Episode 5

33.9K 1.8K 418
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains scene/s that may be upsetting, disturbing, and/or traumatic. Please be advised.

Episode 5:

"Echo, tawagin mo na si Rosendale at nang makapasok na kayo."

Tumango lang ako kay Mama at walang imik na pinuntahan yung kwarto ni Rosendale. Ilang araw na rin siyang nakatira dito kaya nasanay na rin naman akong sabay kami kung pumasok. Maliban na lang kapag malapit na sa school. Ayokong pati ako maging sentro ng usapan, 'no.

Agad kong kinatok ang pinto ng kwarto niya nang makarating ako. "'Uy, papasok na tayo. Nakaayos ka na ba?" Nilakasan ko ng kaunti ang boses ko para marinig niya.

Na-realized ko na hindi rin naman pala masamang kasama si Rosendale. Iyon nga lang, nawiwirduhan pa rin ako sa kanya kung minsan.

Hindi naman talaga kami madalas mag-usap, hindi rin kami nagpapansinan kapag nasa school. But whenever we were here at home, para bang may mutual understanding na kami na we should avoid getting to each other's nerves or else ramble ang ending namin.

Nag-uusap kami minsan lalo na kung usapang Gravity Falls at iba pang animated na palabas ang topic pero maliban do'n ay wala na. I didn't want to ask something personal. But then, most of the time she's imprisoning herself in her room. Para bang ayaw na ayaw niyang lumalabas sa comfort zone niya.

"Rosendale?" tawag ko ulit. Hindi kasi ito sumasagot. "Okay ka lang ba riyan? Aba'y uso ang sumagot."

I tried to knock again but I was answered with silence. Napairap na lang ako. Nag-iinarte na naman ba siya?

"Hoy, open this door!" I said in a loud voice. I turned the doorknob and noticed na hindi ito naka-lock. Pinihit ko ito pabukas. "Papasok na ako, ah. Walang sisihan."

Nang wala pa rin akong na-receive na sagot ay tuluyan ko nang binuksan ang pinto at pumasok.

"Ang dilim naman," Nasabi ko na lang bago buksan ang ilaw.

Nilibot ko ang tingin sa makalat na kwarto niya. Puro papel at newspaper. Saan niya ba pinaghahalungkat 'tong mga 'to?

"Hoy, Rosendale?" Nasa banyo pa yata siya.

Niligpit ko muna yung mga papel niya at inilagay na lang sa study table nito. Kababaeng tao, ang kalat sa kwarto. Lumapit ako sa may kama niya nang mapansin ko yung picture sa table sa gilid nito. Napatingin pa ako sa paligid ko para siguraduhing walang makakahuli sa akin.

I stared at the picture. A family picture.

Larawan ng pamilya ni Rosendale. Ang saya nila rito. Tapos yung babaeng 'yon, hindi pa mahaba yung bangs niya kaya kitang-kita ko pa yung mga mata niya.

And she's smiling. A real smile. How I wish she's always smiling like this. Baka may chance na kaibiganin ko siya, like, for real.

Sa tabi naman ng picture ay may nakapatong na blue notebook. Plain lang ito pero ibang kilabot ang hatid nito sa akin. Bakit parang... Hinawakan ko ito at hinaplos yung mantsa ng cover nito. Bakit parang...natuyong dugo yata 'to?

Napalunok ako. Unti-unti akong kinakain ng kaba habang inaangat ang cover ng notebook. Nakalagay yung name ni Rosendale sa first page ng kwaderno. Pero ang mas nagpabilis ng kabog ng dibdib ko ay yung mantsa ulit ng dugo sa gilid. Dugo nga talaga, hindi ako pwedeng magkamali.

What the hell. So totoo talaga? Kasi kung hindi, bakit may bakas ng dugo rito?

I turned the pages hanggang sa marating ko ang pinaka-current na entry. Kinilabutan ako lalo dahil may dugo pa rin ito. Seriously, gaano karaming dugo yung sinasayang niya? Inalis ko muna yung mga tanong sa isip ko. Binasa ko ng mahina yung nakasulat.

Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon