Episode 16:
"Can you please not go to my room nang walang paalam?" Napahawak ako sa chest ko, my heart was beating fast. Magigising ka ba naman kasing may katabi ka, sinong hindi magugulat. Tapos ang dilim-dilim pa. This woman! I glared at Rosendale. Nawala tuloy bigla ang antok ko, wala pa naman akong halos tulog. Damn it. "And I locked the door last night. Paanong—"
"Your parents gave me duplicates." she cut me off. Napailing na lang ako. Hindi makapaniwala. At talagang kasama sa duplicate yung susi ng kwarto ko? God. Ano bang iniisip nina Mama at Papa? Okay, fine, maybe we're looking chummy in their eyes pero that didn't mean na pati privacy ko, talaga namang buong pusong ipapamigay. I have to talk to them soon.
"Anong oras na ba?"
"Three."
Napahinto ako sa paghikab. I frowned my forehead at her, unsure if I heard her right. "What?"
"You're not deaf, Echo." she said in a very sarcastic tone. Napairap ako. Ang aga-aga nang-iinis siya. "It's three in the morning."
I groaned, enveloping myself in the sheet. Ang aga pa pala talaga! Automatic na bumalik sa akin ang antok. Nagulat naman ako nang maramdaman ang kamay niya sa baywang ko, tugging me closer under the sheet. I stared at her. My eyes already adjusted from the dark kaya naaaninag ko na siya. Binuksan ko ang lampshade sa gilid. "What are you doing?"
"What?"
"Tinatanong kita ng maayos, Rosendale." I said through gritted teeth. Nakakaasar talaga 'tong babaeng ito, parang lalong lumuwag ang turnilyo sa ulo.
"Maayos ba 'yon?" Still, she decided to be stupid.
"Fuck it."
"Later."
Tinitigan ko siya nang masama. I caught her grinning. Dang it. Can she be anymore dumb? Napakunot ang noo ko nang may mapansin sa kanya. Nakahawi kasi ang bangs niya, halatang tinamad nang ayusin. "Bakit namamaga 'yang mata mo?"
Napaiwas siya ng tingin at hindi sumagot. She buried her face on my neck instead. Nanindig pa ang balahibo ko nang maramdaman ko ang pag-amoy niya sa akin.
"Rosendale."
"What?"
"Kinakausap pa kita."
"Let's sleep."
Napairap ako. Paano kayang makakatulog ako if I was bothered? Inilayo ko siya sa akin. Hinawi ko ang buhok niya but she closed her eyes. Obvious pa rin namang namamaga kahit anong tago niya, eh. "You can't fool me."
"I just want to sleep with you." she muttered in low voice. She tried snuggling closer but I prevented her from doing so. Mabuti na lang at hindi na nagmatigas pa. Umungol siya, halatang naasar. "Echo."
"Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Stupid." I told her. Sinubukan kong bumangon pero panay ang paghila niya sa akin pahiga. "Rosendale, isa!"
"Let's sleep."
"Doon ka sa kwarto mo!"
She sighed. Ni hindi siya kumibo. Pinilit ko ulit bumangon, this time ay success ako. Mabilis kong binuksan ang ilaw para lumiwanag ang buong paligid. Nang lingunin ko si Rosendale ay nakatalukbong na siya sa kumot ko. Parang sira talaga 'to. Hindi ko na napigilang mapairap ulit.
Sumampa ako sa kama at pilit na hinila yung kumot paalis sa kanya. Halos malaglag pa ako nang tuluyan kong maalis sa katawan niya iyon. Tinitigan ko siya nang masama. "Damn it. Anong problema mo?"
She's acting extra weird. Kaaga-aga, parang natatanga na naman. Sure, she's weird, like, all the time. She's clingy at habang tumatagal ay nagiging creepy siya. Minsan gusto ko na lang siyang sapakin at baka matahimik ang mundo ko. Mas okay pa noong cold siya, noong ayaw niya sa akin. At least kailangan ko lang makipag-deal sa attitude niya. Now, I have to deal with her everything.
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...