Predisposition I:
"Echo, smile!"
Hindi siya kumibo, mas lalo pa nga siyang sumimangot. Nang lingunin niya ako ay bigla siyang umirap at nag-"hmp!" ng mahina. Napakunot ako ng noo at tumakbo palayo sa kanya. "Mama, oh, si Echo."
Yinakap ako ni Mama habang tumatawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa pang-aaway ni Echo sa akin. Hindi ko naman siya inaano pero palagi na lang siyang nakasimangot. I just want to be friends with her. Ibinaba na ni Papa yung camera, kukuhanan niya dapat kasi kami.
Lumapit yung Mama ni Echo sa kanya para buhatin siya. Bumelat siya sa akin bago sumiksik sa balikat ng nanay niya. Napakamot ako sa ulo ko. She's seven already pero nagpapabuhat pa rin sa magulang.
"Echo, anak, be friendly with her." Sabi ni Tita Emi sa anak niyang masama ang ugali. "Akala ko ba friends kayo?"
"Kahapon lang, ngayon, 'di na." Narinig kong sagot nito.
Naiinis na rin tuloy ako. She was okay yesterday, tapos ngayon ganyan na naman na siya. Away-bati kami lagi dahil lang sa feeling niya unfair ako sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng magpaiwan siya rito sa amin para maglaro buong araw at may pasok siya sa school. Bakit ako ng sinisisi niya?
Sinubukan ko pa ring huwag siyang tingnan ng masama. Sabi ni Ate Shen dapat mas maging magpasensya ako dahil ako ang mas matanda. Role model ko siya kaya naman sinusubukan kong sumunod. May point naman siya, ten years old na ako, big girl na, so dapat maging ate ako kay Echo.
My Ate said na only child ang kaibigan ko kaya laging gustong pinapansin. Pinapansin ko naman siya, kaso masama talaga ugali niya, eh. Laging nang-aaway. Ang hirap maging ate. Bakit gano'n, hindi naman ako spoiled kay Ate Shen, eh. Tapos si Nathan, kaedad niya lang din si Echo, pero parang mas ayos pa ang kapatid ko sa kanya. Seven na ba talaga 'yon? She should be a big girl na rin.
"Oh, bati na kayo ni Ate Rosendale mo." Sabi ni Tito Art naman sa anak niya.
Umungot si Echo. "Hindi ko naman ate 'yang ti Wo-Lo-Lotendel, eh!"
Bakit gano'n? Seven na pero bulol pa rin. Lagi na lang siya gano'n magsalita minsan nakakainis. Kapag sinasabi niyang "sanga ng puno" lagi kong naririnig "tanga ng puno." Para namang hindi siya nag-aaral ng maayos.
"Echo, isa." Ibinaba siya ni Tita.
"Mama naman!" Pumadyak naman siya, parang iiyak na.
Doon naman ako medyo kinabahan. Mahirap pa naman siya patahanin kapag nag-start na siyang umiyak. Nilapitan ko na siya at hinawakan sa kamay. Tiningnan niya ng masama, nags-shake na yung babang lip niya. "Echo, laro na tayo, ha?"
"Ayoko nga ta'yo!"
Napakamot ako sa ulo. "Kain tayo, gusto mong kumain? Lilibre ka ni Ate Rosendale mo."
"Marami?"
"Eh, basta kaya mong ubusin." Tumingin ako kay Mama, tumango lang siya. Nakita ko pang sumilip sa amin si Ate Shen na tingin ko ay kakalabas lang ng room niya. Si Nathan naman kasi ay kanina pang tulog. Mahilig matulog. "Saan ba gusto ni Echo? Hm?"
"Dalibi."
"What?"
"Dalibi!"
"Jollibee raw." Natatawang sabi ni Tita.
"Bakit ka ba tawa-tawa diyan, Mama?" Muling nagpadyak si Echo. Hindi ko talaga alam kung seven na siya or mas bata pa. "Dalibi nga!"
"Okay, okay." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya at hinila siya papunta sa akin dahil ang likot niya masyado. "Halika na?"
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...