sa pagpapakipot ko sa virginity ko, he cheated on me because he's tired of me.

Tumulo ang luha ko at napayuko. Kahit kanino, isa akong disappointment. From my dad, to my boyfriend hanggang sa ibang taong kakakilala ko lang. Lahat sila ayaw sa akin. I thank God he gave Elisse to me. She's all I have na alam kong hindi mapapagod umintindi sa akin.

Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon