Episode 9:
"Suicidal."
She glared at me. "Ano na naman bang problema mo?"
Nagkibit ako ng balikat. "Let's cut your bangs."
Narinig ko ang mahinang pagsinghap niya dahil sa sinabi ko. Napangisi ako sa loob-loob ko. Alam ko namang magre-react agad siya. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ba mas gusto niya pang nakaharang yung mahabang bangs sa mata niya, akala mo naman may pinagtataguan.
"What the fuck?" Nagpintig yung tainga ko sa narinig na mura niya. Pero ang priceless ng mukha ni Rosendale, akala mo inagrabyado.
"Hoy, hindi pa kita minumura, maka-what-the-fuck ka." Inirapan ko siya at inismiran. "Suicidal."
"May sira ba ulo mo?" naiiritang tanong niya, "Inaano ka ba?"
I didn't answer. Nagbi-bitch mode lang naman ako dahil do'n sa mga nakita kong scars sa dibdib niya no'ng nakaraang araw. Hanggang ngayon nabo-bothered pa rin ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa nakita ko. Akala ko naman sa pulso lang siya naglalaslas tapos malalaman ko na hindi lang pala doon ang meron.
Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang maghubad ng t-shirt niya. "Hoy, Rosendale!" Halos maistatwa ako sa ginawa niya, hinagis pa niya sa akin ang damit niya! Mabilis na nag-init ang mukha ko, hindi rin nakatulong na amoy na amoy ko sa tela ang natural scent ng dalaga. "Baliw na babae!"
Kahit walang tao sa living room namin ay sinipat ko pa rin ang paligid. Ako ang nahihiya para sa kanya, eh. Nababaliw na talaga!
Ako na mismo ang sumubok na magbihis sa kanya pero siya naman itong pigil ng pigil sa akin. Tinaasan ko na siya ng kilay habang pinipilit na huwag tingnan yung mga peklat niya. Mas lalo lang akong mapapaisip. Ano ba naman kasing pumapasok sa kukote ng babaeng 'to? Kailan pa siya naging stripper? Nakakabanas.
"You're bothered, aren't you?" Tanong niya bago ihagis ang damit sa may paanan namin. "You find it creepy."
"Sinasayang mo kasi iyang kutis mo."
"I don't care about my skin."
Inirapan ko siya. Hinawakan ko yung bandang dibdib niya para madama yung mga peklat. She flinched a bit pero na-relax din naman siya kaagad.
"Ang pangit." nasabi ko na lang. Ayoko nang i-big deal yung mga sugat niya except na lang kung magkukuwento siya. "Magbihis ka na."
She shook her head and I just sighed. "Bahala ka nga riyan."
Tumayo ako pero hinila niya ako paupo. Tiningnan ko siya nang masama pero hindi naman siya apektado as usual. "You'll still stay, am I not right?"
"Ano bang pinagsasabi mo?"
These past few days ay isa lang ang mas napapansin ko kay Rosendale, unti-unti siyang nagiging clingy. Hindi ko alam kung anong meron, siguro kasi matagal din siyang naging mag-isa. Hindi tuloy ako sanay, mas nasanay kasi ako na may attitude siya, yung aloof. Siguro isa talaga ito sa side ni Rosendale.
"You don't find me creepy?"
"Matagal ka nang creepy," sagot ko pabalik. Sinamaan niya ako ng tingin samantalang nginisihan ko naman siya. "Ang dami mo kasing tanong. Mags-stay ako, maliwanag?"
Hindi siya kumibo pero alam ko naman na naintindihan niya ako. Hindi naman ako ganoon kababaw, may isa akong salita.
"No matter what?"
"Oo nga kasi." Pinulot ko yung damit na nasa sahig. Isinuot ko iyon sa kanya at taimtim akong nagpasalamat dahil hindi na siya umangal pa. Nakakailang din kasi nakabalandra yung katawan niya. Kung may iba lang na makakakita nito malamang iisipin na nilang gumagawa kami ng milagro.
Nanindig ang balahibo ko sa thought na 'yon. Hindi naman ako nandidiri pero imposible kasi at saka wala sa hinagap ko na gagawa ng milagro sa kapareho kong babae especially kung si Rosendale ang babae. The last time I checked lalaki pa rin naman ang gusto ko. I think she was, too, kahit na wala naman talaga siyang binabanggit.
"Even if I do this?"
Kinabig niya ako sa batok at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang maglapat ang mga labi naming dalawa. What the fuck! Hindi siya nakapikit at ganoon din ako. Wala siyang ginagawa no'ng una pero natauhan ako nang magsimula gumalaw ang labi niya. Shit!
I pushed and slapped her. "What the fuck, Rosendale?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hawak-hawak niya ang nasampal na pisngi, namumula iyon. I can still feel the touch of her lips against mine. Napahinga ako nang malalim at pinahid ang labi ko. "Why did you kiss me? Siraulo ka ba?"
"Will you still stay?" She asked instead of answering.
Hindi ako makasagot. Natutuliro ako sa ginawa niya. Para saan yung halik? Initiation? Ano, tine-testing niya lang ba ako? "Are you testing me if I'm going to stay or not in a form of a freaking kiss?"
Ibinaba niya ang kamay. Para bang walang nangyari na lumapit siya sa akin lalo. "What are we, Echo?"
"Bakit ba ang dami mong tanong?" Tinulak ko siya pero muli lang siyang lumapit sa akin.
"Yung lalaking naghatid sa'yo nitong nakaraang araw, sino siya?"
Napakamot na ako ng ulo. Ang gulo niya. Sobrang gulo niya! Ang dami niyang tanong. Hindi ko siya maintindihan, ang hirap intindihin.
"Nagseselos ka ba?" tanong ko, "The heck, Rosendale, are you a lesbian? Huwag mo sabihing may gusto ka sa akin?"
"He's just going to hurt you. Stay away from him."
Hinawakan ko yung collar ng damit niya at maaskad na hinila iyon palapit sa akin. Mixed na yung nararamdaman ko, naiinis ako na ewan. My heart's beating so fucking fast and it's all because of her. Ginugulo niya ang isip ko! "Answer my damn question!"
"I'm not jealous," mahinang saad niya. Hinawi niya ang buhok ko at inipit ito sa gilid ng tainga ko. Now I find her creepy, so I pushed her away. Muntik pa siyang mahulog sa sofa pero wala akong pakialam. "I'm not a lesbian."
"Then why the hell did you kiss me?"
Hindi siya sumagot. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Nagmamatigas na naman siya. Ni hindi ko alam kung anong posibleng naiisip niya because I can't even read her expression.
"Ang gulo mo, Rosendale. Bakit ba ang hirap mong intindihin?"
"Are you still planning to stay?"
I pursed my lips. I took a deep breath and stared at her. Hinawi ko ang bangs niya. Kahit man lang sana sa mga mata niya ay may mabasa ako pero wala pa rin. It's so frustrating. "Yeah, because I already said it so don't make me back out from my own words. Kahit nakakainis ka, you fucking kissed me, you suicidal bitch!"
She smiled a little bit. "Hindi naman 'yon halik. Dumikit lang yung labi ko sa labi mo."
Namula ako at binatukan siya, she didn't flinch. She just stared at me. "Baliw ka ba?"
She shrugged her shoulders. "Are you still bothered about the scars?"
"Hindi na! Mas na-realized kong baliw ka talaga!" I spat at her bago siya irapan. Paano ako mabo-bothered kung mas naiisip ko yung halik niya? Hindi ako nakaramdam ng pandidiri pero ayoko no'n.
"Now, Echo, what are we?"
Hindi ko alam ang isasagot. Ano nga ba? Were we friends? I think so. "Magkaibigan tayo."
"Do friends kiss each other?" Umangat ang kabilang side ng lips niya. Binabaliw niya ba ako sa mga tanong niya?
Anong nangyayari? Nago-good time ba ako? Anong nangyayari kay Rosendale?
_____
BINABASA MO ANG
Living With The Psychopath (GL) [Completed] [Self-Published]
Romance[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July 15, 2020 CONTENT WARNING: This story contains scenes that readers may find upsetting, disturbing, an...