Episode 6:
"Aray naman!" Reklamo ko nang bigla na lang akong kurutin ni Cheddy sa tagiliran. I glared at her and she just laughed her ass out. "What the heck is your problem?"
"I still can't believe it!" She beamed at me. Niyugyog pa niya ako para lang ma-express talaga ang sarili na hindi siya makapaniwala. "Nakakatakot na nakaka-excite!"
"Ewan ko sa'yo, Cheddy," Nauubusang pasensya na saad ko. "Tama na, move on na."
"So, what does she looks like at home? Pang-kulto ba? Weird ba yung mga trip ni Rosendale sa buhay? Is she hiding a skeleton in her closet—"
"How should I know?" Inirapan ko siya sa mga pinagsasabi niya. "Alangang halughugin ko yung kwarto niya."
"But how is she at home?"
"Normal, I think." maikling sagot ko. Ayoko namang sabihin na pinakialaman ko yung diary ni Rosendale na may blood stain pa, or yung paglalaslas ng babaeng 'yon sa banyo. "Like, for example, she likes watching Gravity Falls."
Ewan ko ba, simula nang makasama ko sa iisang bubong si Rosendale, pakiramdam ko kahit papano, nakikilala ko na siya. Hindi naman pala siya ganoon kasama. Aaminin kong nawiwirduhan ako sa kanya kung minsan. Kasi naman, I can't really forget her diary. It's just so creepy that it's making me shiver.
Pero kung sa kabuoan, tingin ko ay aloof lang talaga siya sa lahat, iyon ay kung hindi pagbabasehan yung issue about sa namatay niyang family. Tingin ko isa rin 'yon sa reason why she's suicidal.
Pero ang hirap pa rin ma-gets kung bakit may ganoong klase ng tao. I know depression was a serious case, but why people end up hurting themselves? Was it because they feel alone? They feel sad? They feel like they're numb so they cut their skin to feel pain just to know they still exist?
"Echo?"
"Hm?"
"Natulala ka na riyan," She tilted her head. "Anong iniisip mo?"
"Wala naman."
"Sure ka? Ano nga?"
"Wala nga."
She didn't push it further. Natahimik yung klase nang pumasok sa loob ng room ang kanina lang ay pinag-uusapan namin—si Rosendale. Wala namang pakialam yung isa at dire-diretsong naglakad papunta sa upuan niya at yumuko.
She looked exhausted. Kahit no'ng nakita ko siya kaninang umaga, halatang wala itong energy. Ano ba naman kasing pinaggagawa niya sa buhay?
"Ba't mukhang pagod na pagod siya?" tanong nitong si Cheddy sa'kin. Napairap ako.
"Malay ko." Oh, please. Kahit nga ako nagtataka kung anong meron, eh.
"Magkasama kayo sa bahay tapos wala kang alam." She complained while pouting her lips.
"Close ba kami?" I asked her back. She shrugged her shoulders. "Hindi, 'di ba? Hindi ko naman siguro responsibility na alamin yung mga nangyayari sa kanya."
"Fine. Hot masyado si Echo, eh."
Hindi ko na lang siya pinansin at pasimpleng pinagmasdan si Rosendale. Nainis ako bigla sa sarili ko.
Why was I worried about her?
--
Break time. Imbes na kumakain na, ito ako't hinahanap yung suicidal na babaeng nakikitira sa bahay namin.
Hindi ko kasi nakita man lang sa canteen si Rosendale. Kung bakit ba naman kasi napakabilis niyang mawala sa classroom. Si Cheddy naman ay nauna nang umuwi dahil wala raw ang prof nila sa next subject.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...