Predisposition II:
"Kamusta ang first day ng high school mo?"
Napabuntong-hininga ako nang marinig ang familiar na boses ni Kenneth. Kakaupo ko pa lang sa sofa pero siya kaagad ang bumungad sa akin. Katulad ko ay suot niya rin ang uniform ng school na pinapasukan ko. Sinadya kong iwasan siya sa school, mabuti na lang talaga at magkaiba kami ng section kaya mas madaling magtago.
Ang alam ko ay nauna akong umalis sa kanya, so paanong nandito si Kenneth kaagad?
Inilapag niya ang dalang bag sa tabi ng akin at naupo. Ang mga bag namin ang nagsisilbing harang sa aming dalawa. Idinekwatro niya ang mga binti. Maganda ang pagkakangiti ni Kenneth pero iba ang nakikita ko sa mata niya. I really don't like him. "Masaya ba?"
"Boring." ang maikli kong sagot.
Tumawa siya kahit hindi ko alam kung anong nakakatawa. "That's very you, Rosendale."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. I made myself comfortable. Isinandal ko pa lalo ang sarili at pumikit. The class wasn't all boring to be honest. I got to meet new students like me and get friends with them. Nakakilala pa ako ng ibang estudyante sa higher year.
Sinagot ko lang talaga kay Kenneth na boring ang school para hindi na humaba ang usapan. But I enjoyed a lot. Gusto ko ang mga bagong teachers, gusto ko ang mga kaklase ko, and I'm looking forward with all the subjects.
Natatandaan ko pa ang araw na 'yon nang makita namin ni Papa si Kenneth kasama ang ama nito. He was a kind looking kid, ganoon pa rin naman siya hanggang ngayon, pero hindi ko maintindihan kung bakit may part sa akin na ayaw sa kanya.
He's creeping me out.
Ever since that day, napadalas na ang pagpunta niya rito sa bahay. He will play with my little brother Nathan who's really fond of him given na lalaki si Kenneth. Nathan can play a lot because of him. Kahit kay Echo ay nakikipaglaro siya, pero ayaw naman siyang kalaro no'ng isa. Most of the time, ganoon ang naging routine namin, Kenneth will play with Nathan and I will play with Echo.
Months after ay umalis sina Echo at ang family nito papunta sa ibang lugar. Sabi ni Papa related daw sa work. Nawalan na ako ng chance na maging connected sa kanila. Sabi ni Mama ay nakakausap niya pa rin sila once in a while, pero laging natataon na wala ako kung kailan hinahanap ako ni Echo. Hanggang sa hindi na niya ako hinahanap.
Lumipat naman ng tirahan sina Kenneth malapit dito sa amin. Papa niya lang ang kasama niya, wala akong alam kung nasaan ang Mama niya dahil hindi rin naman nababanggit. Siguro hiwalay na, hindi ko talaga alam.
"Kamusta ang school?" Napamulat ako ng mata. Nakita ko si Mama na mukhang sa kusina nanggaling. Lumapit siya sa amin. "Nag-lunch ba kayo sa school? Do you want to eat again?"
"Hello po, Tita." Tumayo si Kenneth at humalik sa pisngi ni Mama. "Nag-lunch na po ako pero pwede naman akong umulit."
My mother laughed at him. Napakamot na lang ako sa ulo. Tumayo ako dala ang bag at sabay naman nila akong tiningnan. "Kwarto lang po, Ma."
"Ayaw mo samahan 'tong pinsan mo kumain?"
"Binata na po 'yan, Ma." ang nasabi ko na lang. Kenneth was taller than me, and he's taller than a usual first year high schooler. He's thin but looked mature than his actual age. "Si Nathan po tsaka Ate Shen?"
"Iginala ng Ate mo. Naiinip ang bunso, eh." Napangiti ako nang natawa siya.
My cousin was staring at me and I ignored him. "Punta na po akong kwarto."
"Lalabas ka pa ba?" tanong ni Kenneth. Umiling ako at naglakad na.
Pagkarating ko sa kwarto ay kaagad akong humiga at inilapag lang ang bag sa sahig. Nakatingin lang ako sa kisame. Bumangon ako matapos ang ilang minuto at tiningnan ang picture namin ni Echo. It's been three years na yata. Bata pa siya masyado no'n, baka hindi na niya ako naaalala masyado.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...