Episode 4

34.4K 1.8K 647
                                    

Episode 4:

After my worst breakfast of the lifetime ay nag-decide ako na magkulong na lang sa kwarto. Just, what the hell. Sa lahat ng magiging tenant dito sa bahay, seriously, si Rosendale pa talaga? Out of all humans out there na pwedeng alayan ng tulong, why her?

She's rich, she can even feed herself with gold if she pleased. Ito naman kasing sina Papa, eh. Ano naman kung best friend niya yung magulang no'n? That woman's a freak. Sa mental dapat 'yon dinadala dahil suicidal.

Speaking of, I can't help but remember her wrist. Magaling na kaya? O baka naman dinagdagan niya?

"Echo, stop thinking too much," bulong ko sa sarili. But I can't help not to worry. Baka mamaya dito pa magpakamatay 'yon. Fuck it, problema talaga.

Ayaw ko man ay bumangon na lang ako. Nabuburyo na ako rito, wala naman din akong gagawin. At wala naman sigurong mawawala if I'll check on her. I just wanted to make sure na wala siyang gagawing hindi maganda. Nasa pamamahay namin siya.

Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos mag-ayos at tinungo ang kwarto na tinutuluyan ni Rosendale. Pero tingnan mo nga naman, kakatok pa lang sana ako nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa siya.

Napatikhim ako. I secretly observed her. She's now wearing a black shirt and a fitted checkered short na umaabot hanggang sa tuhod niya. As usual, suot niya pa rin yung mga bracelets niya.

I saw her eyes under her bangs. She's staring at me. I didn't know what's in her mind.

"Saan ka pupunta?"

She tilted her head. "May cable kayo?"

"Meron," nawiwirduhang sagot ko. Anong meron sa cable? "Bakit?"

Hindi niya ako sinagot. Talaga namang ang bastos. Sinundan ko siyang maglakad hanggang sa marating namin ang sala. Umupo lang siya sa sofa at tinitigan ako. Tumingin din ako sa kanya pabalik.

"Buksan mo yung TV."

"What?"

"Bingi ka ba?" she asked.

Tingnan mo 'tong babaeng 'to. The attitude!

Inirapan ko siya. At dahil hindi naman ganoon kasama ang ugali ko ay binuksan ko na ang TV para sa kanya. Nakakahiya naman, eh, 'no.

Umupo ako malapit sa tabi niya at inabot ang remote. "Oh, mahal na prinsesa."

She didn't say anything. She just took the remote from me. Dumausdos yung kamay niya sa akin. Malambot din naman pala ang palad niya, ngayon ko lang napansin. Mukha namang hindi niya napansin yung reaction ko. Basta na lang niya nilipat yung channel. Napakunot ako ng noo.

She's watching cartoon.

Natigilan ako. For the first time, hinawi niya ang bangs niya kaya mas malaya kong napagmasdan ang mga mata nito. She looked...beautiful. Ang aliwalas niyang tingnan kapag naka-side ang bangs. Though may eyebags siya.

Para siyang nagkaroon ng sariling mundo habang tutok na tutok ang mata sa pinapanood. For a moment, she looked like someone na walang pasanin sa mundo. She looked innocent. Parang hindi siya yung Rosendale na kilala kong naglaslas ng wrist.

"Anong palabas 'yan?" I asked. Nakinood na lang din ako. I wasn't the type who fancy cartoons pero mukha namang maganda.

"Gravity Falls." She simply answered as her eyes still focused on the cartoon.

Tumango na lang ako. Mukha namang wala na siyang balak i-elaborate pa ang sagot niya. Manonood na lang siguro ako ulit ng Gravity Falls kapag may time, hindi ko naman nasimulan kasi. Basta nasa part na kami ng palabas kung saan kinuha ng isang Pterodactyl yung pig no'ng Mabel. Tapos kasalanan ni Stan. Oh, well. Hindi ko ma-gets.

"Gravity Falls is really good and worth watching." biglang sabi niya. Napatitig tuloy ako sa kanya. "Episode eighteen yung pinapanood natin ngayon. We're close to the end of season one."

Hindi ko maiwasang makinig sa mga kinukwento niya. Ang ganda pakinggan ng boses nito kapag hindi nag-a-attitude. It's hard to explain.

"I'm planning to watch the Rick and Morty kapag natapos ko na lahat-lahat ng episodes nito. I actually watched a video in YouTube na sinasabing the Rick and Morty is the secret sequel of Gravity Falls. There are evidences shown in the video. Theory or not, I still want to watch. " Walang pause na kwento ni Rosendale.

Parang memorized na memorized niya lahat ng sasabihin. Ang bilis niya magsalita, akala mo may oras na hinahabol. Pero may isa pa. Napaisip lang ako. Isa kaya 'to sa reason kung bakit in-offer-an siya ng magulang ko na tumira dito?

Hindi kaya wala siyang kasama na kahit sino sa bahay niya? Wala siyang nakakausap? Kasi sobrang halata na hindi siya sociable. Sa school pa lang, makikita na. I stared down at her wrist. Saka ko lang na-realize, why will she even try hurting herself?

Dahil ba namatay ang pamilya niya? Pero siya ang pumatay, 'di ba? Was I really just trying to base my judgement with plain rumors?

"I talked too much, aren't I?"

Napatingin ako sa mga mata niya kahit mahirap makitang mabuti. I felt her staring back at me. I can't read her expressions well.

"What?"

"Tahimik ka," pansin niya, "I blabbered too much nonsense, right?"

"I'm listening, just so you know." Natigilan siya sa sagot ko. Binalik niya ang tingin sa pinapanood. Tingnan mo, bastos pa rin, eh. "I admit, you're not that bad naman pala."

"Same here." sagot niya. Tumingin ulit siya sa akin. Umangat ang kabilang dulo ng lips niya. She looked like she's mocking me with that smirk! I suddenly wanted to slap her. "I thought you're just a plain bitch who doesn't use her brain when speaki—"

"Hey, that's foul!" I spatted. Nahampas ko pa siya sa braso niya pero parang baliwala lang.

"I'm just telling the truth."

"May attitude ka rin naman, ah?" I answered back.

"That's because you badmouthed me." she reasoned out, "You didn't even know me and yet there you are, assuming things based on people's opinion."

Hindi ako nakasagot. Totoo naman yung sinabi niya. Pero hindi naman kasi niya kino-correct yung sarili niya. Anong paniniwalaan ko?

"So yung nangyari sa family mo—" I didn't even finish speaking when she glared at me. "I'm sorry." I apologized instead.

Maybe I became really insensitive. Siguro nga right from the start, ako yung may mali.

"You're nosy." she said annoyingly. "Let's just watch."

Tumango ako. Humarap na lang ako sa TV. Na-realize ko na ibang episode na ang pinapanood namin. Pero saglit lang ako nakapag-focus dahil napunta na ulit sa kanya ang attention ko.

"Rosendale?" She didn't look at me. I just sighed. "I'm sorry. I mean it." I muttered sincerely.

"Okay."

"Okay?"

"Forgiven."

"Thanks." I smiled a little. Tumingin siya sa akin at tumango. "Yung sugat mo nga pala, kamusta?"

"Oh," Sinilip niya ang wrist. Pansin kong nadagdagan nga talaga yung mga hiwa na ginawa niya. "It's good."

"Bakit mo ba ginagawa 'yan?"

Sa totoo lang, hindi ko maintindihan yung mga taong ang hilig saktan ang sarili nila. Ganoon ba talaga kapag depressed or something? Ewan.

"These wounds reminds me that I'm still..." She gave me a miserable look. Nakaramdam ako ng mabilis na paninikip ng dibdib. "Alive."

_____

Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon