Episode 31:
"Pre, shot na, aba!" ang pamungad na bati ni Lolo Alvin sa amin.
Kakarating pa lang namin dito sa isang bahay ng kamag-anak namin, yung isang street ang layo pero kayang i-walking distance kung sa cemetery ang daan. Unlike sa nauna, mas malaki ang bahay dito pero bungalow style at may gate. We're inside a subdivision but this one was more lenient.
Papa took that small shot glass and drank its content. Uminom siya ng tubig pagkatapos. Ang aga-aga talaga, laging may painom. Nagkatinginan kami ni Rosendale, nagkibit lang ako ng balikat.
"Dalaga na pala 'tong apo ko, eh." sabi pa ni Lolo Alvin. Kainuman niya yung mga Tito ko at ilang pinsan na mas matanda sa akin. Yung mga pinsang iyon ay kay Rosendale naman ang tingin. Oh, damn, why did she need to be so pretty. "Kamusta naman, Echo?"
"Okay naman po," Ngumiti ako.
"Sinong kasama mo, Echs?" Nangiwi ako sa tinawag sa akin ng isa sa pinsan ko. Ang pangit pakinggan, tunog X.
"Si Rosendale." I said. I have this feeling na buong araw ko siyang ipapakilala sa mga relatives ko. "Rosendale, sina Anton, Akim, at Anjo, mga pinsan ko. Magkapatid sila."
"Ang ganda naman ng pangalan mo, Rosendale." I can sense the amazement in Anton's voice. Mukhang tinamaan. "Anton nga pala."
Rosendale, as usual, just stared. She's not averting her gaze elsewhere to the point that my cousin started getting awkward. I lightly scratched my temple. Gusto kong matawa na ewan. She's not scared to show what she is and I think that's what made her mysterious.
"Type ninyo ba?" Natatawang tanong ni Papa sa kanila. Nahihiya namang napakamot sa ulo yung tatlo. Halatang type nga itong kasama kong ayaw mamansin. "Nako, naunahan na kayo."
"Eh, 'To, sa ganda ho niyan, tiyak talagang may boyfriend siya." sabi ni Anjo.
"Wala 'tong boyfriend." Napahagalkpak si Papa. Para bang aliw na aliw siya sa nangyayari. He found it amusing, I see. Mukhang alam ko na ang sunod na mangyayari. The boys suddenly looked hopeful. "Girlfriend, meron. Ayan, oh, itong pinsan ninyong si Echo ang nakabingwit."
Bagsak ang balikat ng tatlo. Halatang hinayang na hinayang. The guys stared at me, as if they're envious. I raised an eyebrow.
Lolo and the others looked just normal, they're fine with it. A few of the girls on my relative are not straight. Karamihan pa sa kanila, hindi yung butch type, tipong babae manamit at kumilos pero babae rin ang hanap. Come to think of it, maybe that's the reason why everyone seemed so accepting about us.
I still think that I'm straight, it's just that Rosendale managed to get me. Nakakainis mang isipin pero natanggap ko na yung part na 'yon ng sarili ko.
"Baligtad na talaga ang mundo ngayon." Bumuntong-hininga si Akim. "Rosendale, pakiingatan na lang 'yang si Echo."
"Sure," sagot ni Rosendale sa mababang tinig. She stared at me, her eyes looked amuse now unlike kanina na hindi talaga mabasa ang nasa isip niya. "Of course."
Napailing na lang ako. Bahala siya diyan.
"At ikaw, Echo, kapag pinakawalan mo 'yan, popormahan ko 'yan!"
"Aba, ako ang poporma, Kuya Anton!"
"Ako, mga baliw!"
"Asa kayong tatlo." Inirapan ko sila. "Good luck."
Knowing Rosendale, she won't even lay an inch of interest to anyone. Sa school pa nga lang, marami nang humahanga at nagtangka pero wala silang napala, ito pang mga pinsan ko? They may be a Jonquill but never me. Now I didn't know if that's a curse or a blessing.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...