Episode 7

35.5K 2.1K 1.4K
                                    

Episode 7:

Today, I found my new reason.

I. R

__________

Halos atakihin ako sa puso nang bumungad sa harap ko si Rosendale pagkabukas ko ng pintuan. Napahawak pa ako sa dibdib ko at tinitigan siya nang masama. "Bakit nandito ka? Kanina ka pa ba?"

Dang it! Mukha pa naman siyang si Sadako kung minsan. Buti na lang maganda siya.

Tatlong segundo rin ang binilang ko bago siya mag-react. Nagkibit siya ng balikat at tinalikuran ako. "Breakfast na tayo."

I raised an eyebrow. This was the first time na nag-aya siya. Or maybe inutusan lang siya nina Mama or Papa.

Sinundan ko na lang siya sa paglalakad. I didn't know what's gotten into me but I found myself checking her out. Simple lang naman ang suot niya, isang black na t-shirt at maikling shorts. My eyes slowly went down to her legs.

Fuck.

Halos batukan ko ang sarili ko. Why were you looking at her legs, Echo? May legs ka namang sarili mo!

Masama lang siguro ang gising ko. Never pa akong tumingin sa legs ng ibang tao, lalo na sa babae. Hindi naman ako naiinggit pero ang ganda lang ng... Oh, I was doomed. Gutom lang 'to.

Hindi ko nakita si Mama at Papa sa hapag-kainan. Ang naabutan ko lang ay si Rosendale na naghahain na ng mga pagkain. May fried rice, hotdog and egg, may bacon din. Kaagad namang nagparamdam ang tiyan ko nang malanghap ang aroma ng bawang na nasa sinangag. The food looked so delicious.

"Where's Mama and Papa?" Tanong ko nang makaupo. Hindi na ako nagtanong kung bakit umupo siya sa tabi ko mismo.

"Maaga silang umalis."

"Buti nakapagluto sila."

"I'm the one who cooked."

Napatitig ako sa kanya then sa mga pagkain. Woah. Marunong siya magluto?

"Eat." Maikli ngunit firm na utos niya.

Sumunod na lang ako since my stomach was begging me to get some food. Tahimik lang kaming kumakain. Wala rin naman siyang ino-open na kwento, eh.

Pero ewan ko ba, just her simple presence suddenly made me feel...happy. Nasasanay na yata akong kasama siya palagi kaya ganito ako.

Pasimple akong napangiti. Tama siguro ako na malungkot siya kapag kumakain na mag-isa. And now, she even waited for me para lang may makasamang kumain.

Maybe she's really starting to soften a bit.

"You look like a smiling idiot."

Nasira ang moment ko sa narinig at kaagad siyang tiningnan nang masama. Kung kailan ang ganda ng iniisip ko sa kanya saka naman niya ibubuka ang bibig. Okay na sana siya, eh, huwag lang talagang magsasalita or else. World war three talaga.

"Ano bang pake mo?" I retorted, "Masamang ngumiti?"

"Yeah," She nodded. Humarap siya sa akin ng maayos. She was smirking mockingly. I noticed that she's only eating the fried rice. "Masama lalo na kung out of nowhere ang pagngiti."

"Whatever." I rolled my eyes. "Mas mukha kang idiot, hiding your eyes with your hair."

"Pakialam mo?" She suddenly became serious. Hindi na niya ako pinansin at nagtuluy-tuloy lang sa pagkain.

Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon