Episode 2

41.1K 2K 803
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter contains scene/s that may be upsetting, disturbing, and/or traumatic. Please be advised.

Episode 2:

Do you think scars are ugly? I think they are...enchanting.

-I. R

__________

Isang pagod na pagbuntong-hininga ang ginawa ko nang matapos na ang klase. Pakiramdam ko buong oras akong pigil ang paghinga. Ikaw ba naman ang titigan ni Rosendale buong klase! Napahinga ulit ako ng malalim.

Now I was regretting opening my big mouth kahit na nasa tabi lang siya. Pakiramdam ko sa tingin pa lang niya, dina-dissect na niya ang kaloob-looban ko-hindi sa karumal-dumal na paraan ngunit sa way na parang kinikilatis niya ang buong pagkatao ko sa pamamagitan lang ng mga mata niya.

Nakakapanindig-balahibo. Ngayon napapaisip tuloy ako kung ano nga bang tumatakbo sa utak niya.

"Echo, feel na feel ko yung tension." Bulong ni Cheddy sa akin habang nag-aayos siya ng gamit. "Feeling ko nasasakal din ako. Ramdam mo ba?"

"Huh? Hindi," pagpapalusot ko. Ayokong isipin niya na sa buong oras ay uncomfortable ang pakiramdam ko.

"Talaga?" Nagtaas siya ng kilay pero hindi ako nag-react. Sa huli ay nagkibit-balikat na lang siya bago tumayo. Mabuti na lang at wala siya sa mood maging pushy. "Punta na ako na sa next class ko. Ikaw?"

"Tatambay lang siguro sa kung saan." I answered which was the usual lang naman. I have an hour vacant. Hindi naman ako mainipin kaya ayos lang na mag-isa ako kahit gaano katagal as long as tahimik ang lugar.

"Oh, sige." Nakipagbeso siya sa akin bago umalis.

Nag-decide akong lumabas na rin nang mainip. Ako na lang kasing mag-isa ang naiwan dito sa room. Alangang tumambay pa ako, mamaya ic-check na rin 'to ng guard.

Ginalaw-galaw ko ang leeg para mabawasan yung sakit at pangangalay habang dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta ngayon. Gusto ko sana sa may batibot, isang tambayan na nandito lang din sa loob ng school. Presko kasi roon at nakaka-relax dahil puro halaman, mga bulaklak, at puno ang meron. Though hindi ko alam kung bakit ganoon ang name ng nasabing lugar. Kaso maraming tao roon panigurado kaya ayokong pumunta. I was done dealing with the crowd. Hay, school.

Nagdesisyon akong sa roof deck na lang pumunta. Hindi naman mainit doon dahil may part naman na pwedeng silungan. Sana lang wala ring tao roon-specially couples. I hate to corrupt my vision with their corny shits. I shook my head and sighed. Not really a fan of PDA.

Pagkarating ko sa destinasyon ay napangiti ako nang makitang walang tao. Alone time, yes! Naglakad ako papasok, only to frown afterwards. Hindi pala. May kasama ako. At nakakainis dahil si Rosendale lang naman ang nakita ko.

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan siya. Nakahawak siya sa railings habang nakayuko. I can't see her face clearly dahil natatakpan ito ng mahabang buhok niya na nakalugay, idagdag pa ang bangs na tumatakip sa mata niya.

Para siyang gumagawa ng music video sa itsura but I knew better.

Okay na sana. Aalis na sana ako dahil ayokong ma-involve ulit sa kanya-but how the hell was I going to do that after seeing what I shouldn't see?

Dali-dali akong lumapit sa kanya sa kabila ng mabilis at biglaan na pangangatog ng tuhod ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba. "Rosendale!"

Hindi niya ako pinansin. Napairap na lang ako sa pagiging snob niya. Hinawakan ko ang braso niya nang walang paalam. I saw her eyes under her bangs glaring at me-lalo na sa mga kamay kong nakahawak sa kanya-but who cares! "Stupid! Anong ginawa mo?"

Alam ko wala ako sa posisyon para sabihan siya no'n, o kahit ang magtanong pero...pero sino ba naman kasing normal na tao ang hindi mag-aalala kapag nakita mong nagdurugo yung wrist niya? Fuck, magpapakamatay ba 'to?

"And what do you think you're doing?" She snorted. Hinablot niya ang sariling braso sa akin bago ako titigan ng malamig. "Pakialamera."

"Eh, baliw ka rin pala," Bigla akong nainis. Parang gusto kong bawiin yung concern na binigay ko pero hindi ko ginawa dahil nangyari na rin naman na. Instead, I fished out my handkerchief mula sa bulsa ng uniform ko bago hatakin palapit yung braso niyang gusto niya pang itago. "Baliw ka ba?"

She didn't answer but I can feel her dislike towards me. It's damn obvious. Napaismid pa siya. Sarap suntukin. Ako na nga itong nagmamalasakit kahit na binigyan niya ako ng attitude kanina.

Padarag na inalis ko yung mga bracelets na nakasuot sa kanyang kaliwang kamay para mas madaling maampatan ang pagdurugo ng sugat niya. Nabigla pa ako nang makitang puro markado ng laslas ang palapulsuhan nito. What the...

Napatitig ako sa walang reaction niyang mukha. Bigla akong nakaramdam ng awa at confusion. Hindi ko maintindihan kung bakit may taong katulad niya. "Anong gusto mong mangyari, Rosendale? Psychopath ka na nga, suicidal ka pa?" Hindi ko mapigilang itanong. Just how twisted she can be?

"Watch out your words," She hissed. Hindi ko na lang pinansin yung nakalakip na warning sa tono ng boses nito.

May ibang sugat na magaling na at may iba naman na pagaling pa lang. Yung iba, parang pinatungan na ng ibang marka. It's obvious that she's been trying to harm herself for countless of times. But why?

Napapailing na pinunasan ko yung wrist niya gamit ang panyo. Hindi naman ganoon kalalim yung in-inflict niyang sugat sa sarili pero pwede pa rin siyang mahilo sa dami ng dugong lumabas. Balak pa yata niyang dito gawin ang kabaliwan niya. Mali, ginawa na niya.

Naglabas ako ng alcohol. Wala akong betadine kaya tiisin niya ang hapdi, kaysa naman magka-infection pa.

"What are you-shit!" Halos mapatili siya nang walang paalam na binuhos ko yung alcohol. Paulit-ulit ang pagmumura niya habang ipinapagpag ang kamay sa ere para ma-ease yung hapdi. Pain registered on her face and I just smirked, feeling ko nakaganti na ako. Tumitig siya sa akin ng nakamamatay bago hablutin ang necktie ng uniform ko para hilahin palapit sa kanya. Napangiwi ako sa biglaang sakit dahil sa puwersahang paghila nito. "Who are you to do that?"

Kumakabog man ang dibdib sa kaba at takot ay nagawa ko pa rin siyang bigyan ng kalmadong tingin. I tried to act normal. Anytime ay pwede niya akong saktan. Oo, nakakatakot, pero nasa akin naman yung choice kung lalaban ako o hindi. I wasn't that spineless.

"Maglalaslas-laslas ka riyan tapos alcohol lang titili ka na?" I retorted.

"Are you insulting me, Miss-?"

"Echo."

"I don't care."

"Hoy, Rosendale." Muli kong kinuha ang kaliwang kamay niya. Itinali ko yung panyo ko sa wrist niya para hindi na muling magdugo pa. "Pasalamat ka't ako lang ang nakakita sa'yo. Paano kung nawalan ka ng malay rito, huh? Anong sa tingin mong maaaring mangyari? At saka, tingnan mo nga!" Inangat ko yung kamay niya. "Ang pangit tingnan ng mga peklat. Sinisira mo lang 'yang kutis mo."

Hindi siya sumagot. Unti-unti niyang binitawan ang nananahimik kong necktie. Binitawan ko na rin ang kamay niya. We were trapped under each others' gazes. And as if on cue, biglang humangin ng malakas dahilan para mahawi ang bangs na tumatakip sa kanyang mata. I suddenly felt small under her cold stare.

I will admit it. She has a beautiful pair of brown orbs-nakakalunod tingnan. Pansin din ang mahabang pilikmata niya, yung perfectly shaped niyang kilay...wala yata akong maipipintas. Ngunit saglit ko lang nakita ng malinaw ang mga magagandang matang iyon.

Mabilis siyang tumalikod at naglakad paalis. Pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang binulong niya bago tuluyang makalayo.

"Pakialamera."

The attitude, gosh!

Maybe I should remind myself not to be involved again with that good for nothing, suicidal, Rosendale. Nakakapangsisi ang pagtulong pagdating sa kanya.

I wasn't a saint to begin with. I never had a long string of patience anyway.

_____

Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon