To get the physical book: shopee.ph/insanesoldier_books_and_merch
---
Date started: March 24, 2017
Date completed: April 29, 2020
Additional chapters:
Date Started: May 9, 2020Date completed: July 15, 2020
CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, and/or traumatic. Readers' discretion is advice.
***
TRIGGER WARNING: This chapter contains scene/s that may be upsetting, disturbing, and/or traumatic. Please be advised.
Prognosis:
Today's color is red.
—I. R.
__________
Nagkalat ang dugo sa paligid. Para akong naging istatwa dahil sa mga nakikita ko ngunit patuloy sa panginginig ang aking mga kamay.
Si Papa na halos mahiwalay na ang ulo sa katawan-hawak niya ang naputol na kamay ni Mama. Hindi ko na siya makilala dahil sa balat nitong natuklap gawa ng marahas na pagdila ng kutsilyo rito. Tadtad silang pareho ng saksak sa katawan. Parehas silang mabilis na nalagutan ng hininga.
Si Ate ay nasa kama, nakadapa, at wakwak ang likuran. Sa sahig naman ay ang bunso kong kapatid, may saksak sa dalawang mata at nakaawang ang basag na mga labi. Marami itong pasa sa katawan hindi dahil sa suntok kung hindi dahil sa magkakasunod na paghampas dito ng matigas na bagay. Tadtad din siya ng malalalim na laslas, waring pinagplanuhang katayin.
Hindi ko sila kayang buhatin sa loob ng maikling oras kaya hindi rin maganda ang naging mga puwesto nila. Binuhat ko si Nathan-ang bunso-at itinabi kay Ate Shen. Inayos ko ang pagkakapuwesto sa kanila hanggang sa magmukhang magkayakap ang dalawang kapatid ko. Napangiti ako habang sunud-sunod ang pagbagsak ng luha ko. Pakiramdam ko ay ngumingiti sila sa akin dahil sa ginawa ko. Close kasi sila, eh.
Sinunod ko si Papa at Mama. Kumuha ako ng unan at inilagay ito sa ilalim ng ulo nila. Mukha lang silang natutulog. They looked peaceful. Ngunit lahat ay naliligo sa sariling dugo.
Sinundan ko ang mga dugo nagkalat. Ngayon ko lang na-realize kung paano ko sila nahila mula sa living room hanggang dito sa kwarto ko. Parang ang hirap paniwalaan.
Ah, yung kutsilyo.
"Pa, Ma, Ate, Nathan..." Ngumiti ako. "May kukunin lang ako."
Pinahid ko ang luhang walang tigil na naglalandas sa pisngi ko. Siyempre, pahuhuli naman ba ako? Hindi. Hindi pwede. Ayokong maiwan dito.
Bumalik ako sa kwarto nang makuha ang patalim. Sa harap ng pamilya ko ay ipinakita ko sa kanila kung paano ko laslasin ang sariling pulso. Mahapdi. Masakit. Pero alam ko namang mas masakit ang dinanas nila. Pumatak ang dugo sa sahig. Napaupo ako. Umiiyak. Hanggang sa ang iyak ay unti-unting lumakas.
"Anong silbi ko kung wala kayo, 'di ba?" Tumawa ako. "Lahat ng demonyo, nandito sa lupa. Inunahan ninyo naman akong tumakas, hintayin ninyo naman ako."
Naglakad ako papunta sa study table. Kinuha ko yung journal ko at nagsimulang magsulat kahit nanginginig ang buong kamay ko.
Today's color is red.
Pula-dahil iyon lang ang nakikita ko. Iyon ang bumabalot sa katawan nila at ang kumukulay sa pulso ko. Pula...paboritong kulay ng mga tao. Matingkad at maganda. Simbolo ng galit at katapangan. Simbolo rin ng buhay at kamatayan.
Natawa ako sa naisip. Kung may oras lang ay gagawa ako ng tula.
Nakaramdam na ako ng pagkahilo. Ididiin ko na sana ulit ang patalim nang makarinig ako ng mga yabag ng paa. Inatake ako ng takot at kaba. Umiling ako. "Wala kayong maaabutan dito."
_____
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...