Episode 10:
"Pwedeng huwag kang harang?" Inirapan ko yung lalaking muntik nang makabangga sa akin dahil sa kaharutan nila ng tropa niya. Wala naman itong sagot at basta na lamang umalis. I sighed and shook my head. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa strap ng bag ko.
"Girl, may dalaw ka ba?" nawiwirduhang tanong sa akin ni Cheddy, "I know na may attitude ka talaga pero parang nadagdagan yata. Problema?"
"Wala naman," maikling sagot ko. She just shrugged her shoulders nang wala na akong idinugtong pa sa sinabi ko. She knew better. You better behave when you encounter Echo in a foul mood.
Kahapon pa akong ganito. I've been stressed out since the last time Rosendale kissed me. Ni wala man lang siyang ginawa para linawin yung reason kung bakit niya ako hinalikan! Now it made me so damn comfortable!
Hindi ko na magawang tumitig sa mata niya ng matagal. I fltl like an idiot because I always end up staring at her stupid lips. I think she's the one who's really stupid!
Sinong matinong tao ang basta-basta na lang manghahalik? And she's been acting like she did nothing at all samantalang ako hanggang pagtulog ginagambala ng halik niya! If I can just turn back the time I won't even let her lay a finger on me.
Napailing ako. Goodness gracious. I needed to stop thinking a lot about her. Masyado na akong natatalo. Mabuti pa sigurong iwasan muna yung babaeng iyon hanggang sa maging maayos yung lagay ng pag-iisip ko.
Sinadya ko talagang pumasok ng maaga para hindi siya makasabay. My parents even asked me kung bakit ang aga ko and I just told them that I wanted to review at school kasi may long quiz kami which was somehow true. Nakapag-review na talaga ako kagabi pa.
Pero sa tingin ko kakailanganin ko talagang mag-aral ulit because thinking of her made me forget the topics that I studied. I think Rosendale was a new found virus.
Marami na ring tao nang makarating kami sa classroom. Majority were still reviewing. Halatang yung iba wala pang naaaral ni isa. College students love to procrastinate, that's for sure. Mukha lang masisipag ang ilan but what you see wasn't always the truth.
"Ikaw ba, Cheddy, nag-aral na?" I asked nang makaupo kami. Imbes na sumagot agad ay naglabas lang siya ng photocopy ng lessons namin. Hindi pa siya nakuntento at pati yung powerpoint na naka-save sa phone niya ay hinanap niya pa.
"Konti pa lang na-review ko." She said with a sigh. "Actually, isang topic pa lang naaaral ko. Binasa ko nga lang, eh."
"Kaya pala maaga ka."
"Mas madali mag-aral sa school," giit niya. "Eh, ikaw?"
"Scan na lang to make sure." I answered while fishing out my notes. Nakasanayan ko nang isulat lahat ng mga inaaral namin sa isang notebook. I always summarized the lessons kasi mas naaalala ko ito kapag sinusulat ko. "Nag-review na ako kagabi."
"Palaaral ka kahit hindi halata."
Tinitigan ko siya. "Mukha kang palaaral kahit hindi naman talaga."
She rolled her eyes at me. Pinalobo niya ang pisngi at hindi na sumagot pa. Mabuti nang mag-review na lang siya.
Mabuti na nga lang may remedial system dito sa school. Kapag bumagsak ang isang student, laging may remedial—with a different test items of course. Iyon nga lang, mababa na ang bigay na percent para do'n.
It's not made to tolerate students from being lazy kung hindi para bigyan sila ng chance na pumasa, ayon nga lang ay mas mababa na ang makukuha nila kailangan i-consider din yung mga students na pumasa sa unang test pa lang. Ang wala lang remedial ay ang mga major exams. It's a one shot try.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...