To get the physical book: shopee.ph/insanesoldier_books_and_merch
---
TRIGGER WARNING: This chapter contains scene/s that may be upsetting, disturbing, and/or traumatic. Please be advised.
Final Predisposition:
Today's color is red.
— I. R.
__________
It's a peaceful Sunday. It's very nice that there was no hint of Kenneth today.
Supposedly ay may lakad dapat kami ng buong pamilya. Nakasanayan na namin na tuwing Linggo ay lalabas kami, it's either sa mall, or sa lugar na gusto namin puntahan. Madalas ay para kumain at hayaan si Nathan na mag-enjoy. Mahilig sa gala ang bunso namin, eh. Family bonding na rin ang araw na 'to dahil ito lang yung day na wala kaming gagawin. Kahit si Papa, kahit gaano ka-busy, hindi siya gumagawa ng kahit anong trabaho tuwing Sunday.
Pero ngayon ay nasa bahay lang ako. Para bang pagod ang katawan ko buong linggo dahil sa mga school activities namin. I told ate and my parents na they can go out without me but they also chose to stay at home dahil bonding din naman daw iyon. It calmed me knowing that they're here.
Hindi rin kasi nakatulong na mas nagiging papansin si Kenneth. He will occasionally visits me inside the classroom, palagi na lang akong hinahanap. Hindi nakakatuwa. It's stressing and creeping me out.
Ever since he confessed to me directly that he likes me, he became more clingy and annoying. It's disgusting knowing that we're cousins and he was acting like our blood didn't matter. Every time I see him, kinikilabutan ako.
Iniwasan kong mag-isip pa ng tungkol sa kanya dahil masisira lang ang mood ko. Kinuha ko na lang ang phone at tumingin ng mga pictures ni Echo. I even saved those videos that was uploaded on her account. Kaunti lang naman iyon, kadalasan ay nakasimangot siya but that's fine. Ganoon naman na talaga siya, nadala na niya ang pagiging bugnutin hanggang paglaki.
I'll be turning seventeen soon, and then I'll go to college. Sa time na 'yon, sasabihin ko kina Mama na gusto kong mapuntahan na ulit sina Echo. Ilang taon ko na rin siyang hindi nakikita o nakakausap man lang. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila nadalaw dito pero siguro naman malalaman ko rin eventually.
I want to meet her. Kung hindi na niya talaga ako naaalala, then magpapakilala ako ulit sa kanya, kakaibiganin ko ulit siya. Kapag nag-eighteen na siya, sasabihin ko nang gusto ko siya. Pero bago 'yon, kailangan masigurado kong hindi siya magkakagusto sa iba kung hindi ko kayang pigilan yung mga tao sa paligid niya na magkagusto sa kanya.
Mahihirapan ako pero wala namang importanteng bagay o tao na madaling makuha.
Bumangon ako nang makaramdam ng gutom. Late na ng gabi, sigurado ako gising pa si ate Shen dahil isa rin iyong nocturnal. Si papa at mama, hindi ko alam pero usually ay inaabot sila ng late sa living room habang nakabukas ang tv. Si Nathan ay malamang natutulog na nang mahimbing. He's a growing kid and lately he's been sleeping a lot.
Lumabas na ako ng kwarto, hindi na ako nag-abalang buksan pa ang ilaw nang makalabas. Siguro sa kusina na lang. Paglabas ko ay naabutan kong bukas yung tv sa sala pero patay na rin ang ilaw. Napansin ko pa yung silhouette ni Mama pero hindi ko makita si Papa.
"Ma, Pa?" tawag ko. Walang kumibo. Yung palabas lang sa tv ang naririnig ko. "Magluluto po ako, may gusto ba kayong kainin?"
Hindi sila sumagot. Hmm, nakatulog ba sila? Pero madali naman magising si Mama so dapat gumalaw siya kahit papaano. Tinawag ko pa sila ulit ng ilang beses pero wala talaga. Hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Napalunok ako at mabagal na naglakad. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot pero parang may iba talaga.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...