"You're ugly when you cry."
Nabasag ang katahimikan nila sa sinaabi ni Grey. Oo. Si Grey ang nag-abot ng kamay sa kaniya nang umiyak siya.
"Tigilan mo'ko. I'm not in for jokes right now." natawa naman ang binata.
"I'm not even joking. Panget ka talaga---kahit pala hindi ka umiiyak, pangit ka na agad." binatukan niya si Grey, pero kalaunay humingi din ng tawad, dahil masakit ang naging pagbatok nito sa kaniya.
She's still not okay. Her heart is still in pain. Of course, this father-daughter relationship break up is more than any relationship break up. Ang daddy nalang niya ang meron siya dito sa mundo, inabandona pa siya.
Pero wala siyang karapatan na sumbatan ang dad niya, dahil siya mismo ang lumayo, pero kasi... Her dad could've stopped her, hindi ba? He could've persuaded her to go home.
"Are you okay?"
"Yeah."
"Of course, people who are in pain are the best liars in the world."
"I'm not lying."
She sigh. She wished that she's really not lying when she said that she's fine.
"I'm taking you home."
"I don't wanna go home. Ibaba mo nalang ako sa tabi." umiling si Grey. Ibig-sabihin, hindi siya puwedeng bumaba.
"Grey..." tinignan siya saglit nito, pero nag-focus ding muli sa daan.
"Hmm?"
"T-thanks---"
"You don't need to thank me. Nakakatawa ka nga nung umiiyak ka eh. Mukha kang basang sisiw na nakasalampak sa daanan." imbes na magpasalamat siya, namula ang mukha niya sa inis kay Grey.
"Nakakainis ka."
"I was born to tease, Ellie."
Nag-iwas ng tingin si Ellie at tumingin sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung bakit bumilis ang tibok ng puso niya sa simpleng pag-sabi ni Grey ng pangalan niya.
Itinuro ni Ellie ang direksyon ng bahay nila Elisse, atsaka naman siya hinatid ng binata. Medyo malayo sila, dahil nag-drive lang kung saan saan si Grey kanina. Isang oras na rin silang nasa sasakyang dalawa. Hindi namalayan ni Ellie na nakatulog na pala siya sa biyahe.
Napangiti si Grey. After so many years, ngayon na lang ulit siya kumausap at tumulong sa babae. He's so proud of his self.
Habang tulog si Ellie, narinig ni Grey ang mga halimaw na nasa tiyan ng babae na sumisigaw. Marahil hindi pa ito kumakain mula kanina or sadyang gutumin talaga ang babae.
Hindi nagdalawang isip si Grey na lumiko sa drive thru, upang mag-order ng mga pagkain. He ordered drinks and snack not just for him, but for the girl beside him. Nang maka-order siya, inilagay niya muna ito sa backseat atsaka na muling nagmaneho.
Naging tahimik lang ang biyahe. Narating niya ang address na ibinigay ni Ellie ng walang hirap. He decided to wake Ellie up, dahil nandito na sila sa labas ng bahay.
"Hey, cry oldie, wake up." niyugyog ni Grey ang balikat ni Ellie, pero walang epekto.
"Cal..."
"Hey, Ms. Ellie, wake up." niyugyog niya muli ang balikat nito, ngunit may puwersa na ngayon.
"Cal... I miss you.." hindi maintindihan ni Grey ang huling sinabi ni Ellie, kaya tumaas ang kilay niya at naisipan na gulatin ito.
"Ellie!"
"Cal!"
Nagising si Ellie nang humihingal na parang galing sa isang marathon. Napahawak pa ito sa kanyang dibdib na nagta-taas baba.
"Nightmare?"
"No! Obviously, you startled me!" sabi nito atsaka sinimangutan si Grey. Nang lumingon siya, napansin niyang nasa labas na sila ng bahay ng bff niya.
"Bababa na'ko, ha?" akmang bababa na siya nang higitin siya ni Grey at isinabit sa pulsuhan niya ang paper bag na binili nito kanina sa drive thru.
"What is this?"
'"Eat that and you don't need to thank me for everything I've done today. Pasok ka na sa bahay. Lumalalim na ang gabi." he didn't smile nor give any reaction, but her heart is pounding.
Wala sa sariling lumabas si Ellie ng kotse ni Grey. Para siyang zombie kung maglakad. Hindi na siya lumingon. Nang makapasok siya sa gate, doon niya lang namalayan na wala na pala ang sasakyan ni Grey sa labas.
What the f*ck is this feeling?
Bakit niya 'to nararamdaman?
"Hija, what are you doing there? Kanina pa kita tinitignan. Akala ko anong nangyari sa'yo. You've been there for five minutes na rin siguro. Are you okay?" it was her tita. Elisse's mom.
"Oh.. Five minutes po, tita?" hindi niya namalayan na ganoon na pala siya katagal nakatulala at iniisip hindi ang problema niya sa dad niya, kung hindi ang ginawa ni Grey.
Hindi naman niya ito nginitian or ano man, binigyan niya lang naman ito ng paper bag na hindi niya pa alam ang laman. Probably foods. Pero bakit ganito mag-react ang puso niya? Parang sasabog ito.
"Pumasok ka na. Gabi na.."
"Opo. Thank you po.." pumasok siya sa loob ng bahay na wala sa sarili.
Pagdating niya sa loob, agad siyang nagtungo sa kusina at doon binuksan niya ang binigay sa kaniya ni Grey. There is too much of foods for her. Parang ipinamukha nito sa kaniya na patay gutom siya.
But dahil sinabi nito na kainin niya ito, inubos niya ito at walang itinira sa lalagyanan. Tinapon niya na ang mga pinagkainan niya at itinabi ang paper bag sa kwarto nila ni Elisse. It's an important thing for her. May sentimental value iyon sa kaniya ngayon.
Bago pa siya makatulog, pumasok sa kwarto ni Elisse na may dalang mga gamit na nakalagay sa mga bags. Malungkot ang mukha nito at mukhang kagagaling lamang sa iyak, kaya agad na napatayo si Ellie, para daluhan ang kaibigan.
"What happened, Lisse?" naiyak muli ang kaibigan niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang yakapin lamang ito.
"What are these bags for? Huwag mong sabihing maglalayas ka..." umiling naman ito kaagad.
"These bags are yours. Your dad.. Your.. Your dad..." sinisinok na ito, dahil sa iyak niya.
"You dad send these bags here.."
Ang kaninang pusong pumipintig, parang tumigil. So her dad really abandoned her...
"I'm sure he didn't just send those.. I'm sure he just throw my things out. The word send is too good for my dad. He banish my things from our house. That's what happened." kahit may luha siya sa mata, ngumiti siya at niyakap lamang si Elisse.
"Ellie... I'm sorry if hindi kita naipagtanggol kanina sa school... Ayoko lang na lumaki pa lalo ang gulo. Nang balikan kita para samahang umuwi, wala ka na sa school.." tumango lang ako at pinunasan ang luha niya.
"You being here is more than enough, Lisse. Thank you for always being by my side. You never left me. Don't ever leave me." tumango naman ang best friend niya.
"I will not promise. I'll just do it. I will always be here for you." Elisse kissed Ellies fore head.
It's hard to find a best friend that would be with you in any situation. A friend is the one who would be there in your happy days, but a best friend is the one that would help you achieve your goal and celebrate together with you. Is the one who doesn't envy you nor bringing you down.
In short, it's hard to find a true friend, but once you've found it, it'll be one of the best happenings in your life.
--
BINABASA MO ANG
Operation: Make My Ex Jealous (ON GOING)
Teen FictionHIGHEST RANK ACHIEVED! #11 in TEEN FICTION⬅ Phia and Cal are childhood friends, kung tutuusin para na silang mag kasintahan sa kasweetan nila. Ngunit sa maikling panahon nang pagsasama at pagiging masaya nila... Mabilis rin nabali at nahadlangan ang...
