To get the physical book: shopee.ph/insanesoldier_books_and_merch
---
Date started: March 24, 2017
Date completed: April 29, 2020
Additional chapters:
Date Started: May 9, 2020
Date completed: July 15, 2020CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, and/or traumatic. Readers' discretion is advice.
***
Episode 1:
"She's there."
Napatingin ako sa mga nagbubulungang estudyante rito sa cafeteria. Oo nga't maingay talaga sa ganitong klase ng lugar pero parang nag-iba yung dating ng mga bulungan, even the ambiance. I released a sigh, it's quite familiar.
And as if on cue, naglakad papasok ng lugar ang dahilan ng mga bulungan. Akala mo mataas na taong binigyang daan ng mga estudyante. Halatang ilag ang mga ito sa kanya.
Sinundan ko siya ng tingin katulad ng ibang mga nandito. Pang-ilang beses ko na 'tong ginawa simula nang mag-aral ako rito.
Mahaba ang straight at itim na buhok niya na umaabot sa baywang, may bangs din ito na halos takpan na ang mga mata. Actually nakatakip na talaga pero parang hindi siya naiirita. Sa totoo lang palagi kong naalala si Sunako Nakahara na isang anime character sa kanya kapag nakikita ko yung ganoong hairstyle. Ang weird naman kasi.
Maputi rin siya at makinis ang mukha. Matangkad. Maganda. May mga suot din siyang bracelets sa left hand niya at talaga namang bagay na bagay ang uniform sa kanya. Siya si Rosendale.
Kung tutuusin ay pansinin ang kagandahan na meron ito pero walang sumubok na pumorma o makipag-usap sa kanya maliban sa mga bagong students na hindi pa talaga siya kilala.
There were rumors spreading in this university about her which was not really good to know. Ang sabi, she massacred her own family.
Pero nagtataka ako kung bakit nandito pa siya. Kung totoong siya ang pumatay sa pamilya niya, why she's still here? Dapat nasa kulungan siya o sa isang mental institution kung totoo ngang psychopath siya.
She's dangerous.
Pumunta siyang counter. Kahit yung mga nagtitinda, hindi makatingin ng diretso sa dalaga. As usual ay um-order lang ito ng vegetable salad at bottled water. I guess she's a vegetarian, never ko pa siyang nakitang kumain ng meat.
"Echo, ang tingin, wagas." Komento sa akin ni Cheddy. Napunta tuloy sa kanya ang atensyon ko. May kasama nga pala ako. "Baka naman matunaw sa'yo si Rosendale."
"Edi okay," Wala sa loob na naisagot ko kaya nag-angat siya ng kilay. "What?"
"Grabe ka naman."
"Kumpara mo sa aming dalawa, mas grabe siya." giit ko. It's the truth anyway.
"Naniniwala ka ba sa mga tsismis about her?" She asked. Tumango ako. May evidence na't lahat-lahat, hindi pa ba ako maniniwala?
Wala na siyang pamilya, and it was even featured in newspapers, television, even on online news sites. I've watched and read news about the massacre. The authorities investigated about the possible foul play but negative.
Rosendale being the only witness, and unfortunately, the primary suspect, I guess sapat na 'yon para masabing siya nga ang pumatay sa buong pamilya niya.
There were a lot of rumors going around in this university about her, some were quite unreasonable, while some were believable. But then, whether all the rumors were true or not, there's only one fact that will exist.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...