TRIGGER WARNING: This chapter contains scene/s that may be upsetting, disturbing, and/or traumatic. Please be advised.
Episode 11:
Nanonood ako ng tv nang mapalingon ako kay Rosendale na kakaupo lang sa tabi ko. She looked at me and I immediately rolled my eyes. Makita ko pa lang siya naalabadbaran na ako. Paano niya nagagawang umasta na akala mo wala siyang ginawang kabaliwan? Ano, ako lang ba ang affected dito?
Nakakairita. Gusto ko siyang sabunutan at sigawan.
"Let's go eat." sabi niya. Hindi pa nakuntento at talagang sumiksik pa siya sa akin kahit na inusod ko na ang sarili palayo. "I cooked some breakfast."
Hindi ako sumagot. Sa pinapanood lang talaga ako nakatingin kahit ang totoo ay wala na akong maintindihan sa mga naririnig. Ayoko lang talaga siyang makita, kung pwede nga lang maging invisible siya malamang kanina ko pa hiniling. She's just irritating to me as hell.
"Echo," she tried to call me in a very alarming tone. I just snorted and continue ignoring her.
Can't she see how much I dislike her right now? Kung umaayos lang sana siya, if she can just admit that it's her fault and she didn't mean what happened that day, maybe I can treat her in a civil way. Pero hindi kaya magtiis siya.
We may be living in the same roof but I have all the right to treat her like air dahil una sa lahat, we were not even friends. I didn't even know what we are to even start with. She's not a family member either.
"Shit!" Napaatras ako nang maramdaman ko yung hininga niya sa may tainga ko. Tinitigan ko siya nang masama. "Anong problema mo?"
She shrugged her shoulders. "Kain na tayo."
"Mauna ka na." walang ganang sagot ko. Bumuntong-hininga ako pagkatapos. Nagsisisi akong lumabas pa ako ng kwarto. Sina Mama kasi, eh, gusto nilang samahan ko itong suicidal na 'to. Ano ba si Rosendale, five years old? Fuck. Tapos biglang aalis naman pala sila ng pagkaaga-aga.
"Echo." She called again, hinila-hila pa niya ang laylayan ng damit ko. Oh, geez! Bata ba siya? "Let's go eat, come on."
"Tigilan mo nga ako." Ilang beses bang pinanganak itong babaeng 'to! Napaka-weird! Dati ni ayaw niyang lumabas ng kwarto niya tapos ngayon akala mo bata na naging clingy sa magulang. Tinotopak na naman yata siya, eh.
Gumitgit na naman siya sa akin. Gumapang ang kamay niya sa baywang ko na kaagad ko ring inalis. Napilitan na akong itulak siya nang may kalakasan, muntik pa siyang mahulog sa sofa kung hindi lang siya nakakapit agad. I glared at her but didn't say anything. Sinubukan kong basahin kung anong naiisip niya based on her expression but to no avail. Ang nakikita ko lang ay nakatingin siya sa akin pero wala naman siyang pinapakitang emosyon. Para bang hindi naman siya apektado sa pagtulak ko.
Nakaka-stress siyang basahin!
"Do you hate me that much?"
"What?" Halos magsalubong ang kilay ko sa tanong niya. "Rosendale, I don't hate you but I don't like you either. Okay?"
"But we're friends, right?" she asked, "You told me that."
Naalala ko nga iyon. Akong may sabing magkaibigan kami simply because she asked what we were but this stupid girl ruined my answer by asking if do friends kiss each other!
"We are. Only if you will stop trying to kiss me again."
Tinitigan niya ako nang matagal. "Okay."
Wala na akong narinig kasunod no'n. Basta na lang siyang naglakad paalis pero napansin kong hindi naman papunta sa dining room ang daan niya. Mukhang sa kwarto. Ah,bahala siya. I huffed and just stared at the tv. Hindi ko pa rin ma-gets kung anong nangyayari sa pinapanood ko.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...